All Stories Files

All Stories Files Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from All Stories Files, Library, Parañaque.

puede nyong ishare ang short story nyo, at ipopost ntin s page n to,... (d kau makilala nyan, for ur safety) puede din kau makahinge ng advice s mga belong s pages n to thru comment..
-->pm nyo lang s may nais mgSHARE.. �

07/10/2019

para sa mga LALAKI

, na hindi makuntento sa mga babaeng nilaan ni god para sakanila. "take time to read this". masaya ba? masaya bang manakit ng damdamin dahil lang sa 'sulsol ng tropa?'. masaya bang uminom ng uminom ng alak habang yung girlfriend/asawa mo. hindi makatulog or mapakali kung nasan ka o kung okay ka lang ba? masaya ba? na habang lumalandi ka sa ibang babae habang sila hindi mapakali kakaisip sayo. masaya ba na mag yosi ng mag yosi. habang yung girlfriend/asawa mo. nag-aalala sa kalusugan mo. isa pang tanong. MASAYA BA? okay mga brad! baliktarin natin yung sitwasyon. pano kung ikaw yung nasa kalagayan nila. tas sila naman yung nasa kalagayan mo. magiging masaya kaba? imbes na ilaan mo yung oras mo sakanya e. nilalaan mo sa mga tropa mo. (wala naman akong sinasabi na masama ang magkaron ng tropa) ang akin lang is. sana naman habang nasa tabi mo pa siya, nasa tabi mo pa yung babaeng mahal mo. BRAD! ALAGAAN MO NA! wag mo nang hintayin pa yung oras na bawiin na siya. wag mo ng hintayin pa yung oras na mawala na siya. brad. ingatan at pahalagahan mo yang babae na nilaan ni god para sayo. wag mong sayangin yung oras na kasama mo pa siya. wag mong hintayin na dumating pa sa point na magsisi ka dahil wala na siya, dahil binawi na ng maykapal ang buhay niya. tol. ang swerte mo kasi nahanap mo na yung babaeng para sayo. sana naman wag mo siyang balewalain at saktan. MAHALIN MO NALANG SIYA AT ALAGAAN. kasi once na magmahal yung mga babae tol. gagawin nila lahat para sayo. mamahalin ka nila at aalagaan. hindi sila madaling sumuko sa mga bagay na mahalaga at mahal nila. kaya habang nasayo pa siya MAHALIN MO NA...

05/10/2019

MAHALIN MO SYA G*T NASA SAU P.

Mahalin mo ang isang tao, habang mahal ka pa, dahil baka hanapin mo yan sa mga susunod na araw na nararamdaman niyang nagsasawa na siya sayo.

Hindi lahat ng tao nakakaramdam ng tunay na pagmamahal, Alagaan mo, hangga't maaari, hindi mo masasabi hanggang kailan yang pagmamahal na yan. Hindi mo masasabi kung hanggang kailan, kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin. Kasi kapag dumating na ang araw na nahirapan, nagsawa at nabaling ang atensyon niya sa iba, siguradong mamimiss mo siya, magseselos at mai-inggit ka, at higit sa lahat magsisisi dahil ibang tao na pinapakitaan niya ng mga bagay na hindi mo napansin at nabigyan ng halaga nung kayo pa.

Ayusin mo na habang hindi pa huli ang lahat. Bigyan mo ng halaga. Minsan, wala silang hinihinging kapalit kundi mabigyan lang ng importansya.

Kapag mahal mo hindi mo dapat tinitake for granted. Wag mong hayaang dumating yung point na makikita mo na lang na hawak na sya ng iba. Kaya pahalagahan at alagaan mo sya!

05/10/2019

MAHALIN ANG SARILI

Naramdaman mo na ba yung palaging ikaw na lang yung ngbibigay? Palaging ikaw yung umiintindi? Palaging ikaw yung nag-aadjust? Kaya ang ending, ikaw palagi yung nasasaktan. Masarap naman talaga magmahal, yung nakikita mo kung gaano mo napapasaya yung taong mahal mo sa mga bagay na ginagawa mo at sinasakripisyo mo. Pero palagi na lang bang ikaw yung magbibigay? Mas masarap sana magmahal kung pareho kayong ngbibigayan. Sabi nga nila dapat "Give and take sa love".

Sa dami ng sakit na pinagdaanan mo, hindi masamang unahin mo naman ngayon ang sarili mo. Sa lahat ng pagkakataong inuna mo ang kaligayahan ng ibang tao, panahon na para sarili mo naman ang mahalin mo. Kasi wala namang ibang magmamahal sayo ng totoo kundi ikaw mismo.

Bigyan mo ng pagkakataon na maging malaya ka sa lahat ng isipin mo para sa ibang tao, Minsan okay lang na wag mo intindihin ang sasabihin nila kasi minsan sa pakikinig mo sa kanila, mas lalo ka lang nakakalimot sa totoong gusto mo. Pahalagahan mo kung ano ang gusto mo kasi ikaw naman ang makakaramdam kung anong sa tingin mo ang makakabuti sayo. Pwede mo silang pakinggan pero wag mong hayaan maging sunod sunuran ka sa kanila. Wag mong hayaan na sila ang magdesisyon para sayo, para sa buhay mo.

