PESO Pangil, Laguna

PESO Pangil, Laguna Official page of PESO PANGIL

Employment Coaching for TESDA Scholars  Yahweh Business Colleges and Maritime Academy, Inc.July 30, 2026
20/08/2026

Employment Coaching for TESDA Scholars Yahweh Business Colleges and Maritime Academy, Inc.
July 30, 2026

Employment Coaching for TESDA Scholars  Yahweh Business Colleges and Maritime Academy, Inc.April 22, 2026
20/08/2026

Employment Coaching for TESDA Scholars Yahweh Business Colleges and Maritime Academy, Inc.
April 22, 2026

22/07/2026
20/07/2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Ang Pamahalaang Bayan ng Pangil ay nagpapaalala sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng sigalot sa Middle East, kabilang ang mga nakauwi na sa Pilipinas, na ang pagpaparehistro para sa assistance program ay opisyal nang nagsara.

Gayunpaman, may mga OFWs pa rin na ngayon lamang nakarating o ngayon lamang nakaalam tungkol sa programa. Dahil dito, patuloy pa rin kaming tatanggap ng mga magpapalista hanggang Hulyo 22, 2026 (Miyerkules). Pagkatapos ng nasabing petsa, hindi na po kami tatanggap ng mga panibagong aplikasyon upang maihanda at maisumite ang pinal na listahan ng mga benepisyaryo.

Sa mga nakapagpalista na, hinihiling namin ang agarang pagsusumite ng lahat ng kinakailangang dokumento bago ang Hulyo 22, 2026 (Miyerkules). Ang hindi pagsusumite ng kumpletong requirements sa itinakdang panahon ay maaaring magresulta sa hindi pagkakasama sa listahan ng mga benepisyaryo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa PESO Pangil.

16/06/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG MGA OFW AT KANILANG MGA PAMILYA

Magandang araw po.

Ang Lokal na Pamahalaan ng Pangil, Laguna ay kasalukuyang nagsasagawa ng pangangalap ng impormasyon o survey para sa lahat ng mga Overseas Filipino Workers (OFW), lalo na sa mga kasalukuyang nagtatrabaho sa mga bansa sa Middle East.

Layunin ng survey na ito na makabuo ng kumpleto at napapanahong talaan ng ating mga OFW upang mas mapadali ang pagbibigay ng mga programa, serbisyo, at mga posibleng tulong o assistance mula sa LGU sa oras ng pangangailangan.

Kaugnay nito, hinihiling namin sa lahat ng OFW o sa kanilang mga pamilya na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagtungo sa kanilang kinabibilangang barangay at pagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon.

Ang pagsusumite ng mga detalye ay hanggang Hunyo 23, 2026 lamang. Inaanyayahan ang lahat ng OFW o kanilang mga pamilya na personal na magtungo sa kanilang kinabibilangang barangay upang maibigay ang kinakailangang impormasyon sa itinakdang panahon.

Ang lahat ng impormasyong makakalap ay gagamitin lamang para sa opisyal na layunin ng LGU at pananatilihing kumpidensyal alinsunod sa mga umiiral na patakaran sa pangangalaga ng personal na datos.

Inaasahan namin ang inyong pakikiisa at pakikipagtulungan upang masiguro na maaabot ng mga programa at serbisyo ng pamahalaan ang ating mga OFW at kanilang mga pamilya.

Maraming salamat po.

LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY 📣APRIL 23, 20268:00AM ONWARDS @ AZOTEA, 2ND FLOOR, MUNICIPAL GOVERNMENT BUILDING OF PANGILPAR...
22/04/2026

LOCAL RECRUITMENT ACTIVITY 📣
APRIL 23, 2026
8:00AM ONWARDS @ AZOTEA, 2ND FLOOR, MUNICIPAL GOVERNMENT BUILDING OF PANGIL
PARTICIPATING COMPANY :
POWER CHINA

Overseas Job Opportunities
09/02/2026

Overseas Job Opportunities

📢 URGENT HIRING: DOMESTIC HELPERS BOUND FOR MIDDLE EAST! 📢

Mga taga-Pangil, Laguna! Ito na ang pagkakataon ninyong makapagtrabaho sa ibang bansa. Gaganapin ang Special Recruitment Authority sa darating na Lunes!

Kailan: February 16, 2026 | 9:00 AM onwards

Saan: Municipal Azotea, 2nd Floor Municipal Government Bldg., San Jose, Pangil, Laguna

Destinasyon: UAE, Qatar, KSA, at Jordan

✅ Benepisyo: FREE Accommodation, Medical, TESDA, PDOS, at Pagkain!
✅ Qualifications: Babae (24-45 yrs old), may Passport o PSA Birth Certificate.

Para sa mga katanungan, hanapin si Ms. Menita Obrero o tumawag sa 09659674997. Apply na! ✈️💼

Join the Special Recruitment Activity of the Municipal Government of Pangil, Laguna, in cooperation with Step Up International Manpower Services, Inc

FREE TRAINING TO EMPLOYMENT REGISTER NA
05/02/2026

FREE TRAINING TO EMPLOYMENT
REGISTER NA

🍳 FREE TRAINING TO EMPLOYMENT! 🍰
1-Year Culinary Arts & Restaurant Services Program

The Provincial PESO Laguna, in partnership with ANIHAN Technical School, is empowering Lagunenses by strengthening skills and opening doors to real employment opportunities!

✨ WHY CHOOSE ANIHAN?
✅ FREE Tuition
✅ FREE Ingredients
✅ NC II Certifications in:
• Bread & Pastry Production
• Cookery
• Food and Beverage Services
✅ Quality Technical Education
✅ Immediate Employment through Anihan’s Industry Partners

📋 REQUIREMENTS:
• Medicals (Basic 5 + Hepatitis A & B Test)
• ID Picture (Blue background): 4 pcs (2x2) & 3 pcs (1x1)
• Form 138 / Form 137 / TOR
• PSA Birth Certificate
• Certificate of Indigency

👩 WHO CAN APPLY?
• Female
• 18–23 years old
• Single
• Senior High School Graduate or College Undergraduate

📌 ONLY 30 SLOTS AVAILABLE!
Register now:
👉 https://forms.gle/pun3Rd6Y8bGGYZfi6

📢 Train today. Work tomorrow. Your future in culinary starts here! 🍽️✨

Career Development Support for Grade 10 Learners @ Dambo National High School January 28, 2026
30/01/2026

Career Development Support for Grade 10 Learners @ Dambo National High School
January 28, 2026

05/11/2025

📢 LIBRENG TRAINING PANGKABUHAYAN! 🎓🔧🪚

Handog ng Pangil LGU, katuwang ang Mendoza Training and Assessment Center, Inc. (TESDA Accredited) ang libreng pagsasanay para sa:

✅ Carpentry NC II – 38 days (Monday–Saturday)
✅ Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II – 28 days (Monday–Saturday)

📌 25 slots bawat kurso
📌 Libre na, may allowance pa na ₱160/araw!

👉 Huwag palampasin ang pagkakataong ito para madagdagan ang iyong kaalaman at magkaroon ng bagong kasanayan na magagamit sa trabaho o negosyo.

📲 Mag-register na sa pamamagitan ng Google Form dito. I-click lang po ang link sa baba at sagutan ang mga tanong na lalabas:

https://forms.gle/iwWFuPM4VCRy2Pa7A

⏳ First come, first served basis. Kaya’t agapan na!

Address

Brgy Sulib
Pangil
4018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PESO Pangil, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share