28/10/2025
October 28, 2025
Pandag Municipality
RCEF Seeds Ceremonial Distribution
Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Rice Seeds mula sa PhilRice sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para sa mga piling rice farmer-beneficiaries na handa nang magtanim ngayong dry season.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng MAFAR–Pandag, sa pangunguna ng ating Municipal MAFAR Officer (MMO), Sir Jimson Lumapinit, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Pandag.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad nina Municipal Vice Mayor Sanny Macalintangui, SB Member Hon. Meng Kabugatan (Committee on Agriculture), at SB Member Hon. Don Don Abdulatip, bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta sa adhikain ng pamahalaang lokal para sa kapakanan ng ating mga magsasaka.
Layunin ng pamamahagi ng binhi na mapalakas ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng pagbibigay ng de-kalidad na binhi sa mga magsasaka. Sa ganitong paraan, inaasahang tataas ang ani, bubuti ang kalidad ng produkto, mababawasan ang gastos sa pagtatanim, at mapauunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Ang inisyatibong ito ay isa lamang sa mga programa ng ating butihing Alkalde, Hon. Mohajeran K. Balayman, JD, MPA, na naglalayong matiyak ang food security, mapataas ang ani, at mapaunlad ang kabuhayan ng bawat Pandageño tungo sa masagana at matatag na sektor ng agrikultura sa bayan.
🌾
❤️