11/02/2026
HUWAG MAGING BIKTIMA NG MGA UNRECORDED ONLINE LENDING PLATFORMS
Ipinapaalala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko na ang mga Online Lending Platforms (OLPs), mobile applications, at websites na nakalista sa ibaba ay HINDI awtorisado at HINDI pinahihintulutang mag-alok, magproseso, o magpautang ng anumang loan products sa pamamagitan ng Google Play Store, Apple App Store, o mga websites.
Ang mga nabanggit na OLPs ay lumalabag sa SEC Memorandum Circular (MC) No. 10, Series of 2021, na nagpatupad ng moratorium o pansamantalang pagtigil sa paglulunsad, paggamit, at pagpapatakbo ng mga bagong Online Lending Platforms, na epektibo simula 02 Nobyembre 2021.
Ang pagpapatuloy ng mga nabanggit na OLPs na magpautang nang walang otorisasyon ay itinuturing na paglabag sa umiiral na mga regulasyon ng SEC at maaaring magresulta sa pagpataw ng administrative sanctions, kabilang ang cease and desist orders, permanent closure, blacklisting, at pag-file ng kaukulang kaso.
Ang tanging legal at awtorisadong OLPs ay makikita sa opisyal na listahan sa:
SEC Website (List of Recorded Online Lending Platforms): https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and-financing-companies-2/list-of-recorded-online-lending-platforms
Basahin ang kabuuang advisory mula sa SEC website: https://www.sec.gov.ph/advisories-2026/advisory-re-unrecorded-online-lending-platforms-2/ .tab=0
Para sa katanungan, reklamo, o pag-report sa mga ilegal na nagpapautang, mangyaring makipag-ugnayan sa SEC Financing and Lending Companies Department o tumawag sa kanilang mga numero na (02) 8818-5990 o 09296263095 o di kaya ay magpadala ng mensahe sa SEC iMessage Portal sa imessage.sec.gov.ph.