Palayan City Veterinary Office

Palayan City Veterinary Office The Page was created to serve as a venue for announcements, updates & concerns for Palayanos

LIBRENG KAPON NG A*O AT PUSA SA BARANGAY MILITAR ROUND 2 ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐ŸพSa patnubay po ng ating minamahal na Punong Lungsod Kgg. Via...
12/09/2026

LIBRENG KAPON NG A*O AT PUSA SA BARANGAY MILITAR ROUND 2 ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ

Sa patnubay po ng ating minamahal na Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas, sa pangalawang pagkakataon ngayong buwan ng setyembre ang aming pong tanggapan ay nagsagawa ng libreng kapon sa mga a*o at pusa sa Barangay Militar. Kami po ay babalik sa 2 pang natitirang biyernes ngayong buwan ng setyembre sa nasabing barangay upang makapagbigay serbisyo sa iba pang mamamayan na nais magpakapon ng kanilang mga alaga alinsunod na rin po sa selebrasyon ng World Rabies Day sa Setyembre 28.

Nanguna po sa nasabing aktibidad ang ating Beterinaryong Panglungsod Dr. Celso Mananggit, ang ating bagong consultant Dr. Lenard Valdez, ang ating volunteer vet sa katauhan ni Dra. Joyce Mae Beltran at mga 6th year vet student clinicians na galing CLSU at ibang staff ng Palayan City Veterinary Office.

Nagpapasalamat po kami sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Militar sa pangunguna po ni Chairman Rowilson Arizabal at sa kanyang masisipag na mga kagawad sa katauhan ni kagawad Gundran, kagawad Delos Santos at kagawad Castillo sa mainit at maagap na kooperasyon upang maisagawa ang programang ito.

Darating po ang panahon na dahan dahan na po nating makokontrol ang popolasyon ng mga galang a*o at pusa sa mga kalye ng ating Lungsod ng Palayan dahil sa mga ganitong programa na isasagawa pa ng aming tanggapan sa hinaharap at malaking tulong din po ang pakikiisa ng bawat mamamayan kung lahat po tayo ay magiging "responsible pet owners".




Goat and Forage Production Crops Production Seminar and Training ๐ŸTayo po ay nagsagawa ng 2 araw na pagsasanay sa waston...
12/09/2026

Goat and Forage Production Crops Production Seminar and Training ๐Ÿ

Tayo po ay nagsagawa ng 2 araw na pagsasanay sa wastong pag-aalaga ng kambing at pag-paparami ng mga pagkain nito.

Ang unang araw po ay binuo ng 2 lecture sa goat and forage and pasture production seminar na pinangunahan ng amin pong tanggapan.

Ang pangalawang araw naman po ay hands-on training na pinangunahan ng CLSU-Small Ruminant Center. Tinuruan po ang ating mga magsasaka kung paano ang wastong pagsasaksak ng hiringilya sa katawan ng kambing, pag-gamit ng Famacha, pag-gawa ng atsarang damo o Silage at pag-gawa ng Urea Molasses Mineral Block.

Nakasama din po natin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawang DSWD Provincial Office at si Sir Raymon Paramio ng Rumsol.

Taos pusong pasasalamat po sa ating minamahal na Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas sa pagsuporta sa ating mga lokal na magsasaka upang mas mapausbong ang paghahayupan sa ating Lungsod ng Palayan.

LIBRENG KAPON NG A*O AT PUSA SA BARANGAY MILITAR ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐ŸพSa patnubay po ng ating minamahal na Punong Lungsod Kgg. Viandrei Ni...
04/09/2026

LIBRENG KAPON NG A*O AT PUSA SA BARANGAY MILITAR ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ

Sa patnubay po ng ating minamahal na Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas, ang aming pong tanggapan ay nagsagawa ng libreng kapon sa mga a*o at pusa sa Barangay Militar ngayon Setyembre 4, 2026. Kami po ay babalik tuwing araw ng biyernes sa buong buwan ng setyembre sa nasabing barangay upang makapagbigay serbisyo sa iba pang mamamayan na nais magpakapon ng kanilang mga alaga alinsunod na rin po sa selebrasyon ng World Rabies Day sa Setyembre 28.

Nanguna po sa nasabing aktibidad ang ating Beterinaryong Panglungsod Dr. Celso Mananggit, ang ating bagong consultant Dr. Lenard Valdez, ang ating volunteer vet sa katauhan ni Dra. Joyce Mae Beltran at mga 6th year vet student clinicians na galing CLSU at ibang staff ng Palayan City Veterinary Office.

Nagpapasalamat po kami sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Militar sa pangunguna po ni Chairman Rowilson Arizabal at sa kanyang masisipag na mga kagawad sa katauhan nina kagawad Gundran, kagawad Delos Santos at kagawad Castillo sa mainit at maagap na kooperasyon upang maisagawa ang programang ito.

Darating po ang panahon na dahan dahan na po nating makokontrol ang popolasyon ng mga galang a*o at pusa sa mga kalye ng ating Lungsod ng Palayan dahil sa mga ganitong programa na isasagawa pa ng aming tanggapan sa hinaharap at malaking tulong din po ang pakikiisa ng bawat mamamayan kung lahat po tayo ay magiging "responsible pet owners".