Magtiwala ka sa sarili mo, sa sariling desisyon mo. Hangga't alam mong tama ka at wala kang sinasaktan na iba, maniwala ka lang na nasa tama ka. Nagiging mali lang naman ang isang desisyon pag hindi ito napaninindigan.

05/10/2019

MALAYA KANA.

Meron talagang taong darating sa buhay mo na mamahalin mo ng sobra. Yung taong darating sayo para bigyang kulay ang mundo mo at mamahalin mo ng tapat at buong buo. Yung taong di mo kailangang magpanggap dahil tanggap ka niya. Na kahit anong kalokohan ang gawin mo okay lang ipakita yung totoong ikaw.

Taong andyan para sayo sa lahat ng bagay, masaya o malungkot di ka niya pinabayaan. Na laging pinagmamalaki kahit ano man ang narating mo. Taong magsasabi sayo na hindi ka niya iiwan kahit anong mangyari hindi siya magbabago, dahil nangako siya ng panghabambuhay sayo. Na kahit may mas maganda, mas matalino, mas maporma, hindi niya makukuhang ipagpalit ka, dahil ikaw lang ang gusto niya.

Yung taong nakikita mo yung kinabukasan mo sa kanya kasama siya at siya lang ang taong mamahalin mo hanggang sa pagtanda, na kahit ayaw na ng mundo sayo, andyan pa rin siya sa tabi mo. Ni hindi mo naisip na matatapos to, o baka magbago siya sayo. Hindi mo naisip na mawawala yung pagmamahal niya sayo.

Pero dumating yung araw na kinatatakutan mo, sa di inaasahan mong pagbabago. Isang pagbabagong ikinaguho ng mundo mo. Wasak na wasak ka ng biglang iwanan ka nito.

Yung taong nagsabi sayo na ”manghihinayang sila” dahil sinayang nila ako, ay sinayang at sinukuan ka din. Yung taong pinaglaban mo hanggang dulo, ay tuluyan ng sumuko sayo.

Pinilit mo siyang pigilan, hinabol mo siya ng walang hanggan, patuloy na iniiyakan para balikan, nagmamakaawang humahagulgol dahil umaasang babalikan at mamahalin ka pa tulad ng dati. Hanggang sa nawala na, Nawala na talaga sya. Nakita mo sa kanya na nahihirapan na siya sapagkat andyan ka pa sa kanya. Na sabik na siyang makalaya at masaya na siya sa piling ng iba.

Hanggang sa pinalaya mo na talaga siya. Yung taong gusto mo sana kasamang bumuo ng pamilya, yung taong kahit anong gawin niya, kahit ilang beses ka niyang saktan hindi nagbago yung pagmamahal mo sa kanya. At wala ka ng magagawa kundi ibigay kung ano ang makakapagpasaya sa kanya kahit di ka na kabilang sa pangarap niya.

At ng dahil sa kanya, natutunan mo kung paano magmahal ng tapat at totoo, na kahit mahirap kakayanin niyo. Na yung totoong pagmamahal hindi lang puno ng kilig at saya pero kakambal din nito ang sakripisyo, lungkot at sakit.

Pero dun mo din matututunan na ang kasalungat ng pagmamahal ay hindi ang galit kundi ang sakit ng paglisan. Na hindi sa lahat ng oras kailangan mong lumaban, lalo na kapag isa na lang ang lumalaban, matututunan mo ding sumuko kapag hindi na kaya ng puso.

Hindi ka talo, hindi mo kasalanan ang kanyang pang gagago. Matututunan mo din magpatawad.

At mahal, pinatawad na kita kahit di ka pa humihingi ng tawad.
Lahat ng ala-alang magaganda, di ko malilimutan kailanman. At kahit mahirap, kahit bumabaon yung sakit. Kailangan kitang bitawan. Hindi dahil ayaw ko na, hindi dahil hindi na kita mahal, kundi dahil mahal na mahal kita, at gusto ko ay maging masaya ka.

Kaya mahal, kahit masakit, pinapalaya na kita...

05/10/2019

WEDDING GOWN"

May isang mananahi ang nangarap ikasal suot ang wedding gown na gawa nya inspirasyon ang kanyang boyfriend ay nagawa nyang napaKaganda ang gown na yon kaya isinuot nya yon sa manikin hindi para ipaarkela kundi para ipagmalaki sa lahat ng magtatanong na yon ang susoutin nya sa pinaka- special na araw ng buhay nya. Marami ang humanga at bride na nagpilit bilhin ang gown subalit lahat sila ay nabigo.

Hanggang isang araw nakatanggap sya ng tawag mula sa probinsya kung saan nakatira ang kanyang boyfriend tawag ng ina nito na nagsasabing nasagaSaan daw ang boyfriend nya ng sasakyan at hindi na umabot sa ospital.

Doon gumuho ang mundo ng dalaga.

Nawala ang kaisa-isang lalaking inspiration nya sa kanyang pagtahi ng gown.

