Kagawad Chino Liu

Kagawad Chino Liu β€’ The Official page of Chino Liu β€’
Kay Chino LIU, Laging Ikaw Una! ☝🏼

04/09/2026

Lugaw is life sa Barangay Don Bosco! πŸ₯£

Always a pleasure having Vice Mayor Benjo Bernabe support our local small businesses like 5J Panene Lugawan.

Masarap, sulit, at malinamnam pa! ❀️🫰🏼πŸ₯°

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆHappy National Heroes Day! Binibigyang-pugay natin ngayong araw ang mga bayaning nag-alay at patuloy n...
31/08/2026

𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 πŒπ†π€ ππ€π˜π€ππˆ

Happy National Heroes Day! Binibigyang-pugay natin ngayong araw ang mga bayaning nag-alay at patuloy na nag-aalay ng kanilang mga buhay para sa kapwa Pilipino at sa bansang Pilipinas.

Habang inaalala natin ang mga bayaning dating nakipaglaban para sa kasarinlan ng ating bansa, maganda ring isipin natin ang mga bayani sa araw-araw nating pamumuhay.

Kayo, sino ang itinuturing ninyong bayani sa inyong buhay o komunidad ngayon? I-comment sa baba ang sagot.

STAY SAFE & DRY, MGA KA-BARANGAY! β˜”οΈBase sa mga nalikom na impormasyon ng DOST-PAGASA ngayong araw, Agosto 29, patuloy n...
29/08/2026

STAY SAFE & DRY, MGA KA-BARANGAY! β˜”οΈ

Base sa mga nalikom na impormasyon ng DOST-PAGASA ngayong araw, Agosto 29, patuloy na nakakaapekto ang Habagat (Southwest Monsoon) sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang na ang Metro Manila. Dala nito ang malakas na hangin at ulan, pagkulog-pagkidlat, at pagbaha sa mga mabababang lugar. Pinaiiral din ang iba't ibang rainfall warning sa rehiyon.

Paghandaan ang mga susunod na oras. Mag-imbak na ng sapat na tubig, gamot, at pagkain. Siguraduhin ding may baterya ang mga kagamitang maaaring kailanganin sa oras na mawalan ng kuryente. Kung hindi naman kinakailangan, huwag nang lumabas at manatili na lamang sa loob ng bahay. Manatili pang alerto sa mga susunod na ulat-panahon.

Iba na ang ligtas! Mag-iingat po ang lahat! 🌨️

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜Sinuspende na ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng ParaΓ±aque ang klase ngayong araw, Sabado, Agosto 2...
29/08/2026

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

Sinuspende na ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng ParaΓ±aque ang klase ngayong araw, Sabado, Agosto 29, 2026, sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Edwin L. Olivarez at batay sa rekomendasyon ng ParaΓ±aque City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Lahat ay patuloy na pinapaalalahanan na mag-ingat sa lahat ng oras at manatiling alerto. Para sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong, maaari po kayong tumawag sa sumusunod na mga numero:
☎️ Local Hotline: 8820-PQUE (7783)
πŸ“± Smart: 0961-096-6341
πŸ“± Globe: 0956-394-0176
πŸ“ž Emergency Hotline: 911

Via | ParaΓ±aque City Government

𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€πŒππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐍𝐆 πƒπŽπ ππŽπ’π‚πŽ Nagkaroon ng pagpupulong at pagtatalakay ang Sangguniang Bar...
28/08/2026

𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 π’π„π’π’πˆπŽπ πŽπ… 𝐓𝐇𝐄 π’π€ππ†π†π”ππˆπ€ππ† ππ€πŒππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐍𝐆 πƒπŽπ ππŽπ’π‚πŽ

Nagkaroon ng pagpupulong at pagtatalakay ang Sangguniang Barangay ng Don Bosco nitong Miyerkules, ika-26 ng Agosto 2026, sa pamumuno ni Kapitan Mar Jimenez, na siyang nanguna sa Regular Session ng Barangay Council.

Kabilang sa mga naroroon sa sesyon ay ang inyong lingkod, πŠπ€π†π€π–π€πƒ π‚π‡πˆππŽ π‹πˆπ”, kasama ang mga kapwa lingkod-bayan natin na sina Kagawad Kim Bonsol, Kagawad JB Balicanta, Kagawad Jonas Maglaya, Kagawad Ricky Bedayo, Kagawad Evelyn Virata, at Kagawad Josie Jacob. Naroon din sina Barangay Secretary Xandy Espiritu at Barangay Treasurer Beth Pineda.

Sa ginanap na sesyon, sinelyuhan at pinagtibay ang mahahalagang mga resolusyon at ordinansa ng Sanggunian para sa patuloy na ikagaganda ng ating minamahal na Barangay Don Bosco.

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜Sinuspende na ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng ParaΓ±aque ang klase para bukas, Biyernes, Agosto 2...
27/08/2026

𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π’πŽπŠ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

Sinuspende na ng lokal na Pamahalaang Lungsod ng ParaΓ±aque ang klase para bukas, Biyernes, Agosto 28, 2026, sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ito ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Edwin L. Olivarez at batay sa rekomendasyon ng ParaΓ±aque City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Lahat ay patuloy na pinapaalalahanan na mag-ingat sa lahat ng oras at manatiling alerto. Para sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong, maaari po kayong tumawag sa sumusunod na mga numero:
☎️ Local Hotline: 8820-PQUE (7783)
πŸ“± Smart: 0961-096-6341
πŸ“± Globe: 0956-394-0176
πŸ“ž Emergency Hotline: 911

Via | ParaΓ±aque City Government

𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π‡πˆππ€π‡π€π‘π€π 𝐍𝐀 π‹πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π€π“πˆππ† π‹π”ππ†π’πŽπƒ!Nakasama ng inyong lingkod ang mga β€˜Little City Government Officials’ ng Lun...
27/08/2026

𝐀𝐍𝐆 πŒπ†π€ π‡πˆππ€π‡π€π‘π€π 𝐍𝐀 π‹πˆπƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π€π“πˆππ† π‹π”ππ†π’πŽπƒ!

