Las Piñas Parañaque Wetland Park

Las Piñas Parañaque Wetland Park The Las Piñas-Parañaque Wetland Park is a Ramsar site and a protected area under the E-NIPAS law.
(2)

Welcome to the Las Piñas Parañaque Wetland Park's official page! LPPWP is the first critical habitat established in the country through the President Proclamation. Proclamation 1412, issued on 22 April 2007, formally establishes the Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) also known as Ramsar Site No. 2124 located in heart of National Capital Region also known as the Ramsar of Internatio

nal Importance. The park is open for bird monitoring/photography, eco-tour, and coastal clean-ups abided with guidelines due to the COVID-19 pandemic health protocols. Should you have queries and concerns about the park please do not hesitate reaching us through this page or email us at [email protected] for permit applications.

Sa bawat huli ng ating mangingisda, kaakibat ang kwento ng buhay, kabuhayan, pangangalaga, at pag-asa.Ngayong 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅...
31/05/2026

Sa bawat huli ng ating mangingisda, kaakibat ang kwento ng buhay, kabuhayan, pangangalaga, at pag-asa.

Ngayong 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐢𝐬𝐡𝐞𝐫𝐟𝐨𝐥𝐤 𝐃𝐚𝐲, nakikiisa ang Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa panawagang pangalagaan at palakasain ang ating karagatan at latian—para sa mga pamayanang umaasa dito at sa mga susunod na henerasyon.

Sama-sama nating suportahan ang ating mga mangingisda, isulong ang sustenableng pangingisda, at ipaglaban ang isang masagana, ligtas, at dahil ang Manila Bay ay para sa lahat.

TINGNAN: Dumayo pa mula Camp Karingal, Quezon City ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology-Quezon City ...
30/05/2026

TINGNAN: Dumayo pa mula Camp Karingal, Quezon City ang mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology-Quezon City Jail Female Dormitory upang magsagawa ng cleanup sa Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP) bilang bahagi ng kanilang programa sa pangangalaga ng kapaligiran. Sa kanilang pagtutulungan, nakalikom sila ng 10 sako ng basura na may kabuuang timbang na 54 kilo mula sa dalampasigan ng Long Island.

Bagama’t mahalaga ang mga cleanup activity sa pag-alis ng mga basurang nakarating na sa baybayin at sa pagbawas ng banta nito sa mga ibon at iba pang wildlife, lalo nitong ipinapakita ang kahalagahan ng wastong paghihiwa-hiwalay at pagbawas ng basura sa pinagmumulan pa lamang. Sa ganitong paraan, mas kaunting basura ang mapupunta sa mga ilog at Manila Bay at kalaunan ay aanod patungo sa mga mahahalagang wetland areas gaya ng LPPWP. Ang kanilang boluntaryong pagkilos ay nagsisilbing paalala na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang nagtatapos sa paglilinis, kundi nagsisimula sa responsableng pamamahala ng basura sa ating mga tahanan, paaralan, at pamayanan.

𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐤𝐨𝐧𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧!🌿🌊Nakibahagi ang Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa Culmi...
30/05/2026

𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐤𝐨𝐧𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧!🌿🌊

Nakibahagi ang Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) sa Culminating Activity para sa 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐎𝐜𝐞𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 nitong Huwebes, ika-28 ng Mayo, 2026 sa BMB Training Center, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center , sa pangunguna ng Coastal and Marine Division ng DENR-Biodiversity Management Bureau.

Bilang bahagi ng selebrasyon, nagtayo ang LPPWP ng isang educational at interactive booth na naglalayong mas maipakita sa publiko ang mahalagang papel ng wetlands sa kalusugan ng karagatan—at kung paano direktang naaapektuhan ang LPPWP ng mga patuloy na banta sa Manila Bay.

Sa pamamagitan ng interactive materials, environmental discussions, at learning activities, mas naipakita kung paano konektado ang wetlands sa ating karagatan, kabuhayan, saribuhay, at pamayanan.

Ngunit hindi sapat ang kaalaman lamang. Kailangan ng pagkilos.

