Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario, Government Organization, Sitio Central, Brgy. Santo Rosario, Paombong.

Inter-Barangay Volleyball League 2026 🏐Sabay-sabay nating panoorin at suportahan ang ating Men’s Division para sa kanila...
23/05/2026

Inter-Barangay Volleyball League 2026 🏐

Sabay-sabay nating panoorin at suportahan ang ating Men’s Division para sa kanilang Battle for 3rd game mamayang 6:30 PM sa Munisipyo ng Paombong!

Good luck sa lahat ng manlalaro! Mag-ingat palagi, ang Sangguniang Kabataan ay proud sa inyo sa pagre-representa ng ating barangay.

Inter-Barangay Volleyball League 2026 🏐Sabay-sabay nating panoorin at suportahan ang ating Women’s Division para sa kani...
23/05/2026

Inter-Barangay Volleyball League 2026 🏐

Sabay-sabay nating panoorin at suportahan ang ating Women’s Division para sa kanilang Finals – Game 2 mamayang 5:15 PM sa Munisipyo ng Paombong!

Good luck sa lahat ng manlalaro! Mag-ingat palagi, ang Sangguniang Kabataan ay proud sa inyo sa pagre-representa ng ating barangay.

Sana ay maiuwi nating muli ang kampeonato! 💪

🏐 INTER-BRGY VOLLEYBALL LEAGUE 2026          CHAMPIONSHIP GAME 1 Maraming salamat sa lahat ng manlalarong nagpakita ng h...
17/05/2026

🏐 INTER-BRGY VOLLEYBALL LEAGUE 2026

CHAMPIONSHIP GAME 1

Maraming salamat sa lahat ng manlalarong nagpakita ng husay, puso, at talento sa loob ng court!

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa upang maging mas masigla at matagumpay ang laban na ito. 🙌

Special thanks kina Coach / Treasurer Mar Benedictos at Assistant Coach / SK Kagawad Mardi Dionisio sa walang sawang suporta, paggabay, at dedikasyon sa buong koponan.

Abangan ang susunod pang laban! 🥳

PAGANDAHAN NG GAYAK CONTEST 2026 Noong nakaraang Kapistahan ng Brgy. Santo Rosario ay matagumpay na isinagawa ang Pagand...
15/05/2026

PAGANDAHAN NG GAYAK CONTEST 2026

Noong nakaraang Kapistahan ng Brgy. Santo Rosario ay matagumpay na isinagawa ang Pagandahan ng Gayak Contest sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Santo Rosario.
Nagpakita ng pagkakaisa, sipag, at malikhaing talento ang bawat sitio upang lalong mapaganda at mapasaya ang ating kapistahan.

🏆 Mga Nagwagi:

🥇 Champion – Sitio Ibayo 1� Nakatanggap ng ₱5,000 na handog ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni ABC Kapitan Jun Marcos.

🥈 2nd Place – Sitio Central� Nakatanggap ng ₱3,000 na handog ng Sangguniang Kabataan.

🥉 3rd Place – Sitio Ibayo 2� Nakatanggap ng ₱2,000 na handog ng Sangguniang Kabataan.

🎖️ Consolation Prizes na nagkakahalaga ng ₱500 mula sa Sangguniang Kabataan ay iginawad sa mga sumusunod:

•Sitio Bangkal
•Siti Bangkal- Looban
•Sitio Ibayo – Tobias
•Sitio Gusi -Bungad
•Sitio Gusi- Dulo

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo at kalahok! Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, oras, pagod, at dedikasyon upang maging makulay, maayos, at matagumpay ang ating kapistahan. Ang inyong pakikiisa at pagtutulungan ay tunay na nagpapakita ng pagkakabuklod at bayanihan sa ating barangay.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga naging hurado na naglaan ng kanilang oras at patas na paghusga para sa matagumpay na paligsahan:

• SK Chairperson ng Malumot – Hon. Zoilo Estrella
•SK Chairperson ng San Vicente – Hon. Gian Galman
•SK Chairperson ng San Isidro 1 – Hon. Rein Baguna

Nawa’y patuloy nating suportahan ang mga programa at aktibidad ng ating pamayanan para sa mas masaya, mas maunlad, at mas nagkakaisang Brgy. Santo Rosario.