Masakit isipin na yung araw-araw nyang ginawang gown ay hindi na nya maisusuot kailan man.

" ito talaga ang gusto kung gown mahal...miss pwede bang ito nalang" pamimilit ng isang babae sa kasamahan nyang mananahi "
hindi po talaga pwede ma'am kase po ang gown na yan ang gagamitin ni ms. Wenna sa kasal nya"ani rita.
" sege na rita. .ibigay mo na yan....wala na rin naman akong paggagaMitan nyan ehhh...patay na si raul...anu pa bang silbi ng gown na yan? Hindi ko na rin naman mararanasan ang ikasal kailanman!" Maluha luhang salaysay ni wenna " naku ma'am...umiyak na nanaman tuloy kayo....mabuti pa nga sigurong mawala na sa paningin nyo yang gown na yan kase every time na makikita nyo yan lage nyong maaalala si sir raul."
Hinubad ni wenna ang gown sa manikin.
" sir, ma'am ingatan nyo ang gown na to kase ito ang simbulo ng aking wagas na pag-ibig sa aking katipan...sanay ikaw ang pinak**agandang bride sa araw ng inyong kasal"
At nagpasalamat aNg magkasintahan. Maganda ang babae at napakagwapo ng lalake lihim na nakadama ng inggit si wenna. " Mabuti pa kayo may forever" wika nya.
" don't worry ipagdarasal namin na sana magkaroon ka rin ng forever" wika ni mark.
" thank you sir. . Anu nga po ang pangalan nyo?"
"i m mark j romero.... at itong gf ko naman ay si maridel"
Pagpapakilala nito.

Lumipas ang isang buwan nagkaroon ng panauhin si wenna sa patahian" oh, mark what are you doing here?"
Takang tanung nya ng maabutan ito sa sopa..kanina pa daw ito naghihintay sa kanya.
Malungkot ang mukha nito...mahaba ang balabas at malaki ang eye bag.
" kumusta yung kasal nyo? Asan nga pala misis?" Sunod- sunod na tanung nya sa hindi makapagsalitang si mark. Napakamot ito sa batok bago nagsalita " accually pumunta ko dito upang ibalik saYo ang wedding gown mo" umpisa nito
"ibalik? Bakit? Ayaw bang itaGo ni misis? Debat binili nyo na yan? "

Bumuntong hininga ito bago nagsalita " umurong si maridel sa kasal at walaNg kasalang naganap...bago ang aming kasal ay nalaman kung buntis sya at hindi ako ang ama...." namangha sya sa natuklasan. Bakas sa mukha nito ang lungkot na nadarama hindi nya alam kung dahil ba sa kabiguan o dahil sa pagkapahiya sa naudlot nitong kasal.

Inabot nito sa kanya ang gown..binuksan nya ang kahon at maluha- luhang pinagmasdan ito...naalala nya ang namayapang nobyo maswerte parin si mark kahit niluko sya ng gf nya buhay naman ito at pwedeng maging masaya sa piling ng iba samantalang ang bf nya kelan man hindi na nya makikita pa.
"may k**alasan ata ang gown na yan...at nakadamay pa yung kasal ko..." saad nito sa seryosong tinig.anu daw malas ang gown na ginawa nya abat ang antipatikong lalaking ubod ng bitter sa katawan. " hoy, sir...anung k**alasan ang lumulabas sa bibig nyo....hindi kasalanan ng gown na ito kung tutulog- tulog ka at hindi mo namalayan ang girlfriend mong lumalandi na sa iba..."
Nakapamaywang na saad ni wenna napatayo tuloy si mark
" siguro kase mahina ka..next tym kung maggigirlfriend ka ulit..maging romantic ka naman para di ka nanauunahan 😃😃😃" pang- iinis niya.. nakakapikon kase ang antipatikong ito.
"ang dami mo ng sinabi...akala mo naman ang perfect ng lovelife mo...bakit ikaw nakamove on kana ba? "
Hindi siya nakasagot
" iwan ko na sayo ang gown na yan... itago mo baka may lalaking maawa sayo' t pakasalan ka...kase sa subrang taas ng kilay mo baka tumanda kang dalaga 😃😃😃" sabi nito pagkatapos ay tumalikod na.
Naiwang nagngingitngit ang dalagang masungit .
🏃🏃🏃
Habang naglalakad sa hallway ay napulot ni mark ang isang wallet tiningnan niya ito at may I D ni wenna.
Kaya bumalik sya upang isauli ito ngunit nasa may pinto na siya ng marinig ang boses ni wenna " ang gwapo sana ni mr. Eyebrows kaso mukhang mahina kaya ipinagpalit...kung hindi yun darna malamang supot yon 😃😃😃😃😃"ang lakas ng tawanan sa loob... iiling iling na umalis si mark makakatikim sa kanya ang babaeng ito.

