Pagsanjan MENRO

Pagsanjan MENRO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pagsanjan MENRO, Government Organization, JP Rizal Street, Pagsanjan.

The MENRO shall take charge of the Municipal Environment and Natural Resources Office and shall take charge to manage,conserve,preserve,and protect the environment and natural resources of the municipality.

📢 UGNAYAN AT KUMUSTAHAN SA BARANGAYIsinagawa ang Ugnayan at Kumustahan sa Barangay Cabanbanan at Barangay Biñan, Pagsanj...
04/05/2026

📢 UGNAYAN AT KUMUSTAHAN SA BARANGAY

Isinagawa ang Ugnayan at Kumustahan sa Barangay Cabanbanan at Barangay Biñan, Pagsanjan, Laguna bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad at pagbibigay ng sapat na kaalaman sa mamamayan.

Layunin ng aktibidad na ito na maipabatid ang mga programa at serbisyong pangkalikasan, kabilang ang:

• Tamang pagsesegregate at pamamahala ng basura
• Climate Change at Environmental Protection Awareness
• Environmental Ordinances at mga kinakailangang permits
• Waste Diversion Strategies upang mabawasan ang dami ng basurang napupunta sa landfill sa pamamagitan ng recycling, composting, at reuse

Kasabay nito, mahigpit na ipinapaalala sa lahat ang pagsunod sa mga umiiral na patakaran sa pangangalaga ng kapaligiran:
🚫 No Open Burning
🚫 No Littering
🚫 No Illegal Dumping

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na hinihikayat ang aktibong pakikilahok ng bawat mamamayan tungo sa isang malinis, ligtas, at napapanatiling kapaligiran para sa buong bayan ng Pagsanjan.

Maraming salamat sa pakikiisa ng ating mga kababayan.

🫶🏻Sama-sama nating isulong ang pangangalaga sa kalikasan para sa susunod na henerasyon.




📢 PAALALA MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG PAGSANJANAlinsunod sa Municipal Ordinance No. 21-2011 at sa mga probisyon ng R.A....
29/04/2026

📢 PAALALA MULA SA PAMAHALAANG BAYAN NG PAGSANJAN

Alinsunod sa Municipal Ordinance No. 21-2011 at sa mga probisyon ng R.A. 9003, mahigpit na ipinagbabawal ang mga sumusunod:

• Pagsusunog ng basura (Open Burning)
• Pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar (No Littering – Section 61.1)
• Ilegal na pagtatapon ng basura (Illegal Dumping)

Ang sinumang mapatunayang lalabag ay papatawan ng kaukulang multa at/o parusa alinsunod sa umiiral na batas at ordinansa.

Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Ang disiplina ng bawat isa ay mahalaga tungo sa isang malinis at maunlad na Pagsanjan.

🌿🔥 Paalala po sa ating mga kababayan sa PagsanjanIwasan po natin ang pagsusunog ng basura (open burning) lalo na ngayong...
29/04/2026

🌿🔥 Paalala po sa ating mga kababayan sa Pagsanjan

Iwasan po natin ang pagsusunog ng basura (open burning) lalo na ngayong panahon ng tag-init. Ito ay maaaring magdulot ng polusyon sa hangin at makaapekto sa kalusugan ng bawat isa.

🌱 Sa halip, maaari po nating gawin ang mga sumusunod:
✔️ Mag-segregate ng basura
✔️ Mag-compost ng mga nabubulok
✔️ I-dispose nang maayos ang ating mga basura

Sa simpleng disiplina, malaki ang ating maitutulong sa kalikasan at sa kalusugan ng komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa para sa mas malinis at ligtas na Pagsanjan.

🌍 EARTH DAY 2026 “Our Power, Our Planet”Ngayong ika-22 ng Abril, nakikibahagi ang MENRO ng Bayan ng Pagsanjan sa selebra...
22/04/2026

🌍 EARTH DAY 2026 “Our Power, Our Planet”

Ngayong ika-22 ng Abril, nakikibahagi ang MENRO ng Bayan ng Pagsanjan sa selebrasyon ng Earth Day 2026, na nagpapakita na ang sama-samang maliliit na hakbang ay may malaking epekto para sa kalikasan.

♻️ Mag-segregate ng Basura • Nabubulok • Recyclable • Residual

🚮 Tamang Pagtatapon ng Basura • Gumamit ng tamang basurahan • Iwasan ang pagkakalat

🔁 Reduce, Reuse, Recycle • Bawasan ang basura • Isulong ang mas malinis at ligtas na kapaligiran

🌱 Simulan sa Sarili Ang bawat tamang pagtatapon at simpleng disiplina ay mahalagang ambag sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Makibahagi. Makialam. Kumilos.

