31/03/2026
βΌοΈANNOUNCEMENTβΌοΈ
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Tanggapan ng Pangulo ukol sa konserbasyon ng enerhiya, at bilang pagsunod sa kautusan ng Lokal na Pamahalaan, pansamantala po muna nating kailangang itigil ang mga pampublikong pagtitipon sa ating barangay.
Dahil dito, ikinalulungkot po naming ipabatid na ang nakatakdang Kapistahan mula Abril 4β7 ay hindi muna maisasagawa, kasama na ang SK Night at iba pang inihandang aktibidad at programa.
Isinasagawa ang hakbang na ito bilang bahagi ng ating pakikiisa sa pagbawas ng konsumo ng kuryente at gasolina sa gitna ng kasalukuyang krisis na ating kinakaharap.
Maghintay na lamang po ng mga susunod na anunsyo ukol sa muling pagpapatuloy ng ating mga natitirang aktibidad o palaro, partikular na ang basketball game, na siyang itutuloy matapos ang kasalukuyang krisis.
Maraming salamat po sa inyong malasakit, pag-unawa, at patuloy na suporta. ππΌβ€οΈ