Naloloka na si wenna kakahanap ng wallet niya andun pa naman ang mga importante sa kanya. Ang mga ID's at ATM niya.
Tumunog ang cp niya may nag message sa messenger niya mula kay mark romero napaisip siya paano kaya siya na search ni mr. Eyebrows ?
Nagsend ito ng photo binuksan niya " akin nalang ang pag- ibig mo ms. sungit" ah, s**t ang ID niya sa pag- ibig ang laman ng photo.." HOY bakit nasayo ang ID ko...ibalik mo sakin ang wallet ko"
" ibabalik ko sana to sayo kanina kaso nagbago na ang isip ko... may kasalanan ka kase sa akin...alam mo kung anu yon 😁😁"

Diyos ko lord narinig ata nito ang mga pinagaasabi niya.

" naku! Sorry na... joke joke lang yon... pinapatawa ko lang sila 😋😋😋"

" pinapatawa mo sila... sa paraang ginawa mo kung katawa- tawa... hindi ko sukat akalain na ang mga katagang narinig ko ay nagmula sa bibig ng isang virgin"
Hindi na siya Nagreply nakita ata nito ang profile niya suot ang wedding gown na ginawa niya. Nabasa ata nito ang caption dun na " wedding gown w/ virgin bride"
" sorry na ibalik muna sakin ang wallet ko please. ..importante sa' kin lahat ng laman niyan.. "
" ibabalik ko sayo pero may kapalit"
" kapalit? Ang lupit mo naman... anu bang kapalit?"

" may family outing kami... pwede bang samahan mo'ko.... ayokong magmukhang kawawa sa paningin ng family ko.... gusto kung isipin nila na nakamove- on na ako" nakaramdam siya ng awa sa lalaki..gagamitin siya nito para ipakita sa lahat na siya ay matatag.

Ipinakilala sya ni ni Mark sa pamilya nito bilang bagong nililigawan. Sumakay nalang din sya.. kapag usapang bigo medyo lumalambot ang kanyang puso.
Magaling naman siyang umarte.
Nakaupo siya sa gilid ng pool ng senyasan siya nito. Kinunan sya ng picture..
" bakit mo naman ako kinunan ng letrato? Isesend ma ba yan sa ex mo?"
" nope !.its perfect .. alam mo bang simulat sapOl ikaw palang ang pinakasexy na babaeng nakita ko sa gilid ng pool"
Sabi nito na umupo sa tabi niya.
" nambola ka pa.... alam mo bang ngayon lang ako nagsuot ng swimsuit... ng dahil sayo... feeling ko tuloy nakahubad ako😍😍 "
tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.. naasiwa siya.
" hindi ba kayo nag- a outing n raul?" Tanung nito
" hindi....sa simbahan lang kami madalas pumunta... sa mall tapos umuuwe na ng bahay." Kwento niya na biglang nakaramdam ng lungkot ng maalala ang dating katipan.
"malungkot ka nanaman...tara na maligo na lang tayo...idaan nalang natin sa paligo ang ating paGkabigo"
Hinila sya nito palusong sa pool.
Sabay silang lumangoy at sumisid patungo sa pinakailalim.
At umahon sila sa lugar kung saan sila lang dalawa..malayo sa mga kasama. Napatitig ito sa kanya ng umahon sya lalo na sa parting dibdib niya kitang kitA kase ang cleavage niya..at ng ito naman ang umahon ay siya naman ang natulala ng mapatingin sa ibaba nito. Naalala niya kase yung inimbento niyang kwento tungkol dito.. NA sup*t ito 😂😂😂
Napangiti siya.
" hoy pilya... bat nakangiti ka? "
" wala...bakit masama bang ngumiti?" Sabi niya sabay lusong ulit sa tubig at lumangoy palayo sa lalake.

😊😋😋😋😋
Kinabukasan ay nakita niya ang mga pictures sa news feed inaplod ni mark sa fb dami nagcomment inlab na daw ulit.
" good morning ms.sungit " sa
Messenger hindi sya agad nagreply.
" birthday ni mommy ngayon.... punta ka dito sa bahay sunduin kita mga 6 pm"
Binasa niya lang pero hindi siya nagreply.. hindi niya alam kung bakit basta tinutupak siya.

Alas 5 ng hapon
" ma' am may bisita ka"
Sabi ng assistant niya..paglingon niya nakita niya si mark na may dalang bulaklak.
Inabot nito ang bulaklak.
"bakit ka naparito?"
". Deba sabi ko birthday ni mommy... tara na sa bahay..."
Sabi nito na umupo sa tabi niya.
" busy ako mag oovertym ako..."
Sabi niya
" wehhh...palusot lang yan sir gusto lang magmukmok ni ma' am kase monthsary nila dapat ngayon " pambubuking ng assistant niya
" rita, chismosa ka talaga..."
Bumuntong hininga ang lalaki.
" akala ko ba ako itong hindi pa makapagmove on... ikaw din pala... tara... inum nalang tayo...sa bar"
" sa bar????? Anu ka... Hindi ako umiinom noh . ." Tanggi niya
" i'll teach you "

2 am ng ihatid siya ni mark sa condo. Laseng na siya kaya inakay nalang siya nito papasok sa loob.
" m...mr. Eyebrows " sabi nito na hinaplos ang mukha ng lalaki
Matindi na ang tama nito pero hindi si mark..hindi pa siya laseng. Susuray suray na si wenna
" bakit ka ba pinagpalit ng gf mo? Ang tanga niya... sinaktan ka niya..."
Medyo makulit na ang bruha
Hinaplos pa nito ang lips niya.

