Palimbang Municipal Agriculturist Office

Palimbang Municipal Agriculturist Office This is the Official page of the Palimbang Municipal Agriculturist Office.

IKA-128 ARAW NG KALAYAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญSa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang ka...
12/06/2026

IKA-128 ARAW NG KALAYAAN ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ating alalahanin ang kagitingan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nagbigay-daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanilang mga adhikain upang patuloy nating itaguyod ang pagkakaisa, kapayapaan, at kaunlaran para sa mas matatag na kinabukasan ng ating bayan.

Maligayang Ika-128 Araw ng Kalayaan!

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Ika-128 Taong Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญKalayaan, Kinabukasan, Kasaysayanโค๏ธSa mapayapang paggunita ng Araw ng...
12/06/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Ika-128 Taong Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayanโค๏ธ

Sa mapayapang paggunita ng Araw ng Kalayaan ngayong Hunyo 12, 2026, nagkaisa ang ating Municipal Mayor at Vice Mayor, mga kawani ng LGU, line agencies, at ang buong DepEd family upang magbigay-pugay sa kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani na nagbigay daan sa kalayaang ating tinatamasa ngayon.

Sa kabila ng mga hamong ating hinarap, kabilang ang lindol na naranasan nitong mga nakaraang araw, matagumpay pa rin nating naisagawa ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtutulungan, kahandaan, at pagkakaisa ng bawat isa.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang araw na ito upang patuloy nating pahalagahan ang ating kalayaan, pagyamanin ang ating kasaysayan, at sama-samang itaguyod ang mas maunlad at matatag na kinabukasan para sa ating bayan.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐—”๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ขโ€ผ๏ธPANSAMANTALANG PAGSUSPINDE NG MGA KLASE SA LAHAT NG ANTAS AT TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN SA...
08/06/2026

๐—”๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ขโ€ผ๏ธ

PANSAMANTALANG PAGSUSPINDE NG MGA KLASE SA LAHAT NG ANTAS AT TRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG PAMAHALAAN SA BAYAN NG PALIMBANG, SULTAN KUDARAT dahil sa Magnitude 7.8 na lindol sa karagatan ng Sarangani at sa bantang tsunami na dulot nito.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, mapagmatyag, at sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulang ahensya.

Mag-ingat at manatiling alerto ang lahat. โค๏ธ

๐„๐€๐‘๐“๐‡๐๐”๐€๐Š๐„ & ๐“๐’๐”๐๐€๐Œ๐ˆ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐‘๐„๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘๐’ | ๐’๐“๐€๐˜ ๐‚๐€๐‹๐Œ, ๐’๐“๐€๐˜ ๐๐‘๐„๐๐€๐‘๐„๐ƒFollowing recent seismic activity felt in parts of Sulta...
08/06/2026

๐„๐€๐‘๐“๐‡๐๐”๐€๐Š๐„ & ๐“๐’๐”๐๐€๐Œ๐ˆ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐‘๐„๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐‘๐’ | ๐’๐“๐€๐˜ ๐‚๐€๐‹๐Œ, ๐’๐“๐€๐˜ ๐๐‘๐„๐๐€๐‘๐„๐ƒ

Following recent seismic activity felt in parts of Sultan Kudarat and Mindanao, the public is advised to remain calm, stay informed, and follow official guidance from the PHIVOLCS and local authorities.

Preparedness is key to safety. Here are general guidelines to remember during and after an earthquake, including possible tsunami risks:

DURING AN EARTHQUAKE

DROP, COVER, AND HOLD ON
โ€ข Stay away from windows, glass, shelves, and heavy objects
โ€ข Do NOT run outside while shaking is ongoing
โ€ข If outdoors, move to an open and safe area
โ€ข If driving, pull over safely and stop

TSUNAMI SAFETY REMINDERS

โ€ข If strong or prolonged shaking is felt in coastal areas, move to higher ground immediately
โ€ข Stay away from shorelines, beaches, rivers, and estuaries
โ€ข Do not wait for visual confirmation of a tsunami if natural warning signs are present
โ€ข Follow evacuation instructions from local authorities

AFTER THE EVENT

โ€ข Expect aftershocks and remain alert
โ€ข Check yourself and others for injuries
โ€ข Inspect surroundings for hazards (damaged structures, wires, gas leaks)
โ€ข Keep emergency kits ready
โ€ข Only trust official updates and advisories

The Provincial Government of Sultan Kudarat reminds everyone to stay vigilant and prioritize safety at all times. Our disaster response teams continue to monitor the situation and coordinate with concerned agencies.

