06/09/2026
MAGANDANG ARAW, JETLANE VILLAGE!
NEWS UPDATE MUNA TAYO!
RESOLUTION NO. 652 SERIES OF 2026
A RESOLUTION APPROVING AND GRANTING THE ACCREDITATION OF THE JETLANE VILLAGE HOMEOWNERS' ASSOCIATION INC.(JVHAI) AS A DULY RECOGNIZED NON-GOVERNMENT ORGANIZATION (NGO) AND REPRESENTATIVE TO THE LOCAL SPECIAL BODIES IN THE CITY OF PARAรAQUE.
Narito ang mahalagang ulat ukol sa accreditation ng Jetlane Village Homeownersโ Association, Inc. (JVHAI) bilang isang ganap na Civil Society Organization (CSO) sa Pamahalaang Lungsod ng Paraรฑaque.
Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan at paghingi ng suporta sa ating mga kagalang-galang na opisyales ng lungsod upang matagumpay na maipasa ang ating accreditation sa ikatlo at pinal na pagbasa. Malaking tulong ang ating maayos, kumpleto, at detalyadong dokumentasyon ng ating aplikasyon upang maging mabilis ang prosesong ito. Sa ngayon, nakatutok tayo sa pagpapaabot ng ating mga panukala at rekomendasyon para sa ikabubuti ng ating komunidad at ng buong lungsod.
Bakit mahalaga ang accreditation ng JVHAI?
Ang pagkilalang ito ay isang malaking hakbang upang magkaroon ang ating asosasyon ng direktang boses at representasyon sa lokal na pamahalaan ng Paraรฑaque. Sa pamamagitan nito, mas matitiyak natin ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng bawat pamilya sa Jetlane Village.
Isang Makasaysayang Hakbang:
Kapag ito ay opisyal nang naaprubahan, ang JVHAI ang magiging kauna-unahang Homeownersโ Association sa Barangay Vitalez na accredited bilang Civil Society Organization sa lungsod! Magkakaroon din tayo ng pagkakataong maging kinatawan sa mga Local Special Bodies tulad ng:
- City Development Council
- City Peace and Order Council
- Local School Board
Ito ay tagumpay ng buong komunidad ng Jetlane Village, isang patunay na lumalakas at nagiging matatag ang ating boses sa ating samahan sa mga usaping direktang nakakaapekto sa ating pamumuhay.
Hinihiling po natin ang presensya at suporta ng bawat isa sa mahalagang araw na ito. Samahan niyo kaming personal na masaksihan ang makasaysayang hakbang na ito at, sa pagpapala ng Maykapal, ang pagtanggap ng ating opisyal na Accreditation Certificate at City Council Resolution.
Maraming salamat sa inyong walang sawang tiwala, pakikiisa, at pagmamahal sa ating komunidad!
Isang Boses. Isang Komunidad. Isang Jetlane Village. ๐โจ