19/08/2026
๐ง๏ธ SA KABILA NG ULAN, PARA SA KALUSUGAN, TULOY ANG SERBISYO! ๐
Sa kabila ng maulang panahon, matagumpay na naisagawa at natapos ang Joint Family Planning Month and National Tuberculosis Day Celebration ngayong arawโisang makabuluhang pagtitipon na naglalayong palawakin ang kaalaman ng ating mga kababayan tungkol sa responsableng pagpaplano ng pamilya at pag-iwas, pagtukoy at paggamot sa Tuberculosis.
Sa patnubay at suporta ng ating Punong Lungsod, Hon. Viandrei Nicole J. Cuevas, pinangunahan ng City Health Office (CHO) sa pamumuno ni Dr. Sheila Victoria B. Flores, City Health Officer, ang nasabing aktibidad, katuwang ang Commission on Population and Development โ Palayan City sa pangunguna ni Ms. Roselle Corpuz, at ang Palayan City 4Ps sa pangunguna ni Ms. Almira Gamilla, City Link Team Leader.
Nagbigay ng mensahe ng pagbati at suporta sina SP Member Hon. Anita Pineda at Ms. Almira Gamilla, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa ng ibaโt ibang sektor upang mas mapalapit at mapalawak ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Palayano.
๐ Kaalaman para sa Mas Malusog na Pamilya
Bilang bahagi ng health education session, nagbigay ng lecture tungkol sa Family Planning si Dr. Czarinna Estacio, OB-GYN, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng responsableng pagpaplano ng pamilya, mga family planning methods, at ang papel ng bawat mag-asawa sa paggawa ng mga desisyong makabubuti para sa kanilang pamilya.
Samantala, ibinahagi naman ni Mr. Niel Laysa, Nurse TB Coordinator, ang Basic Facts About Tuberculosis. Tinalakay ang mga karaniwang sintomas, paraan ng pagkahawa, kahalagahan ng maagang pagpapasuri at paggamot, at ang papel ng komunidad sa pagpigil sa pagkalat ng TB.
๐ฉป LIBRENG CHEST X-RAY
Hindi lamang kaalaman ang hatid ng aktibidad. Nagkaroon din ng FREE CHEST X-RAY para sa mga kalahok sa pakikipagtulungan ng Alay Buhay Community Development Foundation, sa pamamagitan ni Ms. Angela Camille Mactal.
Isang mahalagang hakbang ito upang mahikayat ang ating mga kababayan na sumailalim sa screening at magkaroon ng pagkakataong maagap na matukoy ang mga posibleng kaso ng TB.
๐ค Nakiisa rin sa aktibidad ang DKT, sa pangunguna ni Mr. Michael John Echevarria, na nagbigay ng ilang Family Planning commodities at collaterals na makatutulong sa patuloy na pagpapalaganap ng tamang kaalaman tungkol sa family planning.
Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng closing message si Ms. Lerma Gonzales, Family Planning Coordinator, bilang paalala sa kahalagahan ng patuloy na pakikilahok at paggamit ng mga serbisyong pangkalusugan na inilalapit sa komunidad.
๐ฅ Sa kabuuan, 203 kalahok ang dumalo at nakinabang sa isinagawang aktibidad, kabilang ang mga sumailalim sa libreng Chest X-ray.
Ang matagumpay na pagdaraos ng aktibidad na ito ay patunay na kahit maulan ang panahon, hindi tumitigil ang serbisyo para sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, health workers, national government partners, development partners at komunidad, patuloy nating maisusulong ang isang mas malusog, mas ligtas at mas responsableng Palayan City.
๐ Ang S.M.A.R.T. na Pamilya, Panalo! Tara usap tayo sa Family Planning!
๐ซ Maagang Pagsusuri, Tamang Gamutan, TB ay Maiiwasan!
๐ค Sama-sama para sa Kalusugan ng bawat Pamilyang Palayano!
Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi, katuwang at kalahok sa matagumpay na pagdiriwang na ito! ๐ต๐ญ