28/03/2026
Isang taos-pusong pagbati at pasasalamat sa lahat ng nagtapos ng Batch 2026!
Sa mga mag-aaral, saludo kami sa inyong dedikasyon, tiyaga, at sipag na nagbunga ng tagumpay na ito. Sa inyong mga magulang, maraming salamat sa walang sawang suporta, gabay, at pagmamahal na nagbigay lakas sa bawat hakbang ng inyong mga anak.
Sa mga g**o ng Pinagtulayan Elementary School, saludo kami sa inyong pagiging inspirasyon at gabay ang inyong pagtuturo ay higit pa sa aralin; ito ay sa puso at karakter ng mga kabataan.
Isang malaking karangalan rin ang makinig sa napaka-inspiring na talumpati ng ating Guest Speaker na si G. Mark Jhoran Balaoro De Guzman. Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong karunungan, karanasan, at inspirasyon sa ating mga mag-aaral. Ang inyong mga salita ay tiyak na magsisilbing gabay sa kanilang pagtahak sa hinaharap.
Ang pagtatapos na ito ay simula lamang ng mas maraming oportunidad at pangarap na inyong maaabot. Good luck sa inyong susunod na hakbang sa buhay! Nawa’y patuloy kayong gabayan ng karunungan, tapang, at integridad sa lahat ng inyong gawain. Huwag kalimutang panghawakan ang inyong mga pangarap nang buong puso, at maging inspirasyon din sa iba.
Muli, congratulations sa inyong lahat! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, karunungan, at tagumpay sa bawat yugto ng inyong buhay. Mabuhay at higit pang maabot ang inyong mga pangarap!