30/03/2026
Ang People’s Law Enforcement Board ng Pakil (PLEB - Pakil) sa pamumuno ni Chairman Restito Laderas Barcebal ay nagsagawa ng Information Dissemination sa iba’t ibang baranggay ng Kanluran at Silangang Pakil sa loob ng dalawang araw kasabay ng iba’t ibang Baranggay Assemblies nitong Marso 28 at 29, 2026.
Layunin ng Information Dissemination Campaign na ito na ipakilala ang PLEB sa mga mamayan at ipaalam sa kanila na sa ano mang oras na sila ay naagrabyado ng kapulisan, sila ay may malalapitan ng libre, hindi kailangan ng abogado, at bukas kahit kanino.
Ipinabatid din sa mga mamamayan na ang PLEB ay binubuo ng mga pribadong individual representing different sectors at hindi bahagi ng PNP, pero ito ay hindi rin naman kalaban mga Kapulisan, bagkus ito ay tumutulong para sa kaayusan ng Kapulisan para mapanatili ang tiwala ng mamayan sa Kapulisan. Kaya’s hinikayat din ang mga mamayan na kapag may mga Pulis na gumawa naman ng kabutihan above and beyond their regular duties, sila ay i-report din upang mabigyan naman nag kaukulang recognition.
Sa nagdaang dalawang araw, walong Baranggay ang napuntahan ng PLEB at nabahaginan ng kaunting kaalaman hinggil dito. Iba’t ibang kinatawan ng Board ang nabigyan ng pagkakataong magsalita kada baranggay upang maging familiar ang mga tao sa kanila at malaman mg mga tao kung sino ang kanilang lalapitan.
Ang Information Dissemination Campaign na ito ay tuloy tuloy nangaawin ng PLEB Pakil lalo na tuwing magkakaroon ng Baranggay Assembly.
Nagpapasalamat ang PLEB Pakil sa mga iba’t ibag baranggay para sa opportunity naibingay nila para makapagsalita ang PLEB.
PLEB PAKIL
Chairman Resty Laderas Barcebal - representing the Professional sector
Members:
Kgg Elmer Cotoner - representing Sangguniang Bayan
Kgg Rey Alad - representing Liga ng mga Baranggay ng Pakil
Sir Almir Flores Enriques - representing Education sector
Maam Doris Cabahug - representing the Women’s sector
Engr Lairene Chicote of the Pakil LGU, PLEB Secretary
MLGOO Jinkee Castro Advento, PLEB Adviser
“PLEB ang Sumbungan: Karapatan ng Mamamayan, Karangalan ng Kapulisan, Ating Pangalagaan!”