Workers' Alliance in Region 3 - KMU

Workers' Alliance in Region 3 - KMU Ang tunay, palaban, at makabayang alyansa ng mga unyon, organisasyon, at samahang manggagawa sa Rehiyon ng Gitnang Luson.

TAGUMPAY! MGA MANGGAGAWA NG FCF, PANALO SA KASO LABAN SA FORCED LEAVE!Malugod na binabati ng Workers' Alliance in Region...
18/01/2026

TAGUMPAY! MGA MANGGAGAWA NG FCF, PANALO SA KASO LABAN SA FORCED LEAVE!

Malugod na binabati ng Workers' Alliance in Region 3 - KMU (WAR3-KMU) ang tagumpay ng mga manggagawa ng FCF Manufacturing Corporation sa kanilang kaso laban sa hindi makataong iskemang forced leave! Ang FCF Manufacturing Corporation ay higanteng kumpanya na gumagawa ng luxury bag para sa Coach, Kate Spade atbp.

Sa pamamagitan ng paglaban, matagumpay na nailantad ng mga manggagawa ng FCF na hindi makatarungan ang iskemang forced leave. Ito ay nagaganap ng ilang buwan dahil umano "walang gawa o materyales". Ang totoo, dahil sa paghataw ng kota, nakakapagpondo at advance na ng output ang kumpanya. Tinatanggalan ng iskemang force leave ng katiyakan sa trabaho ang mga manggagawa habang tumutubo ng sobra-sobrang ang mga dayuhang negosyante.

Sadyang katangian ng kapitalistang produksyon na hahatawin ang kota upang makatipid sa pasahod at magpiga ng sobra-sobrang tubo sa loob ng mas maikling panahon. Kaya laganap ito sa lahat ng economic zones sa ating rehiyon at bansa. Ngunit, bulag-bulagan ang DOLE at gobyerno sa force leave at bingi sa daing ng mga manggagawa.

Pinapakita nito ang kahalagahan ng pagtatayo ng tunay, palaban, at makabayang unyon na maggigiit ng makataong kota sa loob ng pagawaan. Gayundin, sa pagtatayo ng TPM na unyon ng manggagawa, dapat iwaksi ang dayuhang sistemang kapitalismo na nagpapanatiling walang sariling industriya ang bansa, at itayo ang lipunang sosyalista na siyang katatangian ng produksyon na nakabatay sa pangangailangan, hindi sa pagpapataas ng tubo.

Manggagawa ng Gitnang Luzon, itayo ang mga tunay, palaban at makabayang unyon! Isulong ang tunay na pagbabagong panlipunan!

Secretary ng National Wages and Productivity Commission, natagpuang inutil at anti-manggagawa! NWPC at provincial rate, ...
07/12/2025

Secretary ng National Wages and Productivity Commission, natagpuang inutil at anti-manggagawa! NWPC at provincial rate, buwagin! Rehimeng Marcos at Duterte, patalsikin!

Habang tayong mga manggagawa ay nagbabanat ng buto, nagtitiis, at nagdurusa, tinuturing pa tayo ng gobyerno na tamad at walang pinag-aralan! Imbes na gamitin ng mga nasa gobyerno ang kanilang diploma para pakinabangan ng mga manggagawa ang mga polisiya at batas, walang modo na hinamak-hamak at inalimura pa ang mga manggagawa ng mismong ahensyang may mandatong tukuyin at ayusin ang pasahod sa mga probinsya at rehiyon. Sa bisa ng huwad na provincial wage rate, tinayo ang NWCP at Regional Wage Board para paliitin ang sahod na natatamasa ng manggagawa at palakihin ang tubong nakakamal ng kapitalista lalo na sa empresa sa mga probinsya tulad sa Region 3.

Dapat kilabutan ang buong gobyerno sa kanilang walang pakundangang mga satsat. Lalo na sa harap ng kanilang trilyong pisong kaso ng paglustay sa kaban ng bayan at nagtataasang sahod kahit pa hindi naman napapakinabangan ng taumbayan ang kanilang tanggapan.

