03/06/2026
June 2, 2026 | ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐๐๐ช๐ ๐ฎ๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ผ๐บ๐ฏ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฐ๐ผ-๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฑ
Personal na binisita ni Municipal Administrator Engr. Princess Anne P. Marcos ang mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa Paombong Eco-Park upang kumustahin ang kanilang kalagayan at masubaybayan ang pagpapatupad ng programa.
Patuloy na isinasagawa ang Project LAWA at BINHI bilang bahagi ng Risk Resiliency Program โ Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM) na naglalayong palakasin ang kahandaan ng komunidad laban sa epekto ng climate change, habang nagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan at pangangalaga sa kalikasan.
Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Paombong ang mga proyektong nakatuon sa pangmatagalang pag-unlad, pangangalaga sa kapaligiran, at kapakanan ng bawat Paombongeรฑo.