4P’s MOO - Palimbang, Sultan Kudarat

4P’s MOO - Palimbang, Sultan Kudarat Bawat Buhay Mahalaga Sa DSWD
Manisan Ka Palimbang

SET 14- OPISYAL NA, BAHAGI NA NG PAMILYA!Mula sa inyong Municipal Links ng Palimbang, Sultan Kudarat. Buong puso naming ...
05/09/2026

SET 14- OPISYAL NA, BAHAGI NA NG PAMILYA!

Mula sa inyong Municipal Links ng Palimbang, Sultan Kudarat. Buong puso naming isinagawa ang Orientation at Oath Taking Ceremony para sa inyo. Kayo ang mga kwalipikadong dumaan sa masusing proseso ng validation at ngayon, opisyal na kayo, nakaintindi na sa programa, at higit sa lahat nangako na kayo nang tapat. 🫶

Hindi lang ito basta seremonya ito ay simula ng pagtutulungan. Nandito kami para gabayan kayo, samahan kayo, at siguraduhing malinaw ang bawat hakbang. Salamat sa tiwala, pasensya, at paninindigan ninyo. Karapat-dapat kayo, Set 14 maligayang pagtanggap sa pamilya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program! 💛🤝

PAGTUTULUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN - UPLIFT PAY OUTNoong mga nakaraang araw, naging saksi ang Palimbang Municipal...
05/09/2026

PAGTUTULUNGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN - UPLIFT PAY OUT

Noong mga nakaraang araw, naging saksi ang Palimbang Municipal Gymnasium sa isang makabuluhang araw na puno ng pag-asa at pagmamahal. 🫶

Ang ating Municipal Links ng Palimbang, buong-pusong nag-augment at tumulong upang matiyak na maibibigay nang maayos at tapat ang UPLIFT assistance pay out sa ating mga benepisyaryo. Hindi lang ito tungkol sa tulong ,tungkol ito sa pagpaparamdam na hindi sila nag-iisa. Na may mga taong handang umalalay, dumamay, at maglingkod nang tapat. 🤝

📌 Taos-pusong pasasalamat at pagpupugay:
🔹 CIU Region XII- sa inyong patnubay at patuloy na suporta, malaking bahagi ng tagumpay na ito
🔹 MSWDO Local Government Unit of Palimbang, sa pamumuno ni Ma’am Maria Zaira Y. Lascuna at buong kawani, lubos kaming nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap, paggabay, at mahalagang pagtulong sa amin sa buong panahon ng pay out! Hindi sana magiging ganito kaayos kung wala kayo. 🙏

Salamat sa bawat puso na naglingkod! Ang inyong dedikasyon at pagtutulungan ang tunay na nagpapagaan sa bawat gawaing ito para sa ating mga kababayan. Sabay-sabay tayong magbigay ng pag-asa! ✨

30/08/2026
25/07/2026

Marami ang naniniwalang tamad ang mga mahihirap at umaasa lamang sa tulong ng pamahalaan. Ngunit ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, isa itong maling pananaw.

Batay sa kanyang karanasan at pakikipag-ugnayan sa mga benepisyaryo, maraming Pilipinong kapos sa buhay ang nagtatrabaho nang higit sa isang hanapbuhay upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang kanilang pagsisikap ay patunay na ang kahirapan ay hindi bunga ng katamaran.

Patuloy na isinusulong ng Department of Social Welfare and Development ang mga programang hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong, kundi naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga pamilya upang maging mas matatag, responsable, at magkaroon ng pagkakataong makaahon sa kahirapan.

Bawat buhay ay may dignidad. Bawat Pilipino ay nararapat bigyan ng pagkakataon.

24/07/2026
20/07/2026
Isang Manisan na araw sa ating lahat!Sa ngalan ng Municipal Action Team (MAT) Palimbang, taos-puso po kaming nagpapasala...
20/07/2026

Isang Manisan na araw sa ating lahat!

Sa ngalan ng Municipal Action Team (MAT) Palimbang, taos-puso po kaming nagpapasalamat kay DSWD Secretary Rex T. Gatchalian sa ipinagkaloob na liham ng pagpapahalaga.

Kasabay ng paggunita sa Ika-18 Anibersaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na may temang “SINAG: Labing Walong Taon ng Pagbibigay Liwanag sa Pangarap, Pagtataya, Pagbabago at Pagtataguyod,” ating ipinagdiriwang ang labing-walong taon ng makabuluhang paglalakbay ng 4Ps bilang katuwang ng milyon-milyong pamilyang Pilipino sa pagharap sa mga hamon ng buhay at pagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan.

Kami sa MOO Palimbang, ang inyong 4Ps Angels in Red Vest, ay patuloy na magsisilbing katuwang sa pagsusulong ng kapakanan ng bawat pamilyang Pilipino—sa pagbibigay ng suporta, paggabay, at serbisyo tungo sa pag-abot ng mga pangarap, pagpapaunlad ng kakayahan, pagpapatatag ng pamilya, at pagbuo ng mas maunlad, inklusibo, at makataong komunidad.

Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at patuloy na paggabay. Kami po ay mananatiling tapat at masigasig sa pagsulong ng layunin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

#𝗣𝗮𝗻𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼𝗣𝗿𝗼𝗴𝗮𝗺

Address

Barangay Poblacion, Palimbang Sultan Kudarat
Palimbang
9809

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4P’s MOO - Palimbang, Sultan Kudarat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share