Bayan ng Bautista

Bayan ng Bautista Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bayan ng Bautista, Government Organization, Poblacion East, Bautista, Pangasinan.

Official page of Bayan ng Bautista, Pangasinan – “Home of the Lupang Hinirang.” Serving every Bautistanian through transparent governance, timely updates, quality public service, and community engagement

WORK-FROM-HOME ARRANGEMENT | AUGUST 19, 2026Alinsunod sa Executive Order No. 61, Series of 2026, ang Municipal Governmen...
18/08/2026

WORK-FROM-HOME ARRANGEMENT | AUGUST 19, 2026

Alinsunod sa Executive Order No. 61, Series of 2026, ang Municipal Government of Bautista ay magpapatupad ng Work-From-Home Arrangement ngayong Miyerkules, Agosto 19, 2026, bilang bahagi ng nararapat na alternatibong work arrangements alinsunod sa Office of the President Memorandum Circular No. 129.

Patuloy na titiyakin ng Pamahalaang Bayan ang tuloy-tuloy na paghahatid ng essential, emergency, health, disaster response, public safety, at iba pang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

Hinihiling ang pang-unawa at pakikiisa ng lahat.

WALANG PASOK | ALL LEVELSAlinsunod sa Executive Order No. 61, Series of 2026, suspendido ang klase sa lahat ng antas—pam...
18/08/2026

WALANG PASOK | ALL LEVELS

Alinsunod sa Executive Order No. 61, Series of 2026, suspendido ang klase sa lahat ng antas—pampubliko at pribadong paaralan—sa Bayan ng Bautista, Pangasinan ngayong Miyerkules, 19 Agosto 2026, dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Depression Neneng at ng pinalalakas nitong Southwest Monsoon (Habagat).

Isinasaalang-alang din ang pagbaha sa ilang lugar sa ating bayan. Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso, at iwasan ang mga binabahang lugar at iba pang mapanganib na lugar.

Unahin ang kaligtasan. Manatiling handa, Bautistanians!

17/08/2026
PAALALA SA PANGASINAN | AGOSTO 18, 2026Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipatutupad bukas, Agosto 18, ang Work-f...
17/08/2026

PAALALA SA PANGASINAN | AGOSTO 18, 2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 128, ipatutupad bukas, Agosto 18, ang Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa mga paaralan sa Pangasinan, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

📌 Mahalagang tandaan:

• Ang WFH ay hindi sakop ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, gayundin ang mga tanggapan at personnel na kabilang sa disaster preparedness, response at emergency operations.

• Para sa mga paaralan, ipatutupad ang naaangkop na alternative learning modalities sa halip na face-to-face classes.

• Ang mga Local Chief Executive ay may kapangyarihang magpatupad ng karagdagang suspension o kaukulang hakbang depende sa aktuwal na sitwasyon sa kanilang lugar.

• Para sa mga pribadong kompanya, nasa pamunuan ng bawat kumpanya ang desisyon kaugnay ng work suspension.

Sa patuloy na pag-ulan, huwag nating hintayin na lumala ang sitwasyon bago kumilos. Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather at flood advisories at maging handa sa posibleng pagbaha o iba pang epekto ng masamang panahon.

Kaligtasan muna. Manatiling alerto at handa, Pangasinan! 🌧️

16/08/2026

Bakit late ang suspension?”

Valid ang tanong. Pero kailangan din nating maunawaan na ang suspension of classes ay hindi basta-basta ipinapasa o ipinapahayag nang walang sapat na batayan.

Minsan, hinihintay muna ang pinakahuling weather information, aktuwal na kondisyon sa mga barangay, rainfall situation, flood risk, road accessibility, at iba pang impormasyon upang makagawa ng mas responsable at napapanahong desisyon.

Kung masyadong maaga, sasabihin: “Wala namang ulan, bakit sinuspinde?”
Kung mas malapit sa oras ng pasok, sasabihin naman: “Bakit ang late?”

Madali itong husgahan kapag nasa social media lang tayo. Pero sa panig ng mga gumagawa ng desisyon, ang kailangang timbangin ay kaligtasan ng libo-libong estudyante, g**o, at personnel.

Hindi rin naman natin kailangang hintayin na may batang ma-stranded, may sasakyang tangayin ng baha, o may mangyaring aksidente bago natin sabihing tama ang pag-iingat.

Kaya kung may puna, makinig tayo. Pero sana, facts ang gamitin natin, hindi pang-iinsulto, anonymous accounts, o haka-haka.

Sa huli, pare-pareho lang naman ang gusto natin:

Makapag-aral ang mga bata—pero makauwi rin silang ligtas sa kanilang mga pamilya.

Iyan ang tunay na punto ng suspension of classes.

𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖 𝐔𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄 𝐍𝐆 𝐊𝐋𝐀𝐒𝐄Nauunawaan namin ang pag-aalala ng ating mga magulang at estudyante tuwing masama...
16/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐍𝐀𝐖 𝐔𝐊𝐎𝐋 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐏𝐄𝐍𝐃𝐄 𝐍𝐆 𝐊𝐋𝐀𝐒𝐄

Nauunawaan namin ang pag-aalala ng ating mga magulang at estudyante tuwing masama ang panahon. Natural lamang na itanong kung bakit may pagkakataong hindi agad nasususpinde ang klase.

Mahalagang maunawaan na ang desisyon sa suspensyon ay hindi nakabatay sa pag-ulan lamang. Isinasaalang-alang ang opisyal na weather information, aktuwal na kondisyon sa mga paaralan at barangay, lagay ng mga kalsada, pagbaha at iba pang posibleng panganib, kasama ang koordinasyon sa DepEd at mga kinauukulang tanggapan.

Hindi rin pare-pareho ang sitwasyon sa bawat lugar. May pagkakataong localized lamang ang panganib kaya maaaring magkaroon ng kaukulang aksyon sa isang partikular na paaralan o lugar. Kapag malawak naman ang banta at kinakailangan ang municipality-wide response, naroon ang LGU upang gumawa ng nararapat na hakbang alinsunod sa umiiral na mga alituntunin.

Sa mga pagkakataong hindi ligtas ang face-to-face classes, hindi nangangahulugan na tuluyang humihinto ang pag-aaral. Maaaring gamitin ang mga angkop na learning continuity arrangements at alternative learning modalities upang maipagpatuloy ang edukasyon habang inuuna ang kaligtasan ng mga mag-aaral at g**o.

Sa ating mga magulang, malaking tulong ang inyong pakikipagtulungan. Kung may nakikitang pagbaha, hindi madaanang kalsada, mabilis na pagtaas ng tubig o iba pang panganib na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral, ipagbigay-alam ito sa inyong barangay, paaralan o kinauukulang tanggapan.

At higit sa lahat, sumubaybay lamang sa opisyal na advisory ng LGU Bautista, DepEd, mga paaralan, PAGASA at iba pang kinauukulang ahensya. Iwasan ang pagpapakalat ng mga screenshot o impormasyong hindi pa beripikado.

Hindi ito usapin kung sino ang unang nag-suspend o kung gaano kabilis ang anunsyo. Ang mahalaga ay ang desisyon ay may sapat na batayan, naaayon sa aktuwal na sitwasyon, at inuuna ang kaligtasan ng ating mga anak.

Sa huli, iisa ang ating layunin:

Ligtas ang mga bata. Ligtas ang mga g**o. Tuloy ang pagkatuto.

Kaligtasan muna. Tamang impormasyon. Sama-samang pagkilos.

LGU Bautista, para sa ligtas at maayos na pamayanan.

WALANG PASOK | SHIFT TO MODULAR📢 Agosto 17, 2026 (Lunes)Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Municip...
16/08/2026

WALANG PASOK | SHIFT TO MODULAR

📢 Agosto 17, 2026 (Lunes)

Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Municipality of Bautista, Pangasinan dahil sa masamang panahon dulot ng Enhanced Southwest Monsoon (Habagat).

Pinapayuhan ang mga paaralan na ipatupad ang Modular Distance Learning (MDL) bilang alternatibong paraan ng pag-aaral.

Patuloy na mag-ingat at makinig sa mga opisyal na abiso mula sa inyong paaralan at lokal na pamahalaan.

Kaligtasan muna. Maghanda at manatiling alerto.

Basura Mo, Itapon sa Tamang LugarAng basurang itinatapon kung saan-saan ay maaaring mapunta sa mga kanal at daluyan ng t...
14/08/2026

Basura Mo, Itapon sa Tamang Lugar

Ang basurang itinatapon kung saan-saan ay maaaring mapunta sa mga kanal at daluyan ng tubig at maging sanhi ng pagbabara.

Kaya ugaliin nating mag-segregate, mag-reuse kung maaari, bawasan ang basurang nalilikha, at itapon ang basura sa tamang lugar.

Sa simpleng disiplina sa pagtatapon, nakakatulong tayo sa pagpapanatiling malinis ng ating kapaligiran at maayos na pamayanan. 🌱

Malinis na paligid, responsibilidad nating lahat.

PUBLIC ADVISORYAugust 14, 2026 (Friday)SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSESStarting 12:00 noon today, August 14, 2026 (Fri...
14/08/2026

PUBLIC ADVISORY
August 14, 2026 (Friday)

SUSPENSION OF FACE-TO-FACE CLASSES

Starting 12:00 noon today, August 14, 2026 (Friday), face-to-face classes in all levels, both public and private schools in Bautista, are hereby suspended due to inclement weather conditions.

Please continue to monitor official announcements for further updates.

Mag-ingat po tayong lahat

From Mayor Rosemarie Gacutan

Address

Poblacion East, Bautista
Pangasinan
2424

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63755112742

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bayan ng Bautista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share