Sangguniang Kabataan - San Isidro II

Sangguniang Kabataan - San Isidro II Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan - San Isidro II, Government Organization, San Isidro II, Paombong.

๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐๐†๐€๐˜! โ›ต๏ธ๐Ÿ’™Sama-sama tayong magsagwan tungo sa isang masaya at makabuluhang pagtatapos ng taon sa Balangay:...
29/12/2025

๐“๐€๐‘๐€ ๐๐€ ๐’๐€ ๐๐€๐‹๐€๐๐†๐€๐˜! โ›ต๏ธ๐Ÿ’™

Sama-sama tayong magsagwan tungo sa isang masaya at makabuluhang pagtatapos ng taon sa Balangay: Gift Giving, KK Assembly & Year-End Party. Hudyat ito na malayo na ang ating nalakbay ngunit patuloy pa rin ang paglalayag sa bawat hamon. Kaya bilang pagdiriwang sa nagkakaisang tagumpay at pag-usad, gunitain natin ang bawat yugtong tunay na naghubog at nagpatatag sa taong 2025.

Ito ay isang pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga nagawa ng Sangguniang Kabataan; naging paglalaan at paggasta ng pananalapi; at pagtalakay sa mga susunod na proyekto. Gayundin ang pagkilala sa mga bata at kabataan sa pamamagitan ng munting paghahandog. Pagkaraan nito, isasagawa ang Year-End Party na may palaro, papremyo, kantahan at kwentuhan. Kaya naman, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa December 30, ganap na 4:00 ng hapon sa Bubog na Munti Covered Court para sa isang gabi ng saya, samahan, at inspirasyon. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng mas matibay at nagkakaisang komunidad ng kabataan.

Kitakits! ๐Ÿฅฐ



!

๐’๐š๐ฅ๐ข ๐ง๐šโ€ผ๏ธSa nalalapit na labang pambayan sa magkaibang paligsahan, kami ay naghahanap ng kabataang may angking husay at ...
18/10/2025

๐’๐š๐ฅ๐ข ๐ง๐šโ€ผ๏ธ

Sa nalalapit na labang pambayan sa magkaibang paligsahan, kami ay naghahanap ng kabataang may angking husay at kakayahan para katawanin ang ating barangay. Sa mga interesado, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa ating SK Chairperson Donabelle Banting Lucas o sa ating mga SK kagawad.

Sa mga gustong sumali sa basketball team, dumalo sa ating tryout bukas, sa ganap na alas 8:00 ng umaga. Magsuot ng jersey at sapatos. Para lamang po ito sa 18-30 years old na botante at naninirahan sa barangay San Isidro II.

Sa nagnanais naman na katawanin ang San Isidro II sa mga pageant na pangbayan, magmessage lamang sa ating mga SK para malaman ang iba pang impormasyon.

Hinihintay ka na ng ating barangay na katawanin siya sa ating bayan. Bitbit ang talino, sigasig at dedikasyon, ilaban natin to! ๐Ÿค—


Lakbay: Pag-usad sa Hamon, Pag-unlad sa AhonInaanyayahan po ang lahat na dumalo sa KK Assembly at ISKO Financial Assista...
29/08/2025

Lakbay: Pag-usad sa Hamon, Pag-unlad sa Ahon

Inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa KK Assembly at ISKO Financial Assistance Distribution na gaganapin sa Bubog na Munti Covered Court sa darating na Agosto 31, 2025 | 3:00 PM.

Sama-samang pagtutulungan, sabayang pag-ahon tungo sa mas maunlad na kinabukasan!

Isang pagtitipon para sa kabataan at pamayanan, bilang hakbang sa patuloy na paghubog ng mas matatag at nagkakaisang komunidad.

Maging bahagi ng makabuluhang programa na nagbibigay pag-asa, suporta, at inspirasyon para sa lahat.

Sama-sama nating ipakita na ang tunay na lakas ay nasa pagkakaisa!

Kita-kits po tayo, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang pag-ahon at pag-usbong ng bawat kabataan.



๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ž: ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—กInaanyayahan po ang lahat ng benepisyaryo ng โ€œIsko ni SK: Financial Assistance Progr...
28/08/2025

๐—œ๐—ฆ๐—ž๐—ข ๐—ก๐—œ ๐—ฆ๐—ž: ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Inaanyayahan po ang lahat ng benepisyaryo ng โ€œIsko ni SK: Financial Assistance Programโ€ na dumalo sa gagawing pamahaging seremonya sa darating na Agosto 31, 2025 (Linggo), ganap na alas-3:00 ng hapon, sa Bubog na Munti Covered Court.

Paalala:
โ€ข Mangyaring dumating sa takdang oras.
โ€ข Dalhin ang mga kinakailangang requirements para sa beripikasyon.
โ€ข Magsuot ng disente at maayos na kasuotan.

Ang programang ito ay hatid ng ating Sangguniang Kabataan bilang suporta sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral. Nawaโ€™y magamit ninyo ito bilang tulong at inspirasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Sama-sama nating isulong ang edukasyon, kabataan, at kaunlaran!



๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐— ๐—Ÿ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐— ๐—ฆIsang matinding tagisan ng talino, bilis, at galing ang magaganap habang nagtatagisan ang pinakama...
13/08/2025

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐— ๐—Ÿ ๐—ข๐—™๐—™๐—œ๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—”๐— ๐—ฆ

Isang matinding tagisan ng talino, bilis, at galing ang magaganap habang nagtatagisan ang pinakamahuhusay na koponan mula sa ating barangay upang ipakita ang kanilang husay at determinasyon sa Land of Dawn.

Sa darating na Agosto 14, 5:00 PM sa MBG Pavilion, magsasama-sama ang mga manlalaro at tagasuporta para sa isang kapana-panabik na Mobile Legends Tournament. Inihahandog ito ng Sangguniang Kabataan ng San Isidro II at Samahan ng Kabataan ng Bubog katuwang ang ating mahal na Mayor Ian Mark P. Marcos, bilang suporta sa talento at sportsmanship ng kabataang Bubog.

Kaya naman kilalanin natin ang mga koponan na maglalaban-laban at ang mga lodi pagdating sa bakbakan ng ML Tournament. Abangan at suportahan natin sila.



๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ ๐— ๐—ข๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜๐—ก๐——๐—ฆ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—งAugust 14, 2025 | Bubog na MalakiSa pinagkaisang pwersa ng Sangguniang Kabataan at Samaha...
08/08/2025

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ ๐— ๐—ข๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜๐—ก๐——๐—ฆ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ก๐—”๐— ๐—˜๐—ก๐—ง
August 14, 2025 | Bubog na Malaki

Sa pinagkaisang pwersa ng Sangguniang Kabataan at Samahan ng Kabataan ng Bubog, narito na ang hinihintay na SKDPP Mobile Legends Tournament. Ito ay kaisa sa pagdiriwang din ng Buwan ng Kabataan at Kapistahan ni Apo Elena.

Sa lahat ng interesado, mangyaring magpadala lamang ng mensahe sa ating SK Chairperson Donabelle Banting Lucas para sa pagpapatala. Paalala lamang na ang bawat kuponan ay binubuo dapat ng 5-6 na miyembro.

Pasasalamat po sa punong-bayan, Mayor Mac Marcos sa pagbibigay ng tulong-pinansyal para sa mapapanalunan.

Bangbang na! ๐Ÿซก

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ฆ๐—ž๐˜€! ๐ŸŽ“Ang buong Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ay lubos kayong binabati sa inyong matagum...
16/07/2025

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—ฆ๐—ž๐˜€! ๐ŸŽ“

Ang buong Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay ay lubos kayong binabati sa inyong matagumpay na pagtatapos sa kolehiyo. Hudyat ito na naging sulit ang bawat pagpapagal at pagsasakripisyo.

