02/05/2026
IKALAWANG โUGNAYAN AT KAMUSTAHANโ SA BRGY. BIรAN, NAGING MATAGUMPAY
PAGSANJAN, LAGUNA โ Matagumpay na isinagawa ang ikalawang โUgnayan at Kamustahan: Serbisyong may Pusong Pagsanjanโ noong Abril 30, 2026 sa Covered Court ng Villa Corazon, Barangay Biรฑan.
Pinangunahan ang aktibidad nina Mayor Jan Garcia at Vice Mayor Cocoy Fernandez, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga punong departamento, kawani ng pamahalaang bayan, DOH personnel, volunteers, at Sangguniang Barangay ng Biรฑan sa pamumuno ni Kapitana Teresita Principe.
Layunin ng programa na mailapit sa mamamayan ang ibaโt ibang serbisyong pampubliko sa pamamagitan ng one-stop shop na hatid ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay libreng legal consultation at haircut mula sa Mayorโs Office; medical, dental, laboratory services, chest X-ray, PhilHealth registration, at libreng gamot mula sa Municipal Health Office.
Nagbigay rin ng tulong ang Municipal Social Welfare and Development Office tulad ng medical assistance, certificate issuance, Solo Parent ID, at iba pang serbisyong panlipunan. Samantala, nagsagawa ang Public Employment Service Office ng job registration, recruitment activity, at tulong para sa mga OFW.
Nagbahagi rin ng vegetable seeds at veterinary services ang Municipal Agriculture Office, habang nagbigay ng birth registration at dokumento ang Civil Registrar. Nagkaroon din ng environmental orientation at permit assistance mula sa MENRO, pati na rin building at zoning services mula sa Engineering at Planning Office.
Nagbigay rin ng konsultasyon ang Pagsanjan Peopleโs Law Enforcement Board (PLEB) para sa mga residente.
Nagpasalamat ang pamahalaang bayan sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Biรฑan, at tiniyak ang patuloy na paghahatid ng serbisyong direktang makikinabang ang mamamayan.