15/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐, ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sabay-sabay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Calintaan Municipal Police Station (Lead Unit), 405th B Maneuver Company ng RMFB 4B, RID MIMAROPA, at 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company ang pitong (7) wanted person sa magkakaugnay na operasyon na isinagawa sa Brgy. Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro noong Hunyo 15, 2026.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Alyas โJonโ, 32 taong gulang; residente ng Brgy. Talabaan, Mamburao, Occidental Mindoro; Alyas โLucyโ, 48 taong gulang at Alyas โMonโ, 68 taong gulang; parehong residente ng Brgy Poypoy, Calintaan, Occidental Mindoro; Alyas โToniโ, 70 taong gulang; Alyas โNeneโ, 55 taong gulang; Alyas โNelโ, 33 taong gulang; at Alyas โTorโ, 57 taong gulang, na pawang mga residente ng Angono, Rizal.
Ang mga pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng mga Warrant of Arrest para sa kasong Estafa. May inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng labing walong piso (โฑ18,000.00) para sa bawat kaso.
Sa kasalukuyan, ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng Calintaan Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyo.
โAng matagumpay na pagkakaaresto sa pitong wanted person ay patunay ng masusing koordinasyon at dedikasyon ng ating mga kapulisan sa pagpapatupad ng batas. Patuloy nating pinaiigting ang ating kampanya laban sa mga indibidwal na may pananagutang legal upang matiyak na ang hustisya ay maipagkakaloob at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Ang Occidental Mindoro PPO ay nananatiling matatag sa tungkulin nitong protektahan ang mamamayan at tiyaking walang sinuman ang makaliligtas sa pananagutan sa batas,โ pahayag ni PCOL TIMOTEO L ESPIRITU, JR โ Provincial Director.