" k ...kissable lips....g..gwapo... macho... k..kaso mahina" ngumiti pa ito na parang baliw..
" ang lupit ng tadhana kung sinu yung seryosong magmahal siyang nawawalan" sabi nito sa tila iiyak na..
" baka hindi lang sila para sa atin" mungkahe ng lalaki
" kung hindi siya sinu?" Tanung nito
" baka ako" sabi ni mark na titig na titig sa mukha ni wenna.
Tumawa ito ng malakas.
" baka ka 😁😁😁 laseng kana.... hindi ka baka tao ka 😁😁😁 sampalin kita dyan ehhhh"
Natatawang inilapit ni mark ang bibig sa tenga nito
" ang slow mo... halikan kita dyan eh...."
Bulong niya ng biglang lumingon sa kanya si wenna at nagkadilit ang mga labi nila.. hindi na nakontrol ni mark aNg sarili inangkin na nito ang mga labi ng dalaga.
Mga labing matagal ng hindi nakakatikim ng halik...mga labing amoy alak man ay mabango at kaakit akit.

Masakit ang ulo at may hang- over si wenna kinabukasan paggising niya. Agad siyang bumangon.
Paano akong nakauwe? Nakapambahay na ako... sinung nagbihis sa akin?
Pumasok si mark sa kwarto at sinabi nito ang nangyari.
Binantayan pala sya nito at inalagaan habang laseng sya.
Pero maliban sa halik wala namang namagitan sa kanila.

Lumipas pa ang mga araw ay lalo silang naging malapit sa isat isa.
Lage itong nasa condo nya at nakikikain ng dinner.
Masarap daw kase syang magluto.
Para na silang magbestfriend.
Sunod sunuran ito sa bawat utos niya at napalapit na rin sya sa family nito.
Madalas nga silang tuksuhin at tanungin kung sila na ba?
Yung totoo mukhang nagkakagusto na siya kay mark kaso pinipigilN niya alam niya naman kase na di pa ito nakaka- move-on sa ex nito.
At saka..di naman nanliligaw..at ayaw niyang mag- assume.
Naiwan nito ang wallet sa cr kaya pinakialaman niyang tingnan at halos magteteli sya sa tuwa ng makita ang picture niya sa wallet nito.
Yung profile pic niya na nakasout ng wedding dresses pinadevelop pala nito.
Napakanta at napasayaw siya sa kilig " kapag tumibok ang puso... wala kanang magagawa kundi sundin ito..." pakanta kanta sya na ginawang microphone ang sabon.
may kumatok sa banyo.
" hoy, sungit bilisan mo na nagi - lbm ako....lalabas na yung dulo...." pasigaw na sabi ni mark
" meron ako masakit din tiyan ko.... mr. Eyebrows ibili mo naman ako ng napkin please "
Pang- uuto nya.
" napkin....graBe ka kung makautos... ano ko asawa mo 😃😃😃"
Malapit na... bulong niya
"eh di hwag...ay, andito nga pala ang walet mo.."

" naku! Hwag na hwag mong pakialaman yan... akin na... iabot mo sakin"

" bili mo muna ko ng napkin"

" oh, sege... basta wag mong pakialaman ang wallet ko "
Ngingiti ngiti si wenna.. malakas ang kutob niya mahal siya ni mark cguro naghahanap lang ito ng tyempo para magtapat.
Kung ikaw ang lalaking ipapalit ko kay raul matutuwa yon.. kase subrang bait mo.... at mahal na mahal n kita mark j romero...

Lumipas pa ang mga araw ay lalo silang naging sweet. Umaabot na sa puntong hinahalikan na siya nito sa lips bago umalis.
Hindi man nito sinasabi ang katagang I love you ramdam naman niya yon sa araw araw na pag- aalaga nito sa kanya.
At yon ang importante sa kanya yong kahit di sinasabi pero nararamdaman.
" totoo ba ang kasabihan na ang lalaking makapal ang kilay tapat daw kung magmahal?"
" kaya ba lage mong pibagtitripan ang kilay ko? Mahalin mo ko para malaman mo"
Bulong nito.
MAHAL NA NGA KITA MANHID KALANG TALAGA 😂
" kahit naman sobrang tapat ako kung malandi ang gf ko wala din wasak din ang pagmamahalan namin "
bitter.... di parin maka move- on... hanggang kelan kaba mabubuhay sa kahapon Mark?
Hanggang kelan magiging sarado ang iyong mata sa iba?

