04/10/2026
Matagumpay na naidaos ng Unity Neighborhood Association Inc. (UNAI) ang regular na halalan nitong Oktubre 4, 2026.
Sa pakikipagtulungan ng UMADO-Parañaque, sa pangunguna ni Assistant OIC Marlon Balbastro, ipinakita ng UNAI ang diwa ng bayanihan, kasabay ng paggamit ng kanilang karapatan at pagkakataong maghalal ng mga bagong opisyal ng samahan.
Sa ginanap din na general assembly, ipinaalala sa bawat miyembro ang kanilang mga obligasyon at responsibilidad—kabilang na ang pagdalo sa mga pagpupulong, pakikiisa sa mga aktibidad ng samahan, at ang kahalagahan ng pagbibigay ng suhestiyon mula sa lahat ng kasapi at hindi lamang mula sa mga opisyal.
Ayon sa UMADO, nasa pagkakaisa ang susi sa tagumpay ng isang asosasyon. Idinagdag pa nila na "ang sinumang nagtataas ng sarili ay ibinababa, at ang nagpapakumbaba ay siyang itinataas."
Kaya naman, napakahalaga ng pagkakaroon ng kababaang-loob sa bawat isa, anuman ang estado o posisyon sa buhay.