05/09/2026
September 5, 2026
SMO Handa sa Sakuna at Salamin Para sa Kinabukasan Training
Tayo ay dumalo at aktibong nakilahok sa SMO Handa sa Sakuna at Salamin Para sa Kinabukasan Training, sa pangunguna ni Konsehala Shannin Mae Olivarez Bernardo, katuwang ang Philippine Red Cross.
Isinagawa ang pagsasanay sa Silverio Purok 1 Covered Court, na dinaluhan ng iba't ibang Homeowners Associations sa ating Barangay.
Layunin ng programang ito na mapalawak ang kaalaman at kahandaan ng bawat asosasyon sa pagtugon sa mga sakuna at emergency na maaaring mangyari sa ating komunidad.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, sama-sama nating pinapalakas ang kahandaan, pagtutulungan, at kaligtasan ng bawat pamilya at komunidad.
Handa sa Sakuna, Ligtas ang Komunidad!