BRGY. Dapdap

BRGY. Dapdap BARANGAY DAPDAP OFFICIAL PAGE

14/07/2026
13/07/2026

ATTENTION BARANGAY DAPDAP‼️

MUNICIPAL CIVIL REGISTRAR OFFICE OF LGU-PANIQUI TARLAC will conduct FREE MOBILE REGISTRATION OF CERTIFICATE OF LIVE BIRTH to assist residents in registering their birth records and obtaining related civil registration services more conveniently.

🗓️: JULY 16, 2026
🕣: 09:00 AM
📌: BRGY. HALL, DAPDAP

Magandang Araw Kabarangay Magkakaroon tayo ng ✅Free Eyecheck ✅Free Pre-Screening For cataract,pterygium at Glaucoma✅Free...
10/07/2026

Magandang Araw Kabarangay
Magkakaroon tayo ng
✅Free Eyecheck
✅Free Pre-Screening For cataract,pterygium at Glaucoma
✅Free Frames para sa mga willing mag avail ng corrective Graded Lens Starts At P499

Date: July 15 Wednesday

Time: 9am to 12noon

Venue: Brgy hall

05/05/2026

“PAALALA SA LAHAT NG RESIDENTE:
Mag-ingat po tayo sa mga indibidwal na lumalapit at kunwaring nagtatanong lamang (halimbawa: nagtatanong ng direksyon, naghahanap ng tao, o humihingi ng simpleng tulong), ngunit kalaunan ay mauuwi sa panghihingi ng pera o panlilinlang.

May mga pagkakataon na ginagamit nila ang ganitong paraan para makuha ang tiwala ng isang tao. Kapag nakuha na nila ang loob ninyo, maaari na silang maglabas ng iba’t ibang dahilan upang makahingi ng pera o makapanlamang. Maging mapagmatyag lalo na kung hindi kilala ang lumalapit at kung kakaiba ang kanilang kilos o kwento.

Hinihikayat ang lahat na huwag agad magtiwala at umiwas sa pakikipagtransaksyon sa mga kahina-hinalang indibidwal. Kung maaari, panatilihin ang sapat na distansya at agad ipagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay o kinauukulan ang ganitong insidente.

Ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating pag-iingat at pakikiisa. Magtulungan po tayong lahat upang maiwasan ang panlilinlang at mapanatiling ligtas ang ating komunidad.

Maraming salamat po at mag-ingat tayong lahat.”

Mabuhay Barangay Dapdap!Sa mga nais pong bumili ng ating Bingo card, magtungo o mag message lang po sa mga nais bumili. ...
16/04/2026

Mabuhay Barangay Dapdap!

Sa mga nais pong bumili ng ating Bingo card, magtungo o mag message lang po sa mga nais bumili.

Happy Fiesta 🎉

Nagkaisa. Nakilahok. Nagtagumpay! 🎉Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Fid...
30/03/2026

Nagkaisa. Nakilahok. Nagtagumpay! 🎉

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Fidel Manayan Jr. at BARANGAY COUNCIL Hon. Nick David, Hon. James Rivera Garcia, Hon. Jonathan Arciaga Lactaotao, Hon. Timoteo D. Arandia, Hon. Rafael C. Galano, Hon. Robert Galeon at Hon. Michael Quiambao, kasama ang ating SK CHAIRMAN Jon Huck C. David, sa lahat ng dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly. Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay naging daan upang maging makabuluhan at matagumpay ang ating pagtitipon. 💙

Sa bawat ideya, opinyon, at suhestiyong ibinahagi, mas napapalakas natin ang ating samahan at mas napapalinaw ang mga hakbang tungo sa mas maayos, ligtas, at maunlad na barangay. Ang tagumpay ng gawaing ito ay hindi lamang sa mga namuno, kundi sa bawat mamamayang nakiisa at nagmalasakit.

Nawa’y magpatuloy ang ating pagkakaisa at bayanihan upang mas lalo pa nating mapabuti ang ating komunidad para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon. Sama-sama, kaya natin ang pagbabago at pag-unlad! 🏡✨

Maraming salamat po at mabuhay ang ating barangay!

25/03/2026

🚖 REGISTRATION AND VALIDATION FOR CASH RELIEF ASSISTANCE FOR TRANSPORT SECTOR (PANIQUI-TODA)

Magandang balita para sa ating mga TODA drivers! 💜

Magkakaroon po ng Cash Relief Assistance na hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ating transport sector.

✅ Registration & Validation
🗓 March 26 (Thursday)
⏰ 7:00 AM – 6:00 PM
📍 Backstage, Paniqui Public Auditorium

📌 Requirements:
• Professional/Non-Professional Driver’s License
• MTOP / Registered Body Number

📣 Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa inyong TODA Chapter Presidents o sa inyong TODA Federation President.

Huwag palampasin ang oportunidad na ito, mga KATODA! 💪💜

“📣 Paanyaya sa lahat ng mamamayan ng Barangay Dapdap!Inaanyayahan po namin kayo na makiisa at dumalo sa nalalapit na Bar...
25/03/2026

“📣 Paanyaya sa lahat ng mamamayan ng Barangay Dapdap!

Inaanyayahan po namin kayo na makiisa at dumalo sa nalalapit na Barangay Assembly Meeting. Ito ay isang mahalagang pagkakataon upang marinig ang inyong boses, maipahayag ang inyong mga saloobin, at makilahok sa mga usaping may kinalaman sa kaunlaran at kapakanan ng ating komunidad.

Ang inyong presensya ay napakahalaga sapagkat dito natin sama-samang tinatalakay ang mga programa, proyekto, at mga isyung kinahaharap ng ating barangay. Sa pamamagitan ng inyong aktibong pakikilahok, mas napapalakas natin ang pagkakaisa at mas napapabuti ang mga serbisyong inihahatid sa bawat residente.

Huwag nating sayangin ang pagkakataong maging bahagi ng pagbabago. Tandaan, ang isang maunlad na barangay ay nagsisimula sa nagkakaisang mamamayan.

🗓️ MARCH 28, 2026
📍 DAPDAP ELEMENTARY SCHOOL
⏰ 01:00 PM

Sama-sama nating buuin ang mas maayos, mas ligtas, at mas progresibong Barangay Dapdap. Dumalo, makiisa, at makialam—para sa ating barangay, para sa ating kinabukasan! 💙”

Mabuhay Barangay Dapdap! Magkakaroon ng Grand Medical Mission ang The Generics Pharmacy sa ating bayan. Mangyari lamang ...
27/02/2026

Mabuhay Barangay Dapdap!

Magkakaroon ng Grand Medical Mission ang The Generics Pharmacy sa ating bayan. Mangyari lamang pong magtungo sa ating Barangay Hall upang magpalista. Maari din pong mag direct message.

Petsa: MARCH 08, 2026
Oras: 6:00 am - 5:00 pm
Lugar: EDUARDO COJUANGCO JR GYMNASIUM

Note:
FREE MEDICINES AND FREEBIES

Address

Dapdap
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BRGY. Dapdap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share