Magandang Buhay Magsasakang Palayano ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพKayo po ay malugod naming na inaanyayahan na makiisa at dumalo sa Livestock P...
26/05/2026

Magandang Buhay Magsasakang Palayano ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพ

Kayo po ay malugod naming na inaanyayahan na makiisa at dumalo sa Livestock Philippines Expo at Aquaculture Philippines Expo 2026 na gaganapin sa June 24-26, 2026 sa World Trade Center, Pasay City.

Libre po ito para sa lahat at maghahanda po ng mga sasakyan at pagkain ang Pamahalaang Lungsod ng Palayan para sa mga interesadong palayano na lehitimong nag-aalaga ng mga hayop mula sa mga maliliit at pangkomersyo na kategorya.

Wag po natin sayangin ang pagkakataon na matuto tayo sa mga makabagong teknolohiya, sa mga eksperto na sa larangan ng paghahayupan, mga modernong paraan sa tamang pag-aalaga ng mga hayop at pagbabahagi ng ating mga karanasan na makakatulong sa ating kapwa palayano.

Magrehistro po kayo sa link na ito at siguraduhing kayo po ay may aktibong email address para sa reserbasyon ng inyong slot sa nasabing aktibidad:

๐Ÿ“Œ https://ers-ph.informa-info.com/lsp26

Sa mga mahihirapan na magrehistro, malugod po namin kayong aasistehan, magtungo lamang po kayo dito sa aming tanggapan.

Ang inisyatibang ito ay handog po sa atin ng minamahal na Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas upang walang maiwan sa pag-angat ng paghahayupan sa ating lungsod.



SENIOR HIGH SCHOOL WORK IMMERSION STUDENTS ๐Ÿ‘จ๐Ÿผโ€๐ŸŽ“๐Ÿ‘ฉ๐Ÿผโ€๐ŸŽ“Una sa lahat ang aming tanggapan ay taos pusong bumabati ng maligayan...
13/04/2026

SENIOR HIGH SCHOOL WORK IMMERSION STUDENTS ๐Ÿ‘จ๐Ÿผโ€๐ŸŽ“๐Ÿ‘ฉ๐Ÿผโ€๐ŸŽ“

Una sa lahat ang aming tanggapan ay taos pusong bumabati ng maligayang pagtatapos sa mga masisipag at magagaling na mag-aaral na ito. Nawa ay maidala ninyo sa susunod na kabanata ng inyong buhay ang mga natutunan ninyo sa aming tanggapan.

Sila po ay aming naging katuwang sa pagganap ng aming tungkulin sa loob ng 8 na linggo na kinabibilangan ng 5 pangkat mula sa mga paaralan ng Palayan City National High School, Malacaรฑang National High School at Rizal Memorial College.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga paaralang ito at sa ating minamahal ng punong lungsod Kgg. Mayor Vianne Cuevas sa pagbibigay ng pagkakataon na makapagsanay ang aming tanggapan ng mga bata na susunod na titindig sa pagtataguyod ng ating lipunan sa iba't ibang larangan ng agham, sining, palakasan at panitikan.

ESTRUS SYNCRONIZATION AND ARTIFICIAL INSEMINATION  OF LARGE RUMINANTS๐Ÿƒ๐Ÿ„Natapos na ang taunang sabayang pagsesemilya ng m...
13/04/2026

ESTRUS SYNCRONIZATION AND ARTIFICIAL INSEMINATION OF LARGE RUMINANTS๐Ÿƒ๐Ÿ„

Natapos na ang taunang sabayang pagsesemilya ng mga baka at kalabaw sa ating Lungsod ng Palayan sa pakikipagtulungan ng Philippine Carabao Center (DA-PCC).

Nawa ay magtuloy ang lahat ng nasimilyahan na hayop para maisalang ulit ang mga ito sa susunod na taon ๐Ÿ™

Taon taon po natin itong naisasagawa sa pamamagitan ng walang sawang pagsuporta ng ating punong lungsod Kgg. Mayor Vianne Cuevas sa pagpaparami ng mga hayop na katuwang ng ating mga magsasaka sa kanilang hanap buhay sa agrikultura.

MASS ANTI-RABIES VACCINATION ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐ŸพAng aming pong tanggapan ay nakatapos na po sa taunang pagbabakuna ng anti-rabies sa lah...
13/04/2026

MASS ANTI-RABIES VACCINATION ๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ

Ang aming pong tanggapan ay nakatapos na po sa taunang pagbabakuna ng anti-rabies sa lahat ng barangay sa ating lungsod.

Ngunit tuloy tuloy lamang po aming kampanya kontra rabies sa mga hindi pa po nakapagpabakuna ng mga alaga, bukas po ang aming tanggapan mula lunes hanggang biyernes alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Nagpapasalamat po kami sa pakikiisa ng ating mga kalungsod sa aming programa nawa ay makatuwang po namin ulit kayo sa mga susunod pang mga taon.