Sa bawat basurang maayos na itinatapon, sa bawat boses na naninindigan para sa kalikasan, at sa bawat simpleng hakbang para sa ating karagatan, nagiging bahagi tayo ng pagbabago. Dahil kapag pinoprotektahan natin ang wetlands, pinoprotektahan din natin ang karagatan, pag-asa ng kasalukuyan, at buhay ng kinabukasan.

Sama-sama tayong makiisa, matuto, at kumilos para sa mas malinis, mas ligtas, at mas matatag na .

Dahil ang karagatang masigla, kaya natin.


𝐖𝐄𝐓𝐋𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐌 | 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 (𝘛𝘦𝘳𝘮𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘢 𝘤𝘢𝘵𝘢𝘱𝘱𝘢)While the Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) is celebrated mostly f...
29/05/2026

𝐖𝐄𝐓𝐋𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐌 | 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 (𝘛𝘦𝘳𝘮𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘢 𝘤𝘢𝘵𝘢𝘱𝘱𝘢)

While the Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP) is celebrated mostly for its dense mangrove forests, it is also home to a rich variety of beach forest flora. Among these is 𝐓𝐚𝐥𝐢𝐬𝐚𝐲 (𝘛𝘦𝘳𝘮𝘪𝘯𝘢𝘭𝘪𝘢 𝘤𝘢𝘵𝘢𝘱𝘱𝘢). Standing like sentinels along the shores of LPPWP and lining the trails of Freedom Island, these trees add both vibrant color and shade to Metro Manila’s Last Coastal Frontier.

The Talisay is easily recognized by its wide, umbrella-like branches and broad leaves that turn brilliant shades of red, orange, and yellow before falling. Though its tiny, greenish-white flowers look simple, they attract vital pollinators that sustain the wetland's biodiversity. Additionally, the tree produces corky, buoyant fruits that drift across seawater, allowing the Talisay to naturally colonize new coastlines.

More than just a scenic feature, the Talisay plays a critical role in stabilizing coastal soil, preventing erosion, and providing shelter for migratory birds and local wildlife. Its presence is a beautiful reminder that urban wetlands are thriving ecosystems just waiting to be explored.

Let us continue to protect our wetlands and mangrove ecosystems so future generations may still witness the quiet beauty and importance of plants like the Talisay. Every action for conservation helps keep our wetlands in bloom.

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈 | 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐧...
28/05/2026

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈 | 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐧𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨 𝐫𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐭𝐮𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐜𝐞𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞! 🌊🌿

Bukod sa mga makabuluhang sesyon at diskusyon, naging mas buhay at engaging ang forum sa pamamagitan ng mga interactive educational booths mula sa One Pawikan Initiative , Mangrove Matters PH , Wetlands International Philippines, at Las Pinas-Paranaque Wetland Park.

Sa pamamagitan ng mga 𝐞𝐱𝐡𝐢𝐛𝐢𝐭, 𝐠𝐚𝐦𝐞𝐬, at 𝐚𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐜𝐲 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬, mas pinalalim ng mga kalahok ang kanilang pag-unawa sa kahalagahan ng wetlands at karagatan—at kung paano ito direktang konektado sa biodiversity, climate resilience, at kinabukasan ng ating mga komunidad.

Hindi rin nagtapos sa pakikinig ang forum. Sa isinagawang 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡-𝐋𝐞𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐥𝐚𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬𝐡𝐨𝐩, sama-samang bumuo ng mga konkretong aksyon at inisyatiba ang mga kalahok upang maisulong ang environmental awareness, conservation action, at community engagement sa kani-kanilang paaralan at komunidad.

Mula sa pagkatuto tungo sa pagkilos—pinatunayan ng kabataan na handa silang maging bahagi ng solusyon para sa wetlands, karagatan, at klima.


TINGNAN: Mga opisyal at kasapi ng Council of Tourism Management Students ng Philippine Women's University - PWU, nagsaga...
27/05/2026

TINGNAN: Mga opisyal at kasapi ng Council of Tourism Management Students ng Philippine Women's University - PWU, nagsagawa ng coastal cleanup at pagbisita sa Wetland Museum ng Las Piñas Parañaque Wetland Park (LPPWP). Ang kanilang pagsusumikap ay nagresulta sa pagkaka-alis ng 40 sako ng basura sa dalampasigan ng Freedom Island na may timbang na 192 kilos. Ang activity ay inorganisa ng Earth Island Institute Philippines.

