13/04/2026
Hindi man natin nakuha ang panalo, sobrang proud kami sa inyo, Mabini CS Bocce Team! Ipinakita ninyo ang tunay na laban—yung may puso, tiyaga, at hindi sumusuko kahit mahirap. Minsan, hindi talaga para sa atin ang resulta, pero siguradong para sa atin ang aral.
Dalhin natin lahat ng natutunan, bawat pagkakamali at tagumpay, at gawing inspirasyon para bumalik nang mas handa, mas matatag, at mas gutom sa panalo sa susunod na taon. Hindi ito ang katapusan—simula pa lang ito ng mas malakas na pagbabalik!
At syempre, hindi magiging posible ang journey na ito kung wala ang mga taong nasa likod ng team. Maraming maraming salamat
Sa buong pamunuan ng DepEd SDO 1 Pangasinan DepEd Tayo Mabini Central School 101523 Dr. Wilma Sajonas Carrera Dr. Christopher Infante, Dr. Razelle Reyes, at Municipality of Mabini Pangasinan
Sa mga indibidwal na laging sumusuporta at kasama ng team, kuya Cyrus Balmaña Bensay , Ading Jacob, Ate Finja Lohmann , Teacher Lau Rice , Coach Gazelle Beryl, Ate Krystelle, sir GUy JOhn at sa mga coaches, teachers, parents, at sa buong komunidad na walang sawang sumuporta—sa oras, pagod, at paniniwala ninyo sa mga bata. Kahit wala mang medalya, panalo pa rin tayo sa puso, sa samahan, at sa mga alaala na habang buhay nating dadalhin.
Maraming salamat sa lahat!