Nakasama ng inyong lingkod ang mga β€˜Little City Government Officials’ ng Lungsod ng ParaΓ±aque sa kanilang pagbisita sa Session Hall ngayong araw upang magkaroon ng makabuluhang karanasan o β€˜exposure’ sa trabaho ng ating mga lingkod-bayan sa Lokal na Pamahalaan at sa Sangguniang Panlungsod.

Isa ito sa mga programang isinulong ng SK Federation, sa pangunguna ni SK President Denize Kathlyne Santos Park, para sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.

Congratulations, Little City Government Officials 2026! Ipagpatuloy ninyo ang pagiging aktibo, responsable, at handang matuto bilang mga kabataang lider ng ParaΓ±aque. πŸ‡΅πŸ‡­

π–π„π„πŠπ‹π˜ 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ 𝐀𝐍𝐃 𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πƒπŽπ ππŽπ’π‚πŽ ππ„πŽππ‹π„β€™π’ ππ€π‘πŠGinanap noong Lunes, ika-24 ng ...
27/08/2026

π–π„π„πŠπ‹π˜ 𝐅𝐋𝐀𝐆 π‘π€πˆπ’πˆππ† π‚π„π‘π„πŒπŽππ˜ 𝐀𝐍𝐃 𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πƒπŽπ ππŽπ’π‚πŽ ππ„πŽππ‹π„β€™π’ ππ€π‘πŠ

Ginanap noong Lunes, ika-24 ng Agosto 2026, ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Barangay Don Bosco sa ating Barangay Don Bosco People’s Park.

Binuksan ng ating Treasury Department, sa pangunguna ng ating Ingat-Yaman na si Treas. Beth Pineda, ang nasabing programa kung saan nagbigay siya ng report patungkol sa mga ginagastos ng pamahalaan para sa mga proyekto’t programa na ibinibigay natin sa ating mga nasasakupan.

Nag-report din si Kapitan Mar Jimenez ng mga napagtagumpayan ng Pamahalaang Barangay nitong nakalipas na linggo. Dumalo rin ang ating Councilor Rico Golez para pangunahan ang pagbibigay ng mga libro sa mga mag-aaral ng ating Child Development Centers o CDCs.

Binigyang-pagkilala rin natin ang mga masisipag na estudyanteng nagsipag-tapos ng may mataas na karangalan o β€˜Latin Honors’. Pagkatapos ay iginawad natin ang mga lupa sa mga pamilyang naninirahan sa Aloe Vera ng MalacaΓ±ang Dulo upang magkaroon sila ng kapanatagan sa kanilang tinitirhang mga bahay.

Ang mga naroroon sa regular na pagtitipon ay sina Kagawad Kim Bonsol, Kagawad JB Balicanta, Kagawad Jonas Maglaya, Kagawad Ricky Bedayo, Kagawad Evelyn Virata, Kagawad Josie Jacob, at inyong lingkod, πŠπ€π†π€π–π€πƒ π‚π‡πˆππŽ π‹πˆπ”.

Photo Courtesy | Office of Punong Barangay

Ang tunay na lingkod-bayan, laging handang humarap sa hatol ng mamamayan. Kahit ang inyo pong lingkod ay kasalukuyang op...
26/08/2026

Ang tunay na lingkod-bayan, laging handang humarap sa hatol ng mamamayan. Kahit ang inyo pong lingkod ay kasalukuyang opisyal, buo po ang suporta natin sa pagpapatuloy ng Barangay & SK Elections o BSKE.

Huwag nating idahilan ang pulitika. Ipaglaban natin
ang karapatan ng taumbayan. Ang pagsusulong ng mga pampublikong proyekto na may nakatalagang β€˜budget’ ay hindi kailanman dapat maging dahilan para iantala ang karapatan ng mga mamamayan sa halalan.


πŠπ€π†π€π–π€πƒπ’ π“π‘π˜ π“πŽ ππ‹π€π˜ ππˆπ‚πŠπ‹π„ππ€π‹π‹ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 π’πŽπ‚πˆπ€π‹ π‚πŽπ‘ππ„π‘Masayang nag-ehersisyo at nagpa-pawis ang mga kasama nating lingkod-...
25/08/2026

πŠπ€π†π€π–π€πƒπ’ π“π‘π˜ π“πŽ ππ‹π€π˜ ππˆπ‚πŠπ‹π„ππ€π‹π‹ 𝐀𝐓 𝐓𝐇𝐄 π’πŽπ‚πˆπ€π‹ π‚πŽπ‘ππ„π‘

Masayang nag-ehersisyo at nagpa-pawis ang mga kasama nating lingkod-bayan matapos nilang subukang mag-laro ng Pickleball sa β€˜The Social Corner’ na matatagpuan sa Guatemala cor. Iraq Street, Section 4, Barangay Don Bosco.

Naglaro ang mga Kagawad upang subukan at tangkilikin ang nasabing laro na patuloy na umuusbong sa buong Pilipinas. Patuloy nating susuportahan ang mga aktibidad na makatutulong sa kalusugan at aktibong pamayanan!

Sino sa tingin ninyo ang Kagawad na pinaka-magaling maglaro ng Pickleball? I-comment niyo sa baba! Hahaha! πŸ˜‚πŸ₯’πŸŽΎ

Address

Barangay Don Bosco
ParaΓ±aque
1711

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kagawad Chino Liu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kagawad Chino Liu:

Shortcuts

Share