The Protected Area Management Office of the Las Piñas Parañaque Wetland Park is one with the Muslim Community in the obs...
27/05/2026

The Protected Area Management Office of the Las Piñas Parañaque Wetland Park is one with the Muslim Community in the observance of the Eid'l Adha.

May you have a blessed and meaningful celebration, our Muslim brothers and sisters!

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈 | 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫𝐮𝐦—𝐢𝐬𝐚 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬. 🌊🌿Matagumpay na isinagawa ang 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐨𝐧 ...
26/05/2026

𝐈𝐂𝐘𝐌𝐈 | 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐟𝐨𝐫𝐮𝐦—𝐢𝐬𝐚 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐰𝐚𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬. 🌊🌿

Matagumpay na isinagawa ang 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐭𝐥𝐚𝐧𝐝𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐎𝐜𝐞𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park bilang bahagi ng pagdiriwang ng 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐎𝐜𝐞𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔. Pinagtipon nito ang mga youth leaders, environmental advocates, at kabataang changemakers mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila at karatig probinsya upang talakayin ang kinabukasan ng wetlands, karagatan, at mga komunidad.

Sa gitna ng lumalalang climate crisis, polusyon sa karagatan, at patuloy na pagkasira ng likas na yaman, muling pinatunayan ng kabataan na sila ay hindi lamang tagapakinig—sila ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng makabuluhang aksyon para sa kalikasan.

Nagbigay ng mensahe si Amy Lecciones, Executive Director ng for the Conservation of Philippine Wetlands at Ramsar CEPA NGO Focal Point Philippines, na binigyang-diin na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa mulat at aktibong mamamayan, lalo na sa kabataang magmamana ng kinabukasan ng planeta.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Matthew Vincent Tabilog ng East Asian-Australasian Flyway Partnership – Youth Task Force na ang pangangalaga sa wetlands at karagatan ay hindi lamang usapin ng biodiversity, kundi ng buhay, kabuhayan, at katatagan ng mga susunod na henerasyon.

Kabilang sa mga makabuluhang sesyon ng forum ang:

🌊 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟏: 𝐎𝐜𝐞𝐚𝐧 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 – “𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚 𝐁𝐚𝐲”
Tinalakay ni Mark David De Guzman, Founder and Lead Convener ng One Pawikan Initiative, ang lumalalang hamon sa ating karagatan—mula polusyon hanggang pagkasira ng ekosistema. Binigyang-diin ang koneksyon ng ridge-to-reef systems at ang mahalagang papel ng wetlands tulad ng Manila Bay at LPPWP sa pagpapanatili ng kalusugan ng karagatan.

🌱 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟐: 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐥𝐢𝐞𝐧𝐜𝐞 – “𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐍𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐭𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝?”
Ibinahagi ni Kishia Rodriguez Muana ng Wetlands International ang epekto ng climate change sa mga baybaying komunidad at kung paanong ang wetlands at mangroves ay nagsisilbing unang depensa laban sa sakuna, habang pinangangalagaan ang buhay at kabuhayan.

🌿 𝗦𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝟯: “𝗥𝗲𝘀𝗶𝗹𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗥𝗲𝗱𝗲𝗳𝗶𝗻𝗲𝗱”
Sa pamumuno ni Christopher Villarin, Protected Area Superintendent ng LPPWP, muling binigyang-kahulugan ang resilience—hindi lamang bilang kakayahang makabangon, kundi bilang panawagan para sa accountability, transparency, at aktibong pakikilahok ng kabataan sa pangangalaga ng mga protected area.

🧭 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝟒: 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐄𝐧𝐠𝐚𝐠𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 – “𝐀𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧?”
Naghatid ng inspirasyon si Leo Anthony Castro ng Mangrove Matters Philippines, na nagpaalala na ang kabataan ay hindi lamang tagamasid, kundi aktibong tagapag-ambag sa conservation sa pamamagitan ng citizen science, advocacy, at community mobilization.

