17/08/2026
🌧️ BABALA SA MALAKAS NA PAG-ULAN | ORANGE WARNING LEVEL 🌧️
Kasalukuyang nasa ilalim ng ORANGE WARNING ang Parañaque City dulot ng inaasahang tuloy-tuloy at matinding pagbuhos ng ulan sa susunod na 1 hanggang 2 oras.
🟧 Banta: Matinding pagbaha sa mga mabababang lugar at pangunahing lansangan.
🟧 Aksyon:
-Lumikas agad kung kinakailangan o kung may abiso mula sa inyong barangay.
-Iligpit at ilagay sa mataas na lugar ang mga importanteng gamit at dokumento.
-Siguraduhing may sapat na charge ang inyong mobile phones at emergency lights.
Para sa saklolo at emergency assistance, agad makipag-ugnayan sa inyong Barangay Disaster Risk Reduction Management o tumawag sa Parañaque Emergency Hotline.
Ingat, Barangay BF Homes!