LGU-Paglat Maguindanao Del Sur

LGU-Paglat Maguindanao Del Sur Official Page of Paglat Maguindanao del Sur

Here are the Degree Programs Offered at MSU - Maguindanao in Paglat.
07/05/2026

Here are the Degree Programs Offered at MSU - Maguindanao in Paglat.

๐’๐ญ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ฐ๐š๐ข๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ž๐ง๐ซ๐จ๐ฅ๐ฅ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐œ๐ก๐ž๐๐ฎ๐ฅ๐ž?

Take this time to explore the degree programs offered at MSU-Maguindanao in Paglat! Find the program that matches your passion and start planning your future as early as now.

Your journey starts hereโ€”kaya donโ€™t miss out!

๐Ÿ“Œ ๐—”๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฒ๐—ป๐—ฟ๐—ผ๐—น๐—น๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐˜€๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐˜‚๐—น๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฎ๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ฐ๐—ฒ๐˜€๐˜€!

๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿซถ
07/05/2026

๐Ÿ‘๐Ÿป๐Ÿซถ

Good Morning Paglatenosโ˜€๏ธ

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“: ๐๐Ž๐“๐ˆ๐‚๐„ ๐Ž๐… ๐‡๐ˆ๐‘๐ˆ๐๐† ๐…๐Ž๐‘ ๐”๐’๐“๐€๐ƒ๐’/๐€๐’๐’๐€๐“๐ˆ๐ƒ๐™Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan na kasalukuyan itong tumatanggap ng...
04/05/2026

๐Ÿ“ข ๐€๐๐๐Ž๐”๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“: ๐๐Ž๐“๐ˆ๐‚๐„ ๐Ž๐… ๐‡๐ˆ๐‘๐ˆ๐๐† ๐…๐Ž๐‘ ๐”๐’๐“๐€๐ƒ๐’/๐€๐’๐’๐€๐“๐ˆ๐ƒ๐™

Ipinababatid ng Pamahalaang Bayan na kasalukuyan itong tumatanggap ng mga aplikasyon para sa posisyon ng Municipal Paid Ustads/Assatidz, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng edukasyon sa bayan.

Layunin nito na makapagbigay ng suporta sa sektor ng edukasyong panrelihiyon upang higit pang mapalalim ang kaalaman, pagpapahalagang moral, at espiritwal na paghubog ng ating mamamayan.

๐Ÿ“‹ Mga Kinakailangang Dokumento:

โ€ข ๐“๐ซ๐š๐ง๐ฌ๐œ๐ซ๐ข๐ฉ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‘๐ž๐œ๐จ๐ซ๐๐ฌ (๐“๐Ž๐‘) โ€“ ูƒุดู ุงู„ุฏุฑุฌุงุช
โ€ข ๐ƒ๐ข๐ฉ๐ฅ๐จ๐ฆ๐š โ€“ ุดู‡ุงุฏุฉ ุงู„ูƒู„ูŠุฉ
โ€ข ๐๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐š๐ญ๐š ๐’๐ก๐ž๐ž๐ญ (๐๐ƒ๐’) โ€“ ๐ฎ๐ฉ๐๐š๐ญ๐ž๐ ๐š๐ญ ๐ง๐จ๐ญ๐š๐ซ๐ข๐ณ๐ž๐
โ€ข ๐€๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐‹๐ž๐ญ๐ญ๐ž๐ซ โ€“ ๐š๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ

Note: Submission is until May 8, 2026 (Friday)

Tiyaking kumpleto, wasto, at maayos ang mga dokumentong isusumite upang mapabilis ang proseso ng ebalwasyon ng inyong aplikasyon.

Maaaring magsumite ng aplikasyon at magtanong para sa karagdagang detalye sa tanggapan ng lokal na pamahalaan sa oras ng tanggapan.

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikado at nagnanais maglingkod na makibahagi sa programang ito tungo sa pagpapaunlad ng ating bayan.

Maraming salamat.

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ | ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜-๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐’๐„๐‚๐”๐‘๐ˆ๐“๐˜Isinagawa noong Mayo 1, 2026 sa Training Center, Poblacion Paglat, Magu...
02/05/2026

๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ | ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐”๐๐ˆ๐“๐˜-๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐ ๐’๐€๐…๐„๐“๐˜ ๐€๐๐ƒ ๐’๐„๐‚๐”๐‘๐ˆ๐“๐˜

Isinagawa noong Mayo 1, 2026 sa Training Center, Poblacion Paglat, Maguindanao del Sur ang Barangay Early Warning and Early Response (EWER) Structure Rollout, alinsunod sa liham ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS).