" hello ma' am... pumunta po dito si sir mark kinuha po ulit yung wedding gown"
Nabigla sya.
" ano? Bakit? Aanhin niya daw yun? Baka susunugin niya..."
" hindi po....ang sabi niya po ikakasal na daw ulit siya..tanung ko lang ma' am ikaw ba ang bride niya?"
Nabitawan ni wenna ang telepono sa subrang panghihina ng loob niya..
Sinu ang babaeng pakakasalan ni mark J?
Kaya ba halos isang linggo na itong di pumupunta sa bahay niya? At di rin siya tinitext.
Agad niyang tinawagan ang numero ng bahay ng lalaki.
Gusto niyang malaman ang totoo ngunit mommy nito ang sumagot ng telepono. At ang sabi " naku iha wala dito ang anak ko.... dinalaw si maridel sa ospital nanganak na daw kase..."
Umiiyak na ibinaba niya ulit ang telepono.
Nagkaayos na ba ang dalawa? Pakakasalan ba ni mark ang ex nito kahit may anak na? Hindi niya alam kung saan nagmumula ang sakit na nararamdaman.
Nasasaktan ba siya dahil mahal niya ang lalaki o dahil nag- assume siya sa isang bagay na malabong mangyari.

Umuwe si wenna sa probinsya at natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa harap ng puntod ng dating katipan.
" nasaktan nanaman ako raul.... akala ko sya na ang lalaking mag- aalaga sa akin....ngunit mali pala ko dahil tulad mo iniwan niya rin ako hindi niya man lang nakitang mahal na mahal ko siya...ang manhid niya...akala ko mahal niya ko... may palagay lagay pa sya ng picture ko sa wallet niya di naman pala niya ko mahal..kapag nagkita kami makakatikim sya sa akin ng mag- asawang sampal"
" sampal talaga ang gusto mong ipatikim sa akin? Pwede bang halik nalang"
Boses na nagmumula sa kanyang likuran..alam niyang nag- iisa lang siya minumulto na ata siya.
Pero boses yun ni mark kilala niya ang boses nito.
Ayaw niyang lumingon baka Kase guni- guni niya lang yon.
Ngunit namangha sya ng ilapag ng lalaki ang wedding gown sa ibabaw ng puntod ni raul tumingala sya dito...
" mark.... mark ikaw nga.... anong ginagawa mo dito.... bakit dala- dala mo ang wedding gown?" Tanong niya na tumayo buhat sa pagkakaupo.
"andito ko... para sunduin ka mahal ko... alam mo bang mis na mis na kita.."
" mahal mo ko mark?"
" mahal na mahal"
" bat ngayon mo lang sinabi?"
" dahil naghahanap ako ng magandang lugar at pagkakataon para magtapat sayo... yung perfect place para iabot sayo ang wedding dress na to... mahal ko palagay ko ito na ang tamang lugar para sabihin ko sayong matutupad na ang pangarap mo.... raul pahintulutan mo sana akong pakasalan ang babaeng mahal natin... ipinapangako ko sayong iingatan ko sya at hindi ko sya sasaktan" luhaang yumakap ng mahigpit si wenna kay mark.
May dumapong ibon sa box ng wedding dress ni wenna.
Napangiti sila.. isa iyong senyales na pinapayagan na sila ni raul na magpakasal.
" binuksan ni mark ang box at kinuha doon ang maliit na box na may lamang singsing
" wenna m. Santos alyas sungit will you marry me" tumingala si wenna bago sumagot
" mark kelan mo pa ba ko minahal?"
" iwan ko.... basta ang alam ko pinahalagahan kita mula ng araw na isearch kita sa fb at makita ko yung picture mo na nakasuot ng wedding gown.. sobra akong nabighani sayo.. alam mo bang lage kung tinititigan ang picture mo sa wallet ko... kapag dinala na kita sa kwarto ko makikita mo dun ang malaking larawan mo na nakadikit sa pader " kinikilig na ngumiti ang dalaga
" talaga.... dalhin mo ko sa kwarto mo gusto kung makita"
" wag muna ayaw pa kitang dalhin sa kwarto ko mahirap na baka sa sa subrang gigil ko sayo hindi matupad ang pangarap mo"
Tumaas ang kilay niya
" pangarap ko? Anu bang pangarap ang pinagsasasabi mo?"
Ngumiti ito " wedding gown with virgin bride..." sabi nito at sabay silang nagkatawanan tapos ay siniil siya ni mark ng halik sa mga labi..
Matagal at kapwa sila kinakapos sa paghinga ng maghiwalay ang mga labi nila." Teka muna, meron akong naalala... kung talagang mahal mo ko.... bakit pinuntahan mo pa sa ospital ang ex mo?"
" pinuntahan ko sya para sabihing pinapatawad ko na siya.... ayaw ko kaseng humarap sayo na may galit pa sa puso ko.... gusto ko buo ang puso ko na ibibigay sayo... "
Pinisil niya ang ilong ni mark pagkatapos ay pinaglaruang wasakin ang kilay nito.
" mr. Eyebrows.... I love you.... "
"I love you to miss sungit tara na sa bahay nyo .... hinihintay na tayo nina mama... kausap nila ang mga parents mo... pinag- uusapan nila ang tungkol sa kasal natin" nagulat siya... matindi talaga itong itong lalaking to... namanhikan ng walang pahintulot sa kanya.

