04/10/2026
October 4, 2026
📚✨ PCPL ANNIVERSARY: BASAHERO CULMINATING ACTIVITY ✨📚
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng Parañaque City Public Library (PCPL), nakiisa ang ating City Library sa matagumpay na BASAHERO Culminating Activity, isang makabuluhang programa na naglalayong mapaunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng mga kabataan. 📖💙
Ang BASAHERO Project, sa pangunguna ng Rotary Club of Parañaque St. Andrew at Rotaract Club of Parañaque St. Andrew, ay nagsimula noong Setyembre 13 at nagtapos ngayong araw. Sa pamamagitan ng iba't ibang learning activities, nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na malinang ang kanilang reading skills, comprehension, at pagmamahal sa pagbabasa.
Naging mas masaya at makulay rin ang aktibidad sa pamamagitan ng mascot appearance ng Parañaque City Public Library, na naghatid ng saya at dagdag na excitement sa mga kabataang kalahok. 🥳📚
Bilang katuwang sa pagsusulong ng literacy sa komunidad, patuloy na sinusuportahan ng Parañaque City Public Library, sa pangunguna ng aming OIC, Mr. Melquiades I. Alipo-on, ang mga programang nagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na matuto, magbasa, at higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan.
Ang BASAHERO Project ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng library, mga organisasyon, at buong komunidad, mas marami tayong kabataang maaabot at matutulungang magkaroon ng mas matatag na pundasyon sa edukasyon. 🤝📖
Taos-pusong pasasalamat sa Rotary Club of Parañaque St. Andrew at Rotaract Club of Parañaque St. Andrew sa kanilang pakikiisa, dedikasyon, at patuloy na pagsusulong ng literacy at edukasyon para sa ating mga kabataan.
Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez sa mga programang naglalayong palawakin ang access ng ating mga kabataan sa edukasyon, pagbabasa, at makabuluhang learning opportunities. 💚📚
💙 Sa bawat pahina, may kaalaman. Sa bawat pagbasa, may bagong pag-asa.