Pagkakaisa ng mga Walang Sariling Bahay sa Parañaque

Pagkakaisa ng mga Walang Sariling Bahay sa Parañaque Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pagkakaisa ng mga Walang Sariling Bahay sa Parañaque, Political organisation, Delara Compound Multinational Village Barangay Moonwalk Parañaque City, Parañaque.

25/08/2026

Markahan mo na ang iyong kalendaryo! Dahil sa darating na ika-31 ng Agosto, maraming pasabog ang aasahan mo!

Bilang paghahanda para sa darating na World Habitat day ngayong taon, magsasama-sama ang mga kabataan handog ang ‘MAGKAKA-ATIP: Magkaisa Kabataan, para sa Karapatan at Pabahay!’ Isang araw ng pagtatanghal, pag-aaral, diskusyon, at pagkakaisa para sa karapatan sa paninirahan.

Dahil naniniwala tayong sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay, dapat kasama ang kabataang tumindig sa usaping ito. 8.5 milyon ang walang bahay sa Pilipinas, lumalaki pa ang bilang nito taun-taon habang ang mga programa ng gobyernong nakatuon sa negosyo ay hindi layong solusyunan ang lumalalang krisis na ito.

Habang may pamilyang walang maayos bubong na masisilungan, habang marami ay nagsisiksikan, at habang hindi nakakamit ng mga maralitang Pilipino ang kanilang karapatan: sama-sama tayong manindigan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay.

Makiisa sa paglaban! Tara na sa August 31, 2026, 2:00–7:00 pm sa CWP, #20 Domingo M. Guevara, Mandaluyong City, Metro Manila.




Paalam muna sa Ngayon kasamang Lilibeth,,Ang buong Samahan ay nagluluksa sa iyong pagpanaw,salamat sa mga Oras,panahon a...
17/08/2026

Paalam muna sa Ngayon kasamang Lilibeth,,
Ang buong Samahan ay nagluluksa sa iyong pagpanaw,salamat sa mga Oras,panahon at sakripisyo na iyong inalay sa ating mga laban ,
Mananatili ka sa aming mga puso..
Hanggang sa muli...Maayong paglakaw🙏❤️

13/08/2026

𝙋𝘼𝙈𝙋𝙐𝘽𝙇𝙄𝙆𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝘽𝘼𝙃𝘼𝙔, 𝙉𝙂𝘼𝙔𝙊𝙉 𝙉𝘼!

Ang pabahay ay isang pundamental na karapatan ng bawat mamamayan, na kinikilala sa mga pandaigdigang kasunduan sa karapatang pang-ekonomiko, panlipunan, at pangkultura, at nakabatay sa pitong pamantayan ng sapat na pabahay. Gayunpaman, nananatiling malubha ang krisis sa pabahay sa bansa. Tinatayang nasa 6.5 milyong pamilya na ang walang sapat na tahanan, at maaari pa itong umabot sa 8 milyon pagsapit ng 2028 kung mananatiling mabagal at hindi sapat ang pagtugon ng pamahalaan.

Hindi hiwalay ang mga Iskolar ng Bayan sa laban ng iba't ibang sektor at komunidad para sa karapatan sa pabahay. Ang tahanan ay hindi lamang isang pisikal na estruktura; ito ay nagsisilbing kanlungan, pahingahan, at espasyo para sa pag-aaral at paghubog ng kinabukasan. Kapag hindi natutugunan ang karapatan sa ligtas at abot-kayang pabahay, direktang naaapektuhan ang kakayahan ng mga estudyante na makapag-aral nang maayos at maabot ang kanilang mga pangarap. Marami sa mga mag-aaral sa mga unibersidad ang humaharap sa mataas na halaga ng renta, kakulangan ng maayos na espasyo para sa pag-aaral, at limitadong akses sa mga dormitoryo at student housing.

Ang patuloy na paglala ng krisis sa pabahay ay nagpapakita ng pagbitaw ng pamahalaan sa responsibilidad nitong tiyakin ang karapatan ng mamamayan sa disenteng tahanan. Sa halip na palawakin ang mga serbisyong pampubliko, higit na naiiwan sa pribadong sektor ang usapin ng pabahay, na nagreresulta sa komersyalisasyon ng isang batayang karapatan. Dapat gampanan ng mga ahensyang may mandato sa pabahay ang kanilang tungkulin na magbigay ng abot-kaya, dekalidad, at makataong pabahay para sa lahat ng Pilipino.

Kasama ng iba pang sektor, naninindigan ang mga Iskolar ng Bayan sa panawagang: “Pabahay ng gobyerno, huwag gawing negosyo!” Panahon na upang isulong ang isang Comprehensive Public Housing Bill na magtitiyak ng ligtas, abot-kaya, at makataong pabahay bilang karapatan ng bawat mamamayan, ito ay batayang karapatan at serbisyong panlipunan.


[FB LIVE Coverage]IISANG BUBONG TAYO!𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong...
21/07/2026

[FB LIVE Coverage]
IISANG BUBONG TAYO!
𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖
Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.
Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.
Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!




[FB LIVE Coverage]
IISANG BUBONG TAYO!
𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖

Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.

Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.

Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!





Nakabubuhay na Sahod, Ibasura ang  Oil Deregulation Law, Tanggalin ang Excise Tax at VAT, Ibaba ang Presyo ng mga Bilihi...
04/05/2026

Nakabubuhay na Sahod, Ibasura ang Oil Deregulation Law, Tanggalin ang Excise Tax at VAT, Ibaba ang Presyo ng mga Bilihin, at Isa Batas ang Pampublikong Pabahay.

Yan ang ating mga Panawagan sa Pandaigdigang araw ng Manggagawa!

Matagumpay ang ginawa nating unification meetings ng PABAHAY PA  na dinaluhan ng  mga kasapi natin sa ibat ibang mga bar...
30/04/2026

Matagumpay ang ginawa nating unification meetings ng PABAHAY PA na dinaluhan ng mga kasapi natin sa ibat ibang mga barangay chapters bilang paghahanda sa ating nalalapit na pagkilos sa Pandaigdigang araw ng mga Manggagawa ,at sa araw na ito muli nating itambol at ipanawagan Ang ibat ibang isyu na kinakaharap Ng bawat sektor sa ating Lipunan
kasabay Ng ating panawagan sa nakabubuhay na sahod at Ang Serbisyong Pampublikong Pabahay nais din nating ipahayag Ang ating saloobin sa nangyayaring tunggalian o gyera sa pagitan Ng US at Iran na nagdulot Ng matinding krisis at kahirapan.
Magkita kita po tayong lahat sa Mayo 1 sa ganap na ika 7:00 Ng Umaga sa Valley 1 ,Dr.A Santos Avenue, Parañaque

19/04/2026

Pagbati sa lahat Ng mga followers at members ng Pagkakaisa ng mga walang sariling Bahay sa Parañaque,Isang Mapagpalayang araw Ng linggo po sa ating lahat..
Welcome po sa lahat Ng mga nakasubaybay na sa ating official page Ng PABAHAY-PA..

Address

Delara Compound Multinational Village Barangay Moonwalk Parañaque City
Parañaque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagkakaisa ng mga Walang Sariling Bahay sa Parañaque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share