Ceepeengut

Ceepeengut Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ceepeengut, Post office, Palina.

20/05/2020

Comment kau ng gusto niyong title mga ka engut! Gawin ko!

pa follow and like narin yung page ty!

20/05/2020

tuloy kuna pa uli mga ka engut?😁

PILIPINAS..Pilipinas kamusta na..?Balita ko ko kalayaan sayo'y tila nagsisikip na,Nawawalan na ng pag-asa,Nawawala na an...
21/04/2020

PILIPINAS..

Pilipinas kamusta na..?
Balita ko ko kalayaan sayo'y tila nagsisikip na,
Nawawalan na ng pag-asa,
Nawawala na ang hustisya.
Bayang pinaglaban ni Rizal ay nagbabago na

Haha

Lumang tugtugin na yun
Wala na nagbago doon
Dahil ang salapi tinuturing ng panginoon
Pera ugat ng kasamaan mula pa noon
Kahit magpahanggang sa ngayon

Kala ko nung una nangyayare lang ito sa pelikula
Na pati batas ay maninipula
Ngayon tatanungin ko ulit ha
Pilipinas ano na kamusta

Bakit PILIPINAS bayang kong sinilangan
Kami ba o Sila sino ba ang may kasalanan
Sa kasalukuyan
Biktima na ang mayayaman,
Magbayad kalang enosente kana walang katanungan

At ang mahihirap tingin nila ay criminal
Pinahihirapan, inaalisan ng dangal
Ganyan na ba ang kalakaran ngayon
Mahihirap na nahihirapan ng bumangon
Inyo pang binabaon

Pagdating ng halalan
Kanya kanyang plataporma
Sa poste, pader, puno nakadikit pagmumukha nila
Kasama ang pangakong hanggang sa napako na
Kanya kanyang agenda
Para sa bayan pa o para may bagong acienda
Pera ng bayan deretso sa bulsa

Ngayon ibangon natin ang pilipinas
Baka mahuli pa kapag ating ipagpapabukas
Ang sakit ang bayan baka di na mabigyang lunas

Kulay asul,pula,puti,dilaw sa ting WATAWAT
Subalit ang itim nagbabadya at di paawat
Pilipinas kailan makakamtan ang kalayaan
Di sa mananakop kundi sa sariling mamamayan
Na sarili ng bayan subalit nagawa pang pagnakawan

Ang magnanakaw may ibat ibang uri ito
Minsan mahirap, mayaman minsan pulitiko
Ibangon ang pilipinas huwag gawing empyerno to

28/03/2020

Ang tulang ito ay Para sa mga mag jowang hindi nag susupportahan.

Supportahan mo wag mong bawalan!
Ang dameng mag jowa na hindi nag susupportahan.
Ang dameng mag jowa na nag babawalan.
Ang dameng mag jowa na nag aaway at nagkakahiwalay.
Dahil hindi sila nag susupportahan!.

Supportahan mo wag mong pagbawalan!
Supportahan mo wag mong pigilan!
Supportahan mo sa lahat ng gusto niyang gawin kong nakikita mong ikabubuti niya ito at pigilan mo kong alam mong ikakasama niya na!

Wag mong sakalin at ikulong ang jowa mo.

Supportahan mo sa at wag mong bawala!
Kung ano ang nakita mo sakanya na ikinakasaya niya noon,wag mong pigilan ngayung kayo na!

Dahil pahalagahan mo habang anjan pa,wag mong babaliwalain habang mahal kapa.
Supportahan mo gaya ng pag-susupporta niya sayo at mahalin mo gaya ng pag-mamahal niya sayo!
Isipin mo ang nararamdaman niya sa mga ginagawa mo!
Tandaan mo tao din yan
NASAAAKTAN atNAPAPAGUD!
SUSUKO din yan kaya habang anjan pa at na titiis ka pang mahalin, wag mong babaliwalain at wag mong sasaktan, mahalin mo habang anjan pa!

