16/01/2026
Isang taos-pusong pagbati sa Panungyan ES Drum and Lyre Band, isang karangalan ang maging kinatawan ng Distrito ng Mendez sa Division Drum and Lyre Competition na sa unang beses pa lamang na paglahok ay hindi matatawaran ang husay at talento na inyong ipinamalas. Ang bawat kumpas ng tambol, bawat indayog ng lyre, at ang sabayang galaw ng bawat miyembro ay nagbigay ng kakaibang sigla at saya sa lahat ng nakasaksi. Hindi lamang musika ang inyong hatid, kund inspirasyon—patunay na kapag pinagsama ang dedikasyon, tiyaga, at pagmamahal sa sining, nagbubunga ito ng isang pagtatanghal na tunay na kahanga-hanga. Ang inyong unang hakbang ay nagsilbing matibay na pundasyon para sa mas marami pang tagumpay na darating.
👏 Mabuhay ang P.E.S Drum and Lyre Band! Nawa’y patuloy kayong maging huwaran ng kabataan—na sa bawat tunog ng tambol at bawat himig ng lyre ay may kasamang pangarap, pag-asa, at pagmamalaki sa talento ng Pilipino.
Ang matagumpay na pagtatanghal ng Drum and Lyre Band ng Panungyan Elementary School ay hindi lamang bunga ng talento at sipag ng mga bata, kundi ng sama-samang suporta ng buong komunidad.
Mga Taos-Pusong Pasasalamat
LGU Mendez- sa pagbibigay ng mga instrumento sa paaralan.
👨👩👧👦 Mga magulang – sa walang sawang paggabay, paglalaan ng oras, at pagbibigay ng inspirasyon sa kanilang mga anak.
Sa coach- Mam Shiela V. Nuestro- na tinanggap ang hamon para maipakita ang talento ng mga bata.
Sa trainers- Kuya Renz, Kuya Adney, at Mam Aileen na walang humpay na pagtuturo para mabuo ang presentasyon
🤝 Mga stakeholders – sa pangunguna ni Sir Donald Peñalba at mga taga North America, sa pagbibigay ng tulong at suporta, mula sa pinansyal hanggang sa moral, upang maisakatuparan ang pagtatanghal.
🏘️ Barangay Panungyan – sa pagbibigay ng lugar, seguridad, at suporta sa bawat aktibidad ng paaralan.
🎓 School head – sa pamumuno ni Mam Elena V. Cubio at paggabay na nagbigay-daan upang maipakita ang husay ng mga mag-aaral at lahat ng suporta.
📚 Supervisor – sa aming butihin at napakasipag na supervisor Elizabeth P. Garcia, patuloy na pagtitiwala at paggabay sa mga programa ng paaralan.
Ang karanasang ito ng mga bata ay patunay na kapag nagkakaisa ang mga magulang, g**o, pamayanan, at mga pinuno, nagiging mas maliwanag ang kinabukasan ng kabataan.
“Dinggin ang talento, titindig sasaludo.”
Ito ang sigaw ng pasasalamat ng Panungyan Elementary School para sa lahat ng tumulong at sumuporta.