Kaya ang mensahe ng WAR3-KMU sa NWPC at sa rehimeng Marcos: walang silbi ang pag-aaral nyo nang mabuti kung hindi ito para sa kapakinabangan ng buong sambayanan, lalo ng mga minimum wage earner na syang lumilikha ng yaman ng lipunan! Wala kayong silbi sa mga manggagawa! Dapat na kayong sisantihin ng mamamayan! Dapat na kayong patalsikin ng aklasang bayan! # #

07/12/2025

BANGON KAURING ALIPIN!: Kilos-protesta kasama ang mga organisasyon sa Central Luzon sa ilalim ng Workers' Alliance in Region 3 - KMU

07/12/2025

BANGON KAURING ALIPIN: Workers' Alliance in Region 3 - KMU Press Conference


Ngayong taon, tumaas ng 2 trilyong dolyar ang yaman ng iilang pamilya sa buong daigdig. Sa Pilipinas, tumaas naman ng 34...
06/12/2025

Ngayong taon, tumaas ng 2 trilyong dolyar ang yaman ng iilang pamilya sa buong daigdig. Sa Pilipinas, tumaas naman ng 348 bilyong piso ang yaman ng limampung katao. Sa tala, makasaysayan ang taong 2025 dahil sa taong ito, nakamit ng iilan ang pinakamataas na tantos ng yaman sa buong kasaysayan ng sangkatauhan.

Napakalayo ng agwat nito sa buhay nating mga manggagawa at maralita. Pahirap nang pahirap ang ating buhay. Kapos na kapos ang ating kita. Hindi tayo makawala sa kabi-kabilang utang. Wala tayong madudukot kung magkakasakit at maaksidente. Mas malala na sa isang kahig isang tuka ang ating kalagayan sa kasalukuyan.

Ang taong 2025 ay taon ng lubos nating pagdurusa. Patuloy ang pagsasamantala. Tumitindi ang pang-aapi. Lumalala ang katiwalian. Kapalit nito, tayong mga api ang nagdurusa at napagkakaitan ng maalwang kinabukasan ang ating mga pamilya.

Sa pagsidhi ng pagsasamantala, pang-aapi, at katiwalian, dapat tayong tumindig, magkaisa, at makibaka! Tapusin na natin ang dekadekadang pagtitiis! Tama na! Sobra na! Wakasan na! Bumangon na, kauring alipin!

Bukas, ika-7 ng Disyembre, lilikha tayo ng kasaysayan. Magsasama at magkakaisa ang mga tunay na unyon, lider manggagawa, samahang maralita, migrante, at mamamayan para muling itaas ang bandila ng militanteng pakikibaka ng uri sa Gitnang Luzon. Sa harap ng kabi-kabilang isyung pinapasan ng mamamayan sa rehiyon, itataguyod at muling palalakasin ang Kilusang Mayo Uno upang pangunahan ang paglaban ng uring manggagawa at buong maralita sa pagkakamit ng ating pambansa demokratikong kahingian at interes. Idaraos ang press conference na susundan ng kilos protesta sa ganap na ika-9 ng umaga sa Malolos, Bulacan.

Manggagawa at maralita, magkaisa laban sa tumitinding pang-aapi at pagsasamantala! Patalsikin ang korap, pahirap, at pasista na rehimeng Marcos at Duterte!
Ibagsak ang burkrara kapitalismo, imperyalismo, at pyudalismo na sanhi ng ating kahirapan!
Kamtin ang pambansang demokrasya at itayo ang sosyalistang lipunan!

MARCOS - DUTERTE, PATALSIKIN! LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!Lumahok ang WAR III - KMU sa mobilisasyon ngayong Araw ng ...
30/11/2025

MARCOS - DUTERTE, PATALSIKIN! LAHAT NG SANGKOT, DAPAT MANAGOT!

Lumahok ang WAR III - KMU sa mobilisasyon ngayong Araw ng Anakpawis, ika-30 ng Nobyembre. Kasama ang iba't ibang organisasyon, nagkaisa tayo sa panawagang patalsikin na si Bongbong Marcos, Sara Duterte, at lahat ng sangkot!

Bangon, manggagawa ng Gitnang Luzon! Patalsikin ang papet, korap, at pasistang rehimeng Marcos-Duterte!
Makibaka laban sa pandarambong sa bayan at isulong ang tunay na pagbabagong panlipunan!