April 29 ay isang babaeng naglalakad patungo sa altar ang nakasuot ng pinaka magandang wedding gown na gawa niya.
Habang naghihintay ang gwapong groom sa harap ng altar
Tulad ng kulay ng damit pangkasal ang babaeng ito sa kanyang harapan.
" my virgin wife..." bulong nya sa sarili... siguro kaya hindi natuloy ang kasal nila ni maridel dahil hindi ito karapat dapat magsuot ng damit na yon.
Dahil hindi busilak ang puso nito..ang swerte niya sa babaeng ito na magiging kabiyak ng kanyang puso..bhira nalang ito sa mundo kaya iingatan niya ito ng todo- todo..

Sabay silang nagpalitan ng " I do"💍💍

Matapos ang kasal ay hinila sya ni mark " bakit?"
" umalis na yung ibang bisita natin.... kaunti nalang sila halika tumakas na tayo dito"
" tumakas? At saan naman tayo pupunta?"
Hindi na ito sumagot dinala sya nito patungo sa kotse at pinaharorot yon papunta sa bahay nito.

Pagdating sa bahay ay nakita niyang tila walang tao dun.
Pinagbuksan sya nito ng pinto ng kotse..akmang lalabas sya ng pangkuhin sya nito... at buhatin papasok ng bahay diretso sa kwarto....
Inilapag sya nito sa k**a na punong puno ng petals ng puting rosas...
Kinikilig na napapikit sya.. pagmulat niya ay nakita nya ang painting na nakasabit sa pader.
Ang larawan niya..
Nakita niyang umupo si mark sa k**a at tinanggal ang sandals niya.
" my lovely wife... ihanda munang sarili mo.... may laban tayo... "
Sabi nito.
namula sya.. " grabe ka mr. Hindi ko pa alam kung paanong suungin ang laban pwede bang ipagpaliban?"
Humiga ito sa tabi niya.
At unti unti ibinaba ang zipper na kanyang trahe de buda.

" habang nasa puso natin ang sandata ng pagmamahal sabay nating susuungin ang bawat laban... kahit gaanu pa yon kahirap hindi tayo susuko.
Sa unang laban natin isa lang ang aking maipapangako..
Ito na ang simula ng mga gabing matutulog ka ng masaya at may dalawang bisig na yayakap sayo para bantayan ka."

Yon lang at nagsimula na itong halikan siya kasabay ng unti unti paghubad ng gown niya..
tuluyan ng natanggal ang kanyang gown.
Napapikit sya ng ito naman ang maghubad bumangon sya sa k**a at patakbong tinungo ang banyo.
" mahal ko... saan ka pupunta?"
" ang hot mo.... maliligo muna ko... "
Nakangiting sinundan ni mark ang misis..
" mas hot ka misis kaya sabay na tayong maligo..😁😁😁"
at yung sumunod na kaganapan alam nyo na yon✋✋"

After one year ay isinilang ni wenna ang isang malusog na sanggol na lalaki..
..

01/10/2019

* MALAYA KA NA *

Sisimulan ko ito sa salitang "ikaw at ako"
Mahal? Naalala mo pa ba kung paano tayo nag kakilala?
Kung paano tayo pumunta sa sitwasyong matamis na?
Sa sitwasyong akala natin ay hanggang dulo na?
Pero hanggang akala lang pala

Ang mga salitang mahal kita, ikaw lang talaga at tayo'y hanggang dulo na
Ay isang biruan lamang pala
Na agad ay pinaliwalaan ko ng sobra
Diba ang tanga?
Dahil sa isang iglap ay nawala ang lahat
Lahat ng ating pinag samahan dahil ikay nanlamig na

Mahal? Alam mo bang ako'y nasasaktan na?
Alam mo bang nawalan na ko ng gana nung mawala ka?
At alam mo bang mahal parin kita?
Mahal? Sana ako ay maintindihan mo
Sana sa isang tulang ito ay maunawaan mong ikaw parin ang mahal ko
Dahil mahal, hanggang ngayon naniniwala parin akong babalik ka

Babalik ang dating ikaw
Ang dating matamis
Ang dating masaya
At ang dating tayo na nawala na
Dahil hanggang ngayon ay umaasa parin ako sa pag babalik mo,

Dahil kahit sobrang sakit na tatanggapin parin
kita
Dahil MAHAL NA MAHAL KITA
Patawad kung ang kulit kulit ko
Gusto kolang na mapansin mo ako,
Pero ngayon nalang ako magiging abala sayo,

Dahil bukas ay mawawala kana sa puso ko
Sa puso kong minahal mo
Sa puso kong pinasaya mo
Pero winarak mo
At sa huling kabanata ng buhay ko
Ito lang ang masasabi ko
SALAMAT sa pagpapasaya
At PAALAM na sa nararamdaman ko para sayo
MALAYA KANA SIMULA NGAYON 😊

30/09/2019

* AMA KAILAN TAYO MULING MAGKIKITA *

Bago ko sisimulan ang aking ginawang tula, may gusto akong ipa-alala. Wag ninyong huhusgahan ang aking Ama dahil wala syang ginawang masama.