Simula pa lamang ito sa mas malaking hamon. Nawaโ€™y magsilbi kayong inspirasyon sa nawat kabataan na magsikhay sa pag-aaral. Ipinagmamalaki namin kayo sa natamong karangalan.


๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ - ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—”๐—–๐—˜-๐—ข๐—™๐—™July 12, 2025 | 4:00PMSa papainit na bakbakan sa pagitan ng mga kuponan para sa inaasam na k...
10/07/2025

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ - ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—™๐—”๐—–๐—˜-๐—ข๐—™๐—™
July 12, 2025 | 4:00PM

Sa papainit na bakbakan sa pagitan ng mga kuponan para sa inaasam na kampeonato, papalapit na rin ang pinal na paghaharap.

Sa darating na Sabado, ating panoorin at suportahan ang mga manlalarong buhat sa ibaโ€™t ibang sitio na may iisang galing, puso at dedikasyon sa laro. Kilalanin natin kung sino ang higit na magpapamalas ng kakaibang talento at abilidad para hiranging kampyon.

Paalala lang, panatilihin ang kaayusan, kababaang-loob at pagiging makatao sa lahat ng pagkakataon. ๐Ÿ™Œ



๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ ๐—•๐—”๐—ง๐—ง๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐——July 11, 2025 | 5:00PMSa tagisan para sa ikatlong pwesto, saksihan natin ang mga manlalaro na ma...
10/07/2025

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ ๐—•๐—”๐—ง๐—ง๐—Ÿ๐—˜ ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—œ๐—ฅ๐——
July 11, 2025 | 5:00PM

Sa tagisan para sa ikatlong pwesto, saksihan natin ang mga manlalaro na magpapamalas ng kahusayan sa larangan ng basketball. Halinaโ€™t manood at mamangha sa darating na battle for third sa ating palarong pambarangay.



๐’๐Š๐ƒ๐๐๐๐‹: ๐’๐„๐Œ๐ˆ-๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐’ ๐๐„๐’๐“ ๐๐‹๐€๐˜๐„๐‘๐’๐Ÿ€
08/07/2025

๐’๐Š๐ƒ๐๐๐๐‹:
๐’๐„๐Œ๐ˆ-๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐’ ๐๐„๐’๐“ ๐๐‹๐€๐˜๐„๐‘๐’๐Ÿ€

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜ July 5-6, 2025Sa pagsisimula ng ating Semifinals sa SKDPP Basketball League, saksihan natin ...
04/07/2025

๐—ฆ๐—ž๐——๐—ฃ๐—ฃ๐—•๐—Ÿ ๐—ฆ๐—˜๐— ๐—œ๐—™๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐—ฆ๐—–๐—›๐—˜๐——๐—จ๐—Ÿ๐—˜
July 5-6, 2025

Sa pagsisimula ng ating Semifinals sa SKDPP Basketball League, saksihan natin ang tagisan ng husay, abilidad at pagkakaisa ng bawat kuponan para maabot ang inaasam na panalo.

Kilalanin natin ang mga manlalarong nagpamalas ng kakaibang galing pagdating sa larangan ng basketball. Kaya naman ang apat na kuponan sa bawat dibisyon ay suportahan natin upang higit na mapamangha sa kanilang natatanging kakayahan.

Kitakits po tayo sa Sabado at Lingo para sa ating kapanapanabik na Semifinals! ๐Ÿ™Œ



๐’๐Š๐ƒ๐๐๐๐‹: ๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘-๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐’ ๐๐„๐’๐“ ๐๐‹๐€๐˜๐„๐‘๐’๐Ÿ€
04/07/2025

๐’๐Š๐ƒ๐๐๐๐‹:
๐๐”๐€๐‘๐“๐„๐‘-๐…๐ˆ๐๐€๐‹๐’ ๐๐„๐’๐“ ๐๐‹๐€๐˜๐„๐‘๐’๐Ÿ€

Address

San Isidro II
Paombong
3001

Telephone

+639302996243

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - San Isidro II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan - San Isidro II:

Share