Stay calm. Stay aware. Stay safe, Sultan Kudarat.








05/06/2026
๐——๐—”-๐—ฅ๐—™๐—ข ๐—ซ๐—œ๐—œ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—–๐—”๐—— ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜€Matagumpay na isinagawa...
05/06/2026

๐——๐—”-๐—ฅ๐—™๐—ข ๐—ซ๐—œ๐—œ, ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—–๐—”๐—— ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฃ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐˜€

Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture โ€“ Regional Field Office XII (DA-RFO XII) ang isang Stakeholder Round Table Discussion (SRTD) hinggil sa Signature Commodity in Ancestral Domain (SCAD) noong Hunyo 4, 2026 sa Paraiso Verde Hotel and Resort, Lungsod ng Koronadal. Ang aktibidad ay pinangunahan ng programang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K).

Layunin nitong pagtibayin ang pakikipagtuwang ng ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, katuwang na organisasyon, at mga kinatawan ng mga katutubong pamayanan. Ito ay para sa pagbuo at pagpapatibay ng SCAD Development Plan ng MASANAB (Masaganang Nayon sa Buluan) Farmers Association, kung saan ang mais ang itinakdang pangunahing produkto ng samahan.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni 4K Program Director Gilbert V. Baltazar, MPA ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng sektor upang matiyak ang matagumpay na pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan para sa mga Indigenous Cultural Communities (ICCs) at Indigenous Peoples (IPs).

Ayon kay Director Baltazar, mahalagang maisakatuparan ang mga plano at interbensyon na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mga katutubong komunidad habang pinangangalagaan ang kanilang kultura, tradisyon, at mga karapatan sa kanilang lupang ninuno.

Dagdag pa niya, ang SCAD Development Plan ay magsisilbing gabay sa pagpapatupad ng mga programang magpapalakas sa produksyon ng mais, magpapataas ng kita ng mga magsasaka, at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa pangmatagalang pag-unlad ng mga benepisyaryo.

โ€œ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’–๐’Ž๐’‘๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐Ÿ’๐‘ฒ ๐‘ท๐’“๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’Ž ๐’‚๐’š ๐’๐’‚๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚-๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’ˆ๐’Œ๐’Š๐’๐’๐’” ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐’”๐’•๐’‚๐’Œ๐’†๐’‰๐’๐’๐’…๐’†๐’“. ๐‘บ๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’•๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’„๐’๐’๐’—๐’†๐’“๐’ˆ๐’†๐’๐’„๐’† ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’•๐’Š๐’ƒ๐’‚๐’š ๐’๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’Œ๐’Š๐’Œ๐’Š๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’–๐’ˆ๐’๐’‚๐’š๐’‚๐’, ๐’Ž๐’‚๐’Œ๐’‚๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’‰๐’‚ ๐’•๐’‚๐’š๐’ ๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’๐’‘๐’๐’“๐’•๐’–๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’… ๐’๐’‚ ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’ƒ๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š ๐’๐’ˆ ๐’‘๐’‚๐’๐’ˆ๐’Ž๐’‚๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’–๐’‰๐’‚๐’š๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’‚๐’–๐’๐’๐’‚๐’“๐’‚๐’ ๐’‘๐’‚๐’“๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’ˆ๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’•๐’–๐’•๐’–๐’ƒ๐’,โ€ pahayag ni Baltazar.