At kung hindi mo kayang supportahan noon at hangang ngayun mag tigil itigil muna ang relasyon niong dalwa!

Tandaan mo nasa huli ang pag-sisisi!!!

"Corona virus"Dalawang salita,labing isang letra.virus?Sakit sa ulo,ubo at sipon. Yan ang pasakit na dinaranas ng bawat ...
25/03/2020

"Corona virus"

Dalawang salita,labing isang letra.
virus?
Sakit sa ulo,ubo at sipon.
Yan ang pasakit na dinaranas ng bawat taong nakakakuha niyan.
Libo-libong ka tao ang na aapektuhan
Libo-libong ka tao ang nawawalan ng pang kabuhayan
Libo-libong ka tao ang nawawalan ng pag kukuhanan
Libo-libong buhay rin ang nalalagas dahil sa Ncov na iyan
Kailan nga ba ito matatapos?

Matatapos?
Eh!!
Sarili nating mundo hindi natin ma alagaan ng husto!
Sarili nating ilog pinag tatapunan ng basura ng mga tao!
Sarili nating gubat unti unting nakakalbo dahil sa gawain nating mga tao!
Mga nananahimik na hayop bakit kailangan patayin at kainin?
Mga malilinis na ilog bakit kailangang dumihan kung alam naman ang wastong basurahan?
Gubat? Mga nag gagandahang puno naaabuso at pinuputol.
Kaya tayo nakakaranas ng ganitong delubyo dahil sa kasakiman at pagkawala ng respeto ng mga tao!
Hindi na baling mawalan ng pera kung ang hangarin ay mailigtas at mapanatili ang mundong kay payapa!
Ang delubyong ating dinaranas.
Ay pagsubok na bigay ng ating Panginoon
Ito ay dahil ang mga tao ay nawawalan na ng disiplina at respeto sa ating kapaligiran.
Manunumbalik ang sigla ng mundong niyanig ng delubyo kung ang sakit na ito ay muli ng mag laho.
Pag katapos nitong matinding delubyo,
Ika'y mag tungo sa tahanan ng Diyos, humingi ng tawad at mag pasalamat sa panibagong yugto na ibinigay sa buhay mo.
Huwag ugalihing jowa ang unahin,
Dahil sa oras ng trahedya Ang Diyos lamang ang siyang mag liligtas sayo at sa mga taong nasa paligid mo, dahil wala ka nang magagawa kung oras mo na ang nakatakda.

22/03/2020
21/03/2020

The end of ncov 19 2020
Yong iba atat ng pumunta sa mga jowa nila yung iba atat ng mag swimming kasi naiinitan na sila mga yan naiisip ninyo pero hindi nyo manlang maisip na mag pasalamat sa panginoon nating may kapal miss mo jowa mo barkada mo iiwan ka din nyan sa tamang panahon pero ang ating panginoon hinding hindi ka iiwan kayat halina sabay sabay tayong mag dasal para mawala ang sakit na yan na covid 19.