Higit sa mga talakayan, nagsilbing espasyo ang forum sa paghubog ng panibagong henerasyon ng kabataang handang kumilos para sa wetlands, karagatan, at klima.

Dahil ang laban para sa kalikasan ay hindi lamang para sa kasalukuyan—ito ay laban para sa kinabukasan. 🌏💙

Ipinakita ng forum na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan—sila ay aksyon ng kasalukuyan.


𝐖𝐄𝐓𝐋𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐌 | 𝐍𝐢𝐩𝐚 (𝘕𝘺𝘱𝘢 𝘧𝘳𝘶𝘵𝘪𝘤𝘢𝘯𝘴)Enclosed within the northern lagoons of the Las Piñas-Parañaque Wetland Park, cl...
25/05/2026

𝐖𝐄𝐓𝐋𝐀𝐍𝐃 𝐈𝐍 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐌 | 𝐍𝐢𝐩𝐚 (𝘕𝘺𝘱𝘢 𝘧𝘳𝘶𝘵𝘪𝘤𝘢𝘯𝘴)

Enclosed within the northern lagoons of the Las Piñas-Parañaque Wetland Park, clusters of 𝐍𝐢𝐩𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐦𝐬 quietly grow. But unlike most palms, Nipa grows low to the ground, with its trunk hidden beneath the mud while its long fronds rise above the brackish waters. Its rounded flower heads emerge from sturdy stalks, eventually developing into large brown fruit clusters made up of tightly packed wedge-shaped fruits. As the fruits mature, the cluster breaks apart and floats with the tides, allowing the seeds to travel across coastal waters and grow in suitable muddy habitats — a natural strategy that helps Nipa colonize estuaries and shorelines.

For many Filipinos, Nipa is more than a mangrove palm. Its leaves are woven into traditional nipa huts and roofing, while its sap can be processed into vinegar (𝘴𝘶𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢 or 𝘴𝘶𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘰𝘮𝘣𝘰𝘯𝘨), syrup, alcohol, and even sugar. The young translucent fruit, locally enjoyed in sweets and refreshments, is a familiar taste of coastal communities. Beyond its practical uses, Nipa plays an important ecological role by helping stabilize shorelines, reducing erosion, trapping sediments, and providing shelter for fish, crabs, birds, and other wetland wildlife.

In LPPWP, Nipa stands as a reminder that wetlands are not wastelands, but living ecosystems rich in life, culture, and livelihood. As Metro Manila’s Last Coastal Frontier, the park continues to protect these vital habitats amid the pressures of urbanization and marine pollution.

Let us continue to protect our wetlands and mangrove ecosystems so future generations may still witness the quiet beauty and importance of plants like the Nipa. Every action for conservation helps keep our wetlands in bloom.

TIGNAN: Isang coastal cleanup at nature walk ang inorganisa ng isang g**o mula sa Adamson University  para sa kanyang mg...
24/05/2026

TIGNAN: Isang coastal cleanup at nature walk ang inorganisa ng isang g**o mula sa Adamson University para sa kanyang mga mag-aaral sa Las Piñas–Parañaque Wetland Park (LPPWP) bilang bahagi ng kanilang alternative learning activity.

Ayon sa g**o, mas mahalagang direktang makita at maranasan ng mga mag-aaral ang epekto ng 𝐦𝐚𝐫𝐢𝐧𝐞 𝐩𝐨𝐥𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 sa kalikasan kaysa manatili lamang itong usapin sa loob ng silid-aralan. Sa pamamagitan ng gawaing ito, personal nilang nasaksihan kung paano naaapektuhan ng basura ang mga wetland, bakawan, at mga ibong umaasa rito bilang tahanan.

Patunay ito na ang simpleng pagpulot ng basura ay maaaring maging simula ng mas malalim na malasakit para sa kalikasan. Kaugnay nito, hinihikayat ng Protected Area Management Office ang iba pang mga g**o at advocates na dalhin din ang kanilang mga mag-aaral sa LPPWP upang mahubog ang susunod na henerasyon ng mga .

Address

Coastal Road San Dionisio
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Las Piñas Parañaque Wetland Park posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Las Piñas Parañaque Wetland Park:

Share