Tampok sa talakayan ang presentasyon ng mga prayoridad at potensyal ng mais, situational analysis, at mga panukalang SCAD Development Plan para sa samahan. Nagkaroon din ng thematic discussions kung saan tinalakay ang mga pangunahing isyu, pagkakahanay ng mga interbensyon, mga estratehiya para sa pagpapanatili ng proyekto, at mga konsiderasyong pangkultural upang matiyak ang epektibong implementasyon ng plano.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Agricultural Training Institute (ATI), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Department of Social Welfare and Development (DSWD), DA-Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC), DA-Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD), DA Corn Program, DA-Organic Agriculture Program (OAP), DA-Halal Program, mga lokal na pamahalaan, at iba pang katuwang na organisasyon.

Nagtapos ang pagpupulong sa paglalatag ng mga rekomendasyon at paninindigan ng mga stakeholder, kabilang ang pagpapatibay ng pinal na SCAD Development Plan ng MASANAB Farmers Association at ang pagbuo ng mga kasunduan hinggil sa kani-kanilang tungkulin, responsibilidad, at iskedyul ng implementasyon.

Sa pamamagitan ng 4K Program, patuloy na isinusulong ng DA-RFO XII ang inklusibong kaunlaran sa sektor ng agrikultura at ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga katutubong komunidad tungo sa mas matatag, produktibo, at maunlad na kinabukasan.

Palimbang Entrepreneurs And Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (PEARBCO) joins IFEX Philippines 2026 through CFID...
21/05/2026

Palimbang Entrepreneurs And Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative (PEARBCO) joins IFEX Philippines 2026 through CFIDP ๐Ÿฅฅโœจ

As part of the Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), PEARBCO proudly showcases its Coconut Palapa at International Food Exhibition Philippines 2026.

๐Ÿ“ Booth K21
๐Ÿ“… May 21โ€“23, 2026
๐Ÿ“Œ World Trade Center Metro Manila

Visit us and support proudly local products as we bring the best of Philippine coconut innovation to the global stage!

04/05/2026
Reposted from: DA Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Gusto mo bang magsimula ng sarili mong agri-negosyo? ๐ŸŒฑSum...
29/04/2026

Reposted from: DA Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs

Gusto mo bang magsimula ng sarili mong agri-negosyo? ๐ŸŒฑ

Sumali na at mag pre-register sa Young Farmers Challenge (YFC) Season 6! Ang YFC ay isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong tulungan ang mga kabataang edad 18โ€“30 na makapagsimula ng sarili nilang agri-based enterprises sa pamamagitan ng pagbibigay ng start-up capital.

Ang lahat ng pre-registered participants ay makakatanggap ng email confirmation at magkakaroon ng pagkakataong makadalo sa face-to-face o online na Business Model Canvas (BMC) Orientation, pati na rin sa iba pang proseso ng pagsali sa YFC Program.

Pre-Registration link: https://docs.google.com/forms/d/1djPnWbtkTZqpvu2XKdLjRlIkE3zeUyG6hPaTlkdEdp0/viewform?edit_requested=true

Huwag palampasin ang pagkakataong mapalago ang iyong ideya at maging susunod na agri-entrepreneur! ๐Ÿšœโœจ


Gusto mo bang magsimula ng sarili mong agri-negosyo? ๐ŸŒฑ

Sumali na at mag pre-register sa Young Farmers Challenge (YFC) Season 6! Ang YFC ay isang programa ng Department of Agriculture na naglalayong tulungan ang mga kabataang edad 18โ€“30 na makapagsimula ng sarili nilang agri-based enterprises sa pamamagitan ng pagbibigay ng start-up capital.

Ang lahat ng pre-registered participants ay makakatanggap ng email confirmation at magkakaroon ng pagkakataong makadalo sa face-to-face o online na Business Model Canvas (BMC) Orientation, pati na rin sa iba pang proseso ng pagsali sa YFC Program.

Pre-Registration link: https://docs.google.com/forms/d/1djPnWbtkTZqpvu2XKdLjRlIkE3zeUyG6hPaTlkdEdp0/viewform?edit_requested=true

Huwag palampasin ang pagkakataong mapalago ang iyong ideya at maging susunod na agri-entrepreneur! ๐Ÿšœโœจ


Address

Baranayan
Palimbang
9809

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palimbang Municipal Agriculturist Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Palimbang Municipal Agriculturist Office:

Share