01/12/2022
๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐ธ๐ถ๐ป๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฒ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฎ
Disyembre 1, 2022 โ Kinilala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) nitong Lunes ang kahalagahan ng pagbabasa sa murang edad sa pagdiriwang ng Araw ng Pagbasa 2022 na nagsilbing culminating event ng 2022 Pambansang Buwan ng Pagbasa.
โImportante na simula sa murang edad ay matutunan natin na mahalin at pahalagahan ang pagbabasa. Ang pagbasa ang nagsisilbing daan upang tuklasin ang malawak na mundo sa ating paligid at mas kilalanin ang sarili nating potensyal upang magsimula ng positibong pagbabago gaya ng mga paborito nating tauhan sa mga kuwento,โ ani Pangalawang Kalihim sa Curriculum at Instruction Dr. Gina O. Gonong sa kanyang birtuwal na mensahe sa selebrasyon ng 2022 National Reading Month (NRM).
Sa pagdiriwang, nagsilbi si Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon Sara Z. Duterte bilang unang reading ambassador ng selebrasyon upang maging kampeon ng pagbabasa, panitikan, at literasiya sa buhay ng kabataang Pilipino at mga komunidad.
Binasa ni Pangalawang Pangulo at Kalihim Duterte ang mga kuwentong pambata na pinamagatang Ang Kamatis ni Peles, Pitong Araw na Trabaho na isinulat ni Virgilio S. Almario, at Ang Bungtod ug Ako (The Mountain and I); at hinikayat ang pagbabasa sa kabataang Pilipino.
โSa pagbasa, nalilinang natin ang kakayahang magbasa, magsulat at magbilang na mahahalagang elemento ng pagkatuto at pundasyon ng habambuhay na pagkatuto. Instrumento rin ang pagbasa sa paglinang ng mga indibidwal na kakayahan na kailangan ng sinuman upang magtagumpay sa hinaharap,โ dagdag ni Pang. Kal. Dr. Gonong.
May temang โRediscover the Legacy of Literature through Reading,โ itinataguyod ng pagdiriwang ng NRM ang pagmamahal para sa pagbabasa sa mga estudyante at inaangat ang kamalayan sa mahalagang papel ng pagbabasa at literasiya sa pagbuo ng kritikal na pag-iisip sa kabataan.
Samantala, ang iba pang miyembro ng DepEd Executive Committee na napili rin bilang mga ambassador ng pagbabasa na sina Pang. Kal. Dr. Gonong, Pangalawang Kalihim at Chief of Staff Epimaco V. Densing III, at Pangalawang Kalihim sa Finance Annalyn M. Sevilla ay lumahok naman sa sumunod na mga storytelling session.
Sa kabilang banda, binigyang-diin ni BLD Director Leila P. Ar**la ang kahalagahan ng pagdeklara ng selebrasyon ng NRM tuwing Nobyembre upang itaguyod ang programang Bawat Bata Bumabasa at linangin ang tunay na pagmamahal sa pagbabasa.
โIt is our fervent hope that our schools and learning centers will continue conducting the activities [Read-A-Thon, Share-a-Book, and Book Talk] we started and that we will continue to promote the love for reading among learners as well as the whole school community.โ