12/11/2025
09/11/2025

ALAMIN ANG IYONG KARAPATAN SA TRABAHO 📢👷⚙️

Saklaw ng Labor Advisory 17 s. 2022 ng DOLE ang karapatan ng mga manggagawa na tumanggi ng hindi ligtas na trabaho at kasama dito ang panahon ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo at baha. Pwedeng umabsent sa trabaho at hindi mapipilit ng employer ang pagpasok ng mga manggagawa o patawan ng parusa, disciplinary action (DA) o tanggalin sa trabaho ayon sa Labor Advisory. Pwede rin gamitin ang service incentive leave (SIL) para umabsent at manatiling nababayaran ng arawang sahod.

Sa panahon ng matinding kalamidad, prayoridad natin ang kaligtasan natin at ang ating pamilya. Paglipas ng bagyo, kailangan natin ng mga trabaho na mababalikan upang bumangon mula sa epekto ng kalamidad.

I-SUMBONG MO ANG LAHAT NG NAGPUPUMILIT NA PUMASOK SA PANAHON NG KALAMIDAD! MAGMESSAGE LAMANG SA AMING FB PAGE ✉️

09/11/2025

Bawal na pilitin pumasok ang empleyado sa panahon ng bagyo!

Ayon sa DOLE Advisory, may karapatan ang manggagawa na tumanggi na pumasok sa panahon ng kalamidad. Hindi dapat ito gawing violation ng kumpanya. Ayon din sa DOLE, mayroon ding pananagutan ang bawat kumpanya na magkansela ng pasok para tiyakin ang kaligtasan ng bawat empleyado.

Ipinaubaya ng DOLE at pamahalaan ang kaligtasan ng manggagawa sa mga kumpanya. Imbis na ang pamahalaan mismo ang magkansela ng trabaho.

Panawagan ng manggagawa sa gobyerno at sa mga kumpanya:
Kaligtasan bago ang kita ng kumpanya! Tama na ang katiwalian at kapabayaan sa mga manggagawa sa Metro Clark!

09/11/2025
09/11/2025

Panawagan ng mga manggagawa ng FAB at mamamayang Mariveleńo sa AFAB at gobyerno: TAO KAMI! Tama na ang kapabayaan at katiwalian!

Sa harap ng banta ng malakas na ulan, hangin, pagbaha, walang puso ang mga pabrika at kumpanya ng FAB sa patuloy pa rin pagpapapasok sa mga manggagawa para lamang makamit ang inaasahang kota at kita ng management.

Parating ganito ang kaawa-awang sitwasyon nating mga manggagawa at mga maralita dahil laging buhay at kaligtasan natin ang nasasaalang-alang para lang makapasok sa ating mga trabaho habang ang mga kumpanya ang nagpapakasasa sa sobra-sobrang kita na hindi man lang tayo kinukunsidera!

Kapag gantong may bagyuhan, hindi lang pinsala ng pag-ulan at pagbaha ang ating pinapasan, kun'di pati na rin ang kapabayaan ng gobyerno sa ating kaligtasan dahil sa halip na magbigay kapanatagan ang mga flood control projects, napunta ito sa bulsa ng iilan.

Kaya, panawagan natin sa AFAB at gobyerno: Hindi tayo bagyo-proof, tama na ang kapabayaan at katiwalian! Bigyan ng importansya ang kaligtasan at kapakanan hindi lang ng mga manggagawa kung hindi pati na rin ng mga Mariveleńo sa panahon ng kalamidad at sakuna. Nararapat lang na magbigay ito ng serbisyo at tulong sa lahat ng nasasakupang lubos na naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.

Hinihikayat ng Nagkakakaisang Manggagawa ng FAB ang lahat ng manggagawa na makiisa sa ating panawagan para sa makatao at ligtas na kundisyong-paggawa lalong-lalo na sa gitna ng kalamidad.

Tama na ang pagtitiis!
Panahon na para tayo ay magkaisa at mapakinggan!

Tinaas na sa alert status ang mga probinsya sa buong rehiyon sa harap ng pagpasok ng Bagyong Uwan. Inaasahang tatama ang...
09/11/2025

Tinaas na sa alert status ang mga probinsya sa buong rehiyon sa harap ng pagpasok ng Bagyong Uwan. Inaasahang tatama ang malakas na hangin, pagbaha, at landslide ngayong Linggo hanggang bukas.

