14/05/2026
π ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT, BRGY. MILITAR!
π
Isang matagumpay na araw po para sa ating mga kabarangay matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng programang βMurang β±20 na Bigas para sa Masaβ sa ilalim ng Alagang Umali Program dito sa ating Brgy. Militar.
Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, gasolina, kuryente, at iba pang gastusin sa araw-araw, ang programang ito ay tunay na naging malaking tulong at ginhawa para sa ating mga pamilya. Sa halagang β±20 kada kilo, maraming residente ng Brgy. Militar ang nabigyan ng pagkakataong makabili ng abot-kayang bigas para sa kanilang tahanan.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating minamahal na Gobernador ng Nueva Ecija, Hon. Aurelio βOyieβ Matias Umali, sa kanyang patuloy na malasakit at walang sawang pagbibigay ng mga programang tunay na ramdam ng masa. Maraming salamat din kay Mam Cherry Umali sa patuloy na suporta sa mga programang nagbibigay pag-asa at tulong sa mamamayan.
Lubos din po ang aming pasasalamat sa Provincial Food Council, sa ating mga masisipag na magsasaka, at sa buong team na naging katuwang upang maisakatuparan ang programang ito, lalo na sa leadership ni Mrs Elvie Ronquillo, Head Coordinator sa Palaya City ni Gov. Umali at Mam Cherry Umali.
Isang espesyal na pagpupugay rin sa lahat ng ating Alagang Umali Leaders ng Brgy. Militar, sa bawat purok, na nagsikap sa information drive, organisasyon, at facilitation upang maging maayos, organisado, at matagumpay ang aktibidad na ito. Dahil sa inyong malasakit, pagtutulungan, at dedikasyon β naging smooth at successful ang buong programa. π
Sa lahat ng residente ng Brgy. Militar na nakiisa at nakibahagi β maraming salamat po sa inyong tiwala at kooperasyon.
Kapag sama-sama, may malasakit, at may layuning tumulong β mas marami pa tayong magagawang mabuti para sa ating komunidad. π
Mabuhay ang Brgy. Militar!
Mabuhay ang Alagang Umali!
Maraming salamat, Gov. Oyie Umali! ππ