12/04/2026
Una ang pagpupuri at pasasalamat sa Panginoon sa biyayang pagtanggap ng Prestihiyosong Award na ito!
Isang napakalaking karangalan ang mapabilang at maparangalan kasama ng mga indibidwal na may natatanging husay at dedikasyon.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para rin sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay.
Sa aking butihing Mayor at Vice Mayor ng aming Lungsod ng Palayan, Mga Opisyal at Kawani ng Local na Pamahalaan ng Lungsod ng Palayan,
Sa aking Kapatirang Masonerya na may malaking ambag sa malawak na paghahatid ng serbisyo at proyektong pagmamalasakit sa mga nangangailan, Sa aking asawa na aking katuwang sa paglilingkod, sa aking mga kapamilya, mga kaibigan, at kasamahan sa ibat iba pang organisasyon aking kinabibilangan, sa Mamayan ng ating Lungsod na nagtiwala sa ating kakayanang magserbisyo sa kapwa.
maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at inspirasyon. Kayo ang aking naging lakas at gabay sa bawat hamon at tagumpay.
Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa buong pamunuan ng Saludo Excellence Awarding Body!🙏🥰
Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ko ang pagsusumikap, paglilingkod, at pagtataguyod ng integridad sa lahat ng aking ginagawa.
Nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat na ang kahusayan ay hindi isang hantungan, kundi isang patuloy na pangako sa pag-unlad at paglilingkod sa kapwa.
Maraming salamat po,
“To God Be the Glory”
mabuhay tayong lahat