‼️PABATID SA PUBLIKO‼️Walang hakot ng basura sa April 3, 2026 (Biyernes)Magbabalik ang koleksyon sa April 4, 2026 (Sabad...
01/04/2026

‼️PABATID SA PUBLIKO‼️

Walang hakot ng basura sa April 3, 2026 (Biyernes)

Magbabalik ang koleksyon sa April 4, 2026 (Sabado)

Sa panahong walang koleksyon ng basura, makatutulong ang tamang pagsesegregate, maayos na pagtatago, at pag-iwas sa pagtatapon kung saan-saan. Sama-sama po nating panatilihing malinis ang ating bayan.

Sa paggunita ng Semana Santa, nawa'y manaig ang pananampalataya, pagninilay, at pagkakaisa sa bawat tahanan.

Maraming Salamat sa inyong pakikiisa at pang-unawa.

‼PUBLIC ADVISORY‼Please be informed that the Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) has been relocat...
28/03/2026

‼PUBLIC ADVISORY‼

Please be informed that the Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) has been relocated at National Highway across the Barangay Hall of Barangay San Isidro, Pagsanjan, Laguna.

All transactions and inquiries will now be accommodated at our new office location.

Thank you!

Pagsanjan, oras na para makiisa! 🌍Patayin ang ilaw, magtipid ng enerhiya—dahil sa panahong may krisis, bawat kilos natin...
27/03/2026

Pagsanjan, oras na para makiisa! 🌍
Patayin ang ilaw, magtipid ng enerhiya—dahil sa panahong may krisis, bawat kilos natin ay may epekto sa kinabukasan ng ating bayan.

Bukas, sa pagdiriwang ng Earth Hour (Saturday, March 28, mula 8:30 PM hanggang 9:30 PM), sama-sama tayong makilahok at magbigay ng ating ambag.

Isang oras lang, pero malaking ambag na.
Sama-sama nating ipakita: Ang Pagsanjan ay may malasakit, may disiplina, at handang kumilos para sa kalikasan!

🗣️🗣️ENERGY & FUEL TIPID TIPS!"Let's conserve energy for a BETTER PAGSANJAN"REDUCE CAR USE• Carpool or use public transpo...
26/03/2026

🗣️🗣️

ENERGY & FUEL TIPID TIPS!
"Let's conserve energy for a BETTER PAGSANJAN"

REDUCE CAR USE
• Carpool or use public transport
• Walk or bike for short trips
• Avoid idling your engine
SAVE ELECTRICITY
• Turn off lights & appliances
• Use energy-efficient bulbs
• Consider solar power
SMART SCHEDULES
• Plan trips to combine errands
• Follow adjusted transport routes
• Limit non-essential travel
EFFICIENT DRIVING
• Drive at moderate speeds
• Schedule trips & avoid traffic
• Keep tires properly inflated
SUPPORT LOCAL PRODUCE
• Buy from local farmers
• Visit nearby markets
• Reduce transport costs
CONSERVE & REUSE
• Save water & fuel
• Reuse and recycle
• Avoid waste

ENERGY & FUEL TIPID TIPS!
"Let's conserve energy for a BETTER PAGSANJAN"

REDUCE CAR USE
• Carpool or use public transport
• Walk or bike for short trips
• Avoid idling your engine
SAVE ELECTRICITY
• Turn off lights & appliances
• Use energy-efficient bulbs
• Consider solar power
SMART SCHEDULES
• Plan trips to combine errands
• Follow adjusted transport routes
• Limit non-essential travel
EFFICIENT DRIVING
• Drive at moderate speeds
• Schedule trips & avoid traffic
• Keep tires properly inflated
SUPPORT LOCAL PRODUCE
• Buy from local farmers
• Visit nearby markets
• Reduce transport costs
CONSERVE & REUSE
• Save water & fuel
• Reuse and recycle
• Avoid waste




🚨 BABALA SA ILEGAL NA PAGTATAPON NG BASURANoong Marso 2, 2026, may naitalang insidente ng illegal dumping ng constructio...
10/03/2026

🚨 BABALA SA ILEGAL NA PAGTATAPON NG BASURA

Noong Marso 2, 2026, may naitalang insidente ng illegal dumping ng construction waste sa isang bakanteng lote sa National Road, Brgy. Biñan, Pagsanjan, Laguna. Noong Marso 7, natukoy ang pinagmulan ng mga basura at agad itong naresolba ng kinauukulan, kung saan ang mga responsable ay pinanagot alinsunod sa umiiral na batas.

Mahigpit na ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng Pagsanjan, sa pamamagitan ng MENRO, katuwang ang mga barangay at kapulisan, ang pagbabawal sa ilegal na pagtatapon ng basura alinsunod sa RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000).

Tandaan:
• Mag-segregate ng basura
• Iwasan ang illegal dumping
• Panatilihing malinis ang ating kapaligiran

🌱 Ang disiplina at responsibilidad ay nagsisimula sa ating mga sarili.

Address

JP Rizal Street
Pagsanjan
4008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pagsanjan MENRO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pagsanjan MENRO:

Share