30/06/2025
๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐๐ฎ๐ฅ ๐. ๐๐๐๐ข๐ซ๐๐ซ๐, ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฌ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ญ ๐๐ญ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ฆ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐๐ง
Matapos ang isinagawang pormal na turnover ceremony ngayong araw, personal na bumisita si Hon. Raul E. Tabirara sa bawat tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Pandan upang ipaabot ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa suporta, dedikasyon, at malasakit ng mga kawani sa buong panahon ng kanyang panunungkulan bilang Alkalde. Ayon sa kanya, ang mga tagumpay ng kanyang administrasyon ay hindi magiging posible kung wala ang sama-samang pagsusumikap at pagtutulungan ng buong organisasyon.
Kasabay nito ang kanyang pamamaalam, bilang pagpapakita ng lubos na pagpapahalaga sa mga naging katuwang niya sa paglilingkod, at bilang pagpapahayag ng kanyang hangarin para sa patuloy na tagumpay ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng bagong liderato.
Mula sa buong Pamahalaang Bayan ng Pandan, maraming salamat po, Mayor Raul Takoy Tabirara, sa inyong tapat, makabuluhan, at buong pusong paglilingkod para sa bayan ng Pandan. ๐ซก