09/09/2026
PALAPAG, NAG-UWI NG 34 NA MEDALYA SA KATATAPOS NA IKA-4 NA SIGLAKAS FESTIVAL
CATARMAN, NORTHERN SAMAR — Setyembre 7, 2026. Nag-uwi ng mga medalyang ginto, pilak, at tanso ang delegasyon ng Palapag sa katatapos na ika-4 na SigLakas (Sigla at Lakas Sports and Games) Festival, na nilahukan ng labing-isang (11) atletang persons with disabilities (PWDs), kasama ang kanilang mga magulang at g**o.
Ang SigLakas Festival ay isinagawa sa pangunguna ng NORFIL Foundation, Inc., katuwang ang Provincial Government of Northern Samar, Department of Education – Schools Division of Northern Samar, at Provincial Persons with Disability Affairs Office. Ginanap ang aktibidad sa 803rd Infantry “Peacemaker” Brigade, Philippine Army, Camp Agustin Sumoroy, Barangay Dalakit, Catarman, Northern Samar.
Sa kanilang matagumpay na paglahok sa iba't ibang paligsahan, nagbunga ito sa kabuuang tatlumpu’t apat (34) na medalya, na binubuo ng anim (6) na medalyang ginto, labing-walo (18) na medalyang pilak, at sampung (10) medalyang tanso.
Narito ang mga medalya at pagkilalang naiuwi ng mga kalahok mula sa Palapag:
🏃 100-METER RUN
🥉 Rolando R. Jaldo, Jr. (Laniwan) — Medalyang Tanso
🥉 Jheirstine Ethan L. Saludario (Aquino) — Medalyang Tanso
🏃 50-METER RUN
🥇 Vinz Jaiquel F. Adora (Tambangan) — Medalyang Ginto
🥉 Jheirstine Ethan L. Saludario (Aquino) — Medalyang Tanso
🥎 SOFTBALL
🥉 Rolando R. Jaldo, Jr. (Laniwan) — Medalyang Tanso
🎾 TENNIS BALL THROW
🥈 Allyzza Khate B. De Asis (Mabaras) — Medalyang Pilak
🥈 Vinz Jaiquel F. Adora (Tambangan) — Medalyang Pilak
🥉 Airiendell Jayne B. Militar (Tinampo) — Medalyang Tanso
🏀 BASKETBALL SHOOTING
🥈 Jerson A. Galoy (Jangtud) — Medalyang Pilak
🥈 Jheirstine Ethan L. Saludario (Aquino) — Medalyang Pilak
🥈 Vinz Jaiquel F. Adora (Tambangan) — Medalyang Pilak
🥈 Rodney C. Lucim (Monbon) — Medalyang Pilak
🥈 Rolando R. Jaldo, Jr. (Laniwan) — Medalyang Pilak
🥤 CUP BLOWING
🥇 Jerson A. Galoy (Jangtud) — Medalyang Ginto
🥇 John Mark B. Acero (Jangtud) — Medalyang Ginto
🥇 Rio C. Alican (Manajao) — Medalyang Ginto
🥇 Rodney C. Lucim (Monbon) — Medalyang Ginto
🥇 Janith L. Bojangin (Tinampo) — Medalyang Ginto
🥈 Rolando R. Jaldo, Jr. (Laniwan) — Medalyang Pilak
🥈 Jheirstine Ethan L. Saludario (Aquino) — Medalyang Pilak
🥈 Vinz Jaiquel F. Adora (Tambangan) — Medalyang Pilak
🥉 Airiendell Jayne B. Militar (Tinampo) — Medalyang Tanso
🥉 Jethro G. Chiquito (Pangpang) — Medalyang Tanso
📎 CLOTHES PIN RELAY
🥈 Jerson A. Galoy (Jangtud) — Medalyang Pilak
🥈 John Mark B. Acero (Jangtud) — Medalyang Pilak
🥈 Rodney C. Lucim (Monbon) — Medalyang Pilak
🥈 Janith L. Bojangin (Tinampo) — Medalyang Pilak
🔷 SHAPE RELAY
🥉 Airiendell Jayne B. Militar (Tinampo) — Medalyang Tanso
🥉 Jerson A. Galoy (Jangtud) — Medalyang Tanso
🥉 Rio C. Alican (Manajao) — Medalyang Tanso
🐝 STICK THE BEE
🥈 Airiendell Jayne B. Militar (Tinampo) — Medalyang Pilak
🥈 John Mark B. Acero (Jangtud) — Medalyang Pilak
🥈 Rodney C. Lucim (Monbon) — Medalyang Pilak
🥈 Janith L. Bojangin (Tinampo) — Medalyang Pilak
Ang tagumpay na ito ay patunay ng sipag, tiyaga, determinasyon, at kahanga-hangang kakayahan ng mga atletang PWD ng Palapag. Higit sa mga medalya, ipinakita nila na ang kapansanan ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay kapag may sapat na suporta, pagkakataon, at paniniwala sa sariling kakayahan.
Ang kanilang pagganap sa ika-4 na SigLakas Festival ay nagsisilbing inspirasyon sa buong komunidad na patuloy na itaguyod ang inklusibong palakasan, pantay na oportunidad, at aktibong pakikilahok ng mga persons with disabilities sa iba't ibang larangan.
Mabuhay ang mga atletang PWD ng Palapag! Ipinagmamalaki namin kayo! 🏅👏