15/10/2025
Matagumpay na isinagawa sa Barangay Dicabisagan East, Palanan, Isabela ang Barangay Assembly Day para sa Ikalawang Semester ng CY 2025 noong Sabado, ika-11 ng Oktubre 2025, sa ganap na ala-una ng hapon sa Barangay Community Center. 🏘️
Ito ay pinangunahan ng kanilang Punong Barangay na si Kgg. Jhonwincel D. Ramilo at dinaluhan ng mga residente ng barangay gayundin ng iba't-ibang mga tagapagsalita mula sa lokal na pamahalaan at national government agencies.🏘️
🧩 Tema: “Araw ng Pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating Talakayin ngayong Barangay Assembly”
Layunin ng pagtitipong ito na palakasin ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga usaping pang-barangay, talakayin ang mahahalagang isyu, at magbahagi ng mga mungkahi at solusyon tungo sa mas epektibong pamamahala at patuloy na kaunlaran ng komunidad. 🤝💬