05/06/2026
📊💜 Mas pinalalakas ang pagpaplano para sa mas maayos na serbisyo para sa bawat Paniqueño!
Pinangunahan ni Municipal Mayor Kat Roxas ang pagpupulong ng Community-Based Monitoring System (CBMS) Coordinating Board upang pag-usapan ang mga hakbang sa mas maayos na pangangalap ng datos at impormasyon na magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga programa at serbisyong tunay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng CBMS, mas magiging batayan ang totoong kalagayan ng bawat pamilya at komunidad sa pagpaplano ng mga proyekto para sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at iba pang serbisyong pampubliko.
Sama-sama nating itinataguyod ang isang mas maunlad, mas inklusibo, at mas makataong Paniqui para sa lahat. 💜