Mabuhay ang Brgy. Santo Rosario! 🥳✨

SANTO ROSARIO GOT TALENT 2026Noong nakaraang April 18, 2026, ginanap ang masayang at matagumpay na Santo Rosario Got Tal...
15/05/2026

SANTO ROSARIO GOT TALENT 2026

Noong nakaraang April 18, 2026, ginanap ang masayang at matagumpay na Santo Rosario Got Talent 2026 na nilahukan ng mga napakagagaling at talentadong contestants mula sa iba’t ibang lugar. Ipinakita nila ang kanilang husay sa pag-awit, pagsayaw, pag-arte, at iba pang natatanging talento na talaga namang hinangaan ng lahat.

Ang programang ito ay handog ng Sangguniang Kabataan ng Sto. Rosario bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ng Brgy. Santo Rosario. Naging makulay at puno ng saya ang buong gabi dahil sa suporta at pakikiisa ng mga manonood, pamilya, kaibigan, at mga kabataang nakiisa sa programa.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga naging hurado na naglaan ng oras at nagbigay ng patas na paghusga sa bawat kalahok:

• Sir Frederick Adriano
• Hon. Mervin Galman
• Engr. Nestor Benedictos

Maraming salamat din sa mga batang Tovias City sa kanilang kahanga-hanga at masiglang dance number na tunay na nagpasaya at nagbigay aliw sa ating mga manonood. Tunay na kahanga-hanga ang inyong talento at husay sa pagsayaw. Ipinakita ninyo ang inyong galing at tiwala sa sarili na lalong nagpasigla sa buong programa.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga lumahok at sumuporta sa ating programa. Ang inyong talento, tiwala sa sarili, at pakikiisa ang naging dahilan upang maging matagumpay at hindi malilimutan ang Santo Rosario Got Talent 2026.

PAGANDAHAN NG GAYAK CONTEST 2026 Noong nakaraang Kapistahan ng Brgy. Santo Rosario ay matagumpay na isinagawa ang Pagand...
09/05/2026

PAGANDAHAN NG GAYAK CONTEST 2026

Noong nakaraang Kapistahan ng Brgy. Santo Rosario ay matagumpay na isinagawa ang Pagandahan ng Gayak Contest sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Santo Rosario.
Nagpakita ng pagkakaisa, sipag, at malikhaing talento ang bawat sitio upang lalong mapaganda at mapasaya ang ating kapistahan.

🏆 Mga Nagwagi:

🥇 Champion – Sitio Ibayo 1�Makakatanggap ng ₱5,000 na handog ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni ABC Kapitan Jun Marcos.

🥈 2nd Place – Sitio Central�Makakatanggap ng ₱3,000 na handog ng Sangguniang Kabataan.

🥉 3rd Place – Sitio Ibayo 2�Makakatanggap ng ₱2,000 na handog ng Sangguniang Kabataan.

🎖️ Consolation Prizes na nagkakahalaga ng ₱500 mula sa Sangguniang Kabataan ay iginawad sa mga sumusunod:

• Sitio Bangkal�• Sitio Ibayo – Tobias�• Sitio Gusi -Bungad�• Sitio Gusi- Dulo

Taos-pusong pagbati sa lahat ng mga nanalo at kalahok! Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, oras, pagod, at dedikasyon upang maging makulay, maayos, at matagumpay ang ating kapistahan. Ang inyong pakikiisa at pagtutulungan ay tunay na nagpapakita ng pagkakabuklod at bayanihan sa ating barangay.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga naging hurado na naglaan ng kanilang oras at patas na paghusga para sa matagumpay na paligsahan:
• SK Chairperson ng Malumot – Zoilo Estrella�• SK Chairperson ng San Vicente – Gian Galman�• SK Chairperson ng San Isidro 1 – Rein Baguna

📍 Ang Awarding Ceremony ay gaganapin sa May 11,2026 araw ng Lunes (7:00 am) kasabay ng Flag Ceremony ng Brgy. Santo Rosario, na isasagawa sa Pavilion/ Whole Court.

Nawa’y patuloy nating suportahan ang mga programa at aktibidad ng ating pamayanan para sa mas masaya, mas maunlad, at mas nagkakaisang Brgy. Santo Rosario.

Mabuhay ang Brgy. Santo Rosario! 🥳✨

SANTO ROSARIO INTER- COLOR BASKETBALL LEAGUE 2026 🏀
22/04/2026

SANTO ROSARIO INTER- COLOR BASKETBALL LEAGUE 2026 🏀

22/04/2026

Address

Sitio Central, Brgy. Santo Rosario
Paombong
3001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Rosario posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share