Sa ngalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo. Manalangin tayong magkasama. Panginoong DIYOS, maraming maraming salamat po sa lahat ng biyayang walang sawa ninyong ipinagkakaloob sa amin. Hindi man kami karapatdapat sa inyong pagmamahal, nariyan pa rin po kayo upang kami ay kupkupin. Panginoong DIYOS , lubos po kaming nagpapakumbaba at humihingi ng kapatawaran mula sa inyo sa lahat ng aming nagawang kasalanan. Intensyonal man po o hindi, patawarin nyo po kami. Linisin nyo po ang aming mga puso at tanggalin nyo ang lahat ng negatibong emosyon na aming kinikimkim. Panginoong DIYOS, itinataas ko po sa inyo ang aming kinabukasan at ng lahat ng aming mga mahal sa buhay. Ituwid mo po nawa ang landas na aming nilalakaran. Kayo po ang magdesisyon para sa amin. Samahan nyo po kami sa aming paglalakbay, Panginoon. Kayo po ang magsilbing aming gabay mula ngayon. Panginoon, bagamat kami po ay makasalanan, marupok sa tukso at madalas man manghina ang aming pananampalataya, dalangin po namin na wag mo po kaming bitawan. Huwag nawa po kayong magsawa na kami ay samahan. Panginoon, kailangan ka po ng bayan at NG buong mundo. Ibuhos mo po ang pagmamahal at pagpapatawad nyo sa mundo. Hipuin mo po ang bawat isa sa amin na maging instrumento mo para makilala ka ng ibang tao. Bigyan mo po ang bawat isa sa amin ng sapat na talino upang ihayag ang kadakilaan mo. Mahal naming Panginoon, hindi po kami mapapagod na sambahin ka. Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking biyaya mo ay tatanawin po namin na utang na loob hanggang sa kamatayan ko. Maghari nawa po ang pagmamahal na unang nagmula sayo sa buhay ng bawat anak mo na nagbabasa ng panalangin na ito. Gamitin mo po kami para sa iyong mga plano. Gamitin mo po kaming maging instrumento mo para maging daluyan ng pagmamahal at pagpapala mo sa aming mga anak mo.
Panginoong DIYOS, sayo po ang lahat ng papuri at pasasalamat, sa pangalan ni HESUS AMEN.

20/03/2020

Lahat ng mga naka sulat sa ay bible nangyayari na!

16/03/2020
13/03/2020

Ngayon mo lang talaga mararamdaman yong sakit at lungkot.

Kamusta kana?Nag iisa ka na naman ba?Nag iisip ng mga bagay bagay. Kung anong mali.Kung anong problema.Kung anong mangya...
09/03/2020

Kamusta kana?

Nag iisa ka na naman ba?
Nag iisip ng mga bagay bagay.
Kung anong mali.
Kung anong problema.
Kung anong mangyayare kay ganito.
Kung anong mangyayare kay ganyan.
Ang lakas lakas mo kapag kaharap sila!
Ang saya saya mo kapag kausap sila !
Ang tapang tapang mo kapag kasama sila.

Ngayong nag iisa ka!
Bakit bigla kang nanghina?
Bakit bigla na lang nawala ang saya sayong mukha?
Ngiti ka naman kahit pilit lang!
Baguhin mo ang korte ng nakaukit sa iyong mukha.
Ibalik mo yung ngiti at saya na pinapakita mo sa kanila
Magaling ka naman diyan diba?

Masyado kang mapagpanggap,
Masyado mong sinasarili lahat!

Ipinapakita mo na
Ayos ka lang
Okay ka lang
At higit sa lahat
Ipinapakita mo na ang lakas mo!
Kahit ang totoo gusto mo ng
Umiyak,sumigaw,magwala
Dahil gusto mo nang makatakas,
Makatakas sa lungkot
Na wala kang ideya kung saan nagmula!
Hindi ka ganito
Hindi mo ito ginusto
Pero bakit nararamdaman mo?
Inaalala mo yung iba
Samantalang ikaw ay lugmok na lugmok na
Lagi ka na lang nakatago sa maskara!
Na hindi mo kayang tanggalin dahil iniisip mo sila!
Dahil ayaw mo silang mag alala!
Dahil baka anong isipin nila
At baka tawanan ka lang nila.
Dahil kilala ka nila
Bilang masayahin
Bilang malakas
At hindi namomoblema.

Pero nagkakamali sila
Dahil ikaw ay nakatago lamang sa isang maskara
Maskara na maaalis mo lang kapag ikaw na lang mag isa!
At wala ng ibang taong makakakita.
At ito laging nagtatago sa isang suluk na Tila
ay palihim na mukha Na masaya at pilit na ngiti at
Ang maskara na ito ay mistunglang taguan Ng aking malungkot na mukha.

"MASKARA"

Address

Palina
2428

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ceepeengut posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category