Hatid po sa atin ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Palayan sa pangunguna ng ating minamahal na punong lungsod Kgg. Mayor Vianne Cuevas.

๐Ÿพ Libreng Anti-Rabies at Kapon para sa A*o at Pusa @ ONE FORT MAG๐Ÿ“ 7ID Basketball Court, Fort Magsaysay, Palayan City, N...
12/03/2026

๐Ÿพ Libreng Anti-Rabies at Kapon para sa A*o at Pusa @ ONE FORT MAG
๐Ÿ“ 7ID Basketball Court, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija | ๐Ÿ—“๏ธ 11 March 2026

In celebration of Rabies Awareness Month, the Fort Magsaysay Army Station Hospital (FMASH) through its Veterinary Section successfully held a Free Anti-Rabies Vaccination and Neutering Activity, bringing care and protection to ONE FORT MAGSAYSAY community.

A total of 83 pets were vaccinated and 20 pets were neutered/spayed, highlighting the importance of responsible pet ownership while safeguarding the health of both pets and people.

This meaningful initiative was made possible through the strong support from our Commanding Officer, COL WILLIAM F RECUENCO MC (GSC) and in collaboration with the City Veterinary Office of Palayan City, led by DR. CELSO MANAGGIT. We are also grateful to MR. PETRONIO GARCIA, Executive Assistant of the Mayor, for representing HON. MAYOR VIANDREI CUEVAS and supporting the activity.

We also extend our heartfelt gratitude to the Military Veterinarians Association of the Philippines (MVAP), led by LTC ANIVILL SHARON A VILLONES VC, and AFP Veterinary Corps for sharing their time and expertise, ensuring the smooth and successful conduct of the activity.



Palayan City Veterinary Office
AFP Veterinary Corps
Mvap Veterinarians

Mass Anti-Rabies Vaccination 2026๐Ÿถ๐Ÿฑ๐ŸพKami po mismo ang pupunta sa inyong bahay-bahay, siguraduhin lamang po na may taong ...
09/02/2026

Mass Anti-Rabies Vaccination 2026๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ
Kami po mismo ang pupunta sa inyong bahay-bahay, siguraduhin lamang po na may taong hahawak sa inyong alaga sa takdang araw ng aming pag-ikot sa inyong mga barangay. Ngunit sa mga malalagpasan po, ay may maiiwan po na nakaistasyon sa inyong Barangay Hall at doon na lamang po babakunahan.

Narito po ang ilang tagubilin para sa mga hayop na papabakunahan:

๐Ÿ“Œ3 buwan pataas ang edad
๐Ÿ“ŒMalusog at walang sakit
๐Ÿ“ŒHindi Buntis
๐Ÿ“ŒUulitin po ang mga nabakuhan na noong nakaraang taon
๐Ÿ“ŒBawal paliguan ng 3 araw ang mga mababakunahang hayop
๐Ÿ“ŒBawal ang nakakagat o nakakalmot sa nakaraang 14 na araw

Narito po ang takdang araw ng bakuna sa mga sumusunod na Barangay:

February 10 - Brgy. Atate Day 1 (Bliss to Akap Village)
February 11 - Brgy. Atate Day 2 (San Lorenzo, Arcade & Highway)
February 12 - Brgy. Bagong Buhay
February 13 - Brgy. Aulo

Ang programa po na ito ay handog sa mamamayan nang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Palayan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.


Mass Anti-Rabies Vaccination 2026๐Ÿถ๐Ÿฑ๐ŸพKami po mismo ang pupunta sa inyong bahay-bahay, siguraduhin lamang po na may taong ...
02/02/2026

Mass Anti-Rabies Vaccination 2026๐Ÿถ๐Ÿฑ๐Ÿพ

Kami po mismo ang pupunta sa inyong bahay-bahay, siguraduhin lamang po na may taong hahawak sa inyong alaga sa takdang araw ng aming pag-ikot sa inyong mga barangay. Ngunit sa mga malalagpasan po, ay may maiiwan po na nakaistasyon sa inyong Barangay Hall at doon na lamang po babakunahan.

Narito po ang ilang tagubilin para sa mga hayop na papabakunahan:
๐Ÿ“Œ3 buwan pataas ang edad
๐Ÿ“ŒMalusog at walang sakit
๐Ÿ“ŒHindi Buntis
๐Ÿ“ŒUulitin po ang mga nabakuhan na noong nakaraang taon
๐Ÿ“ŒBawal paliguan ng 3 araw ang mga mababakunahang hayop

Narito po ang takdang araw ng bakuna sa mga sumusunod na Barangay:

February 3 - Brgy. Malate
February 4 - Brgy. Marcos Village
February 5 - Brgy. Imelda Valley
February 6 - Brgy. Imelda Valley (if necessary)

Ang programa po na ito ay handog sa mamamayan nang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Palayan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Kgg. Viandrei Nicole Cuevas at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.


Address

Nueva Ecija/Aurora Road, Brgy. Singalat, Nueva Ecija
Palayan City
3132

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Palayan City Veterinary Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share