Sa kabila nito, maraming mga manggagawa sa mayor na mga empresa sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac, at Zambales ang inoobliga pang pumasok ngayong Linggo para makamit ang hinahabol na kita ng kapitalista. Marami ring mga pabrika na nagpapataw ng iskemang compressed work week at Sunday work ang maramihan pang nagpapasok sa mga manggagawa ngayong araw sa kabila ng mas maagang naiuulat na banta ng bagyo. Sa bisa ng anti-manggagawang pakanang no work no pay, marami sa mga manggagawa ang sinusuong ang bagyo at baha upang hindi mapag-initan at hindi ‘masayang’ ang isang araw na sahod. Wala ring katiting na simpatya ang mga management sa mga manggagawang nale-late ng pasok dulot ng kalamidad at walang pag-iimbot na pinapagalitan at pinapahiya pa ang mga manggagawa.

Walang pakundangan at walang pinipiling araw ang mga ganid na kapitalista para humuthot ng tubo kapalit ang buhay at kaligtasan ng mga manggagawa. Higit lalo sa panahon ng kalamidad, litaw ang makauring pagsasamantala sa mga aliping kanilang paghuhugutan ng tubo.

Sa kabila naman ng mga sinasabing proteksyon sa karapatan at kaligtasan ng manggagawa, bigo ang DOLE at buong gobyerno na itaguyod ito. Kasabwat sila ng mga kapitalista sa sistematikong pagtrato sa mga manggagawa bilang makinang walang buhay, aliping sinasahuran, inaapit’t pinagsasamantalahan. Kaparis ng kaprasong awa sa baryang taas-sahod ng rehimeng Marcos at kawalan ng hakbang para tuldukan ang laganap na labor-only contracting ng mga manpower agency at hindi makataong kundisyong paggawa ang ginagawang pagpapabayang ito sa mga manggagawa lalong-lalo na sa ating rehiyon.

Samantala, lugmok din sa dusa’t pagsasamantala ang mga manggagawa at mga maralitang lunsod na pinababayaan sa awa ng evacuation at relief operation. Ang mahaba at sistematikong katiwalian sa mga huwad na flood control projects, disaster response, at maging pamamahagi ng ayuda ay naglulugmok sa maraming mga komunidad sa pamalagiang pagkawala ng naipundar na gamit at maging buhay. Libo-libong buhay ang taon-taong nasasawi at milyon-milyon ang nawawaldas sa ari-arian ng mamamayan, na karamihan ay pamily ang mga manggagawa.

Mula sa loob ng pabrika hanggang kanilang komunidad at buong sistema ng lipunan, api at pinagsasamantalahan ang mga manggagawa at maralita. Samantala, ang mga magsasaka, mangingisda, at katutubo naman ay pamalagiang pinuperwisyo sa pagkawasak at pagkaantala ng lokal na produksyon na nagdudulot ng pagsirit pang lalo ng preyo ng mga bilihin. Kasabay ito ng malawakang pangangamkam ng lupa at pagpapalayas sa tirahan para bigyang-daan ang mga huwad na proyektong pangkaunlaran sa rehiyon.

Higit lalo sa panahong ito ng matinding kalamidad, lantad na lantad ang malaking agwat sa buhay at kaligtasan ng mga mayayaman na sya ring humahawak ng kontrol sa ating pagawaan at maging sa pamahalaan. Habang tayong anakpawis naman ang syang binubusabos at syang napeperwisyo’t kinikitil ng sistematikong kapabayaan at katiwaliang ito.

Nananawagan ang Workers’ Alliance in Region 3 – Kilusang Mayo Uno sa mga manggagawa, maralita, at buong uring anakpawis na palitan ang pagtitiis at pagtitimpi ng makauring tapang at paglaban. Panahon na upang tuldukan ang sistemang hindi para sa ating kapakinabangan at kaligtasan! Buuin ang ating pagkakaisa at bigwasan ang mga mapagsamantala!
Tama na, sobra na, wakasan na!
Mga manggagawa at maralita, magkaisa laban sa katiwalian at kapabayaan!
Kumilos at kamtin ang tunay na pagbabagong panlipunan!
Makibaka, huwag matakot!
Sumama sa pagkilos laban sa katiwalian at kapabayaan sa Nobyembre 23 sa Pampanga at Nobyembre 30 sa Luneta!

Address

Pampanga

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Workers' Alliance in Region 3 - KMU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Workers' Alliance in Region 3 - KMU:

Share