18/11/2013
Magandang Umaga!!!
Masusi po naming pinararating at inilalahad sa inyo ang isang pangyayari nung nakaraang Eleksyon sa Barangay Baclaran. Dapat mabigyang daan po ninyo ang masusing imbestigasyon sa resulta ng Halalan dito at marami po kaming nalikom na ebidensya sa pangyayari nung nakaraang Eleksyon. Ito ay isang patunay na ang kanilang pagkapanalo ay dahilan sa kanilang ginawang pwersa na pandaraya kabilang na rin ang mga g**o, 3rd member at poll clerk. Kasama na rin dito ang mga taong empleyado ng Barangay tulad ng mga Secretary, Ex – O, at Barangay Tanod.
Pinaglalaban talaga ng mga Cailles na mapaupo sila dahilan sa kanilang layunin na makalikom muli ng pera ng bayan, kung susumahin napakarami ng ari-arian ang pamilyang ito mulat sapul sila ay umupo humigit kumulang 19 years bilang punong Barangay. May mga kalakip kami na ebidensya sa pamilyang ito at ito ay dokumentaryo at kayo na po ang humusga.
Sigaw po ng mga taga Baclaran ipaglaban ang karapatan ng bawat isa at dapat ito ay mabigyan ng aksyon para lumabas ang katotohanan at mailahad ang tama at malinis na eleksyon. At kung ito ay hindi mabibigyan ng halaga na ma imbestighan kada maglulungsad ng lokal na eleksyon sa Baclaran paulit ulit ang mga pangyayari at dapat po ito ay matigil napo.
Malaking tulong ang mabibigay ninyo sa aming hinaing at sana makamit namin ang aming katarungan sa labang ito . At hindi kami nawawalan ng pagasa at gabay sa may kapal.
Umaasa po kami sa masusing kasagutan.
LABAN KO LABAN NA BUONG BACLARAN!!!
Nagmamahal,
SAMA – SAMA MOVEMENT
Baclaran
Cc:
Office of the Mayor
Congressman- District 1
City Administrator – Atty. Ding Soriano
Baclaran- Barangay Baclaran
City Comelec Paranaque
Principal – Annex / Unit 1 / Unit 2 / Central
Redemptorist Church
Sta. Rita Church
Iglesia ni Cristo – Main Office / Evangelista / Baclaran
Commissioner Grace Padaca
Vice President Jejomar Binay
ABS- CBN
UNTV
Channel 5
DILG