Ama, maraming salamat
Maraming salamat sa sakripisyong iyong binigay
Simula palang
Simula palang nung ako'y nasa sinapupunan ng aking mahal na ina'y

Ikay laging pagod galing trabaho
Hindi mo iniinda ang ubo't , lagnat at trangkaso
Para lang may makain sa araw araw.
At nung ako'y iniluwal ng aking mahal na inay
Ay hindi mawari ang saya sa iyong mata at labi

At sa aking pag laki ika'y hindi nagbago
Ikaw ay lalong nagpursiging magtrabaho
Isang araw habang tayo'y mag kasama.
Hindi mawari ang saya sa ating mga mata.

At yung araw na iyon
Yun na pala
Yun na pala ang ating huling pagsasama
Dahil sa araw ng botohan
Ikay pagod galing trabaho at hindi muna naisipang umuwi para magboto

Ika'y dumeretso sa botohan habang dala dala ang isang matalim na bagay na iyong ginagamit na pang hanap buhay
At hindi mo alam
Hindi mo alam na iyon ay bawal

Ika'y dinakip ng walang kaalam alam
Nag tatanong kung ano ang iyong ginawang kasalanan
Ika'y dinala ng sapi-itan na hindi ko alam
Hindi ko alam kung ikaw ay ayos lang

Bakit ganto? Bakit ganon? Bakit ganyan?
Ang tatlong katanungan na patuloy kong hinahanapan ng kasagutan
At sa tuwing sasapit ang pasko
May keso debola, spaghetti, lumpia at kung ano ano
Pero hindi parin kami kumpleto

Hindi parin kumpleto dahil ang pamilya natin ay hindi buo
At sa darating na marso makakapag tapos na ako
Ang tanging gustong matanggap na regalo ay hindi mamahaling cellphone,
motor, bahay at kung ano ano
Kung hindi
Kung hindi ang paglaya mo.

Ama, mahal na mahal kita
Ikaw lang ang aking pinaka mabuting ama
Ang huling tanong ko nalang? Ama kailan tayo muling magkikita?
---

30/09/2019

* SINUSUBUKAN *

Just call me Angel I'm a single mother, kaka hiwalay lang namin ng father ng baby ko. May naligaw sakin at isang nang trip sakin yung isa. Single, halos kasing edad ko, pero di ko alam if seryoso. Yung isa syempre alam kong p**a kasi may asawa na pero gusto daw ako! Pag naging kami wla naman daw makakaalam! Leche so para tigilan ako nung lalaking may asawa kasi kahit sabihin kong ayoko sa kanya e stalker ang peg! Inaantay ako pag uwian at sumasabay sakin pauwi. Katakot Di ba? Sinagot ko yung isa. Si single guy na sabi nila babaero at di ko rin naman alam if seryoso. Wala pa kaming 24hrs ni guy sinama nya na ko sa bahay nila at pinakilala sa parents nya syempre may pogi points sya dun, then niyaya nya ko sa kwarto nya. Binigyan nya ko ng promise ring tig isa kami pwede na ding couple ring. Pero stainless lang daw, yun muna tutal daw bago pa kami. Dami nya saying so tinest ko si guy. Tutal wala naman na mawawala may anak na ko. Habang daldal sya ng daldal hinalikan ko sya sa lips. Para tumahimik sya. Yung smack ko sa kanya. Yung gulat nya naging natulala sya sabi ko nalang ang daldal nya kasi. Kiniss nya ko ulit at torrid na yun. Pero oooooppsss... Wala naganap. Kasi umalis kami punta kami sa bahay ng mga tropa nya para daw makilala ko. 12 na kami nakauwi. Basa pa kami ulan kasi naka motor kami biglang boommmm. Umulan ng malakas.... Naligo ako sa kanila, di na rin ako nakauwi. Wala ako damit na dala nun pinahiram nya ko short at tshirt nya. Always naman may underwear ako baon pero bra alaws. So tabi kami sa higaan, nung una naka yakap lang sya.

Pero gusto ko talaga sya itest kasi iniisip ko na baka na challenge lang sya sakin kasi single mother ako at gusto lang nya umiscore..
Kaya humarap ako sa kanya kiniss nya ko una sa noo, then sa ilong tapos sa lips, torrid yung feel ko na nag iinit sya kasi may pag himas sya sa likod ko so niyakap ko sya. Naramdaman ko na pinasok nya na k**ay nya sa damit ko. At kinapa yung dede ko. Pinisil, nilamas as in sabi ko bagsak sya kasi gusto lang pala talaga nya NG, **x nagulat ko nung pumatong na sya sakin at hinubad damit nya, hinila na din nya short at panty ko pababa. Syempre may naganap.

Pero unlike what I expect di sya nawala after nun. Di sya nag bago. Kahit I amin ko din sa kanya na kaya ko sya sinagot e para lang tigilan ako nung may asawang epal. Di pa rin sya nag bago af naiintindihan nya.

Now I'm 8months pregnant with our own baby. At Ilang years na rin kami. Di naman pala lahat ng guy mawawala once they got you naked in their bed. Oo bad boy sya kasi ang bilis na may nangyari samin. Pero until now naman he's my man. And we're planning to get married pag labas ng baby maybe next year.

Address

Parañaque
1700

Telephone

+639487645131

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when All Stories Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category