Sa pakikipagtulungan ng โ€˜LGU Paglatโ€™ sa pamamagitan ng โ€˜Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-PAGLAT), matagumpay na naisakatuparan ang pagsasanay na layong palakasin ang kakayahan ng ating mga barangay sa maagang pagtukoy, pag-uulat, at pagtugon sa mga banta sa kapayapaan at kaligtasan.

Dinaluhan ito ng mga barangay officials, volunteers, at iba pang sektor mula sa mga pilot barangays Damakling, Damalusay, at Tual upang higit na mapagtibay ang koordinasyon at kahandaan ng komunidad laban sa anumang uri ng krisis o sakuna.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng ating patuloy na adhikain na mapanatili ang kapayapaan, kaligtasan, at katatagan ng bawat mamamayan ng Paglat.

Pinapaaabot din ang pasasalamat sa office of Mayor Raisa Pendatun Langkuno, at vice mayor Sagandingan Gumonsang, at sa office of Ministry of Public Order and Safety, sa support upang maging possible ang mga ganitong programa.

๐Ÿ’š Para sa ligtas at matatag na Paglat, sama-sama tayong kikilos.






To all our hardworking citizens ๐Ÿซถ๐Ÿป
01/05/2026

To all our hardworking citizens ๐Ÿซถ๐Ÿป

Happy Labor Day to every Filipino whose hands keep this country alive.

To the fishermen who brave rough seas before dawn, the farmers who endure heat and rain to feed the nation, the jeepney drivers who carry people through crowded streets, the construction workers who build our cities, the vendors who work from sunrise to nightfall, the delivery riders who keep daily life moving, the nurses and healthcare workers who care for the sick, the teachers who shape young minds, the factory workers, janitors, security guards, office staff, and countless others whose names are often forgotten, this day is for you.

Let us stop romanticizing resilience as if hardship is something to praise. Filipinos were never meant to survive on endless sacrifice alone. Strength should not be measured by how much suffering a person can endure in silence.

The true worth of every Filipino worker is not found in how much they can sacrifice, but in how deeply they contribute to the life of this nation.

They are not just workers. They are the backbone of the country.

Behind every meal served, every road traveled, every building standing, every classroom learning, every hospital functioning, and every community surviving is the labor of Filipinos who deserve more than applause. They deserve dignity, fair wages, rest, protection, and a life where they do not have to suffer just to survive.

Today, we honor the people who carry the nation on their backs.

๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐˜๐€๐๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐„๐ƒ๐”๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐‚, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐€๐‹๐Ž๐†๐”๐„ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐†๐ˆ๐Ž...
30/04/2026

๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ‘๐ŸŽ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐๐€๐˜ ๐๐† ๐Š๐€๐๐€๐˜๐€๐๐€๐€๐ ๐€๐“ ๐„๐ƒ๐”๐Š๐€๐’๐˜๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐๐ˆ๐‚, ๐“๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐Š๐€๐˜ ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐€๐‹๐Ž๐†๐”๐„ ๐Œ๐„๐„๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“ ๐€๐“ ๐‘๐„๐‹๐ˆ๐†๐ˆ๐Ž๐”๐’ ๐’๐„๐‚๐“๐Ž๐‘

Pinangunahan ni Mayor Raisa Pendatun Langkuno ang isang makabuluhang dialogue meeting kasama ang mga ustads at asatidz ng bayan ng Paglat, kabilang ang mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang mataas na antas ng Arabic learning institutions na sakop ng bayan. Isinagawa ito sa pamamagitan ng focal person ng Arabic Local School Board (ALSB) na si Ustadz Rahib Mandalet.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang pagdaragdag ng mga asatidz at ustads sa bayan, mga kasalukuyang suliranin ng mga magtuturo sa Arabic, gayundin ang pagbuo ng mga plano para sa mga musabaqa at iba pang programang nakatuon sa pagpapaunlad ng mga lokal na mag-aaral ng Arabic. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kapayapaan bilang pundasyon ng patuloy na kaunlaran sa lahat ng sektor ng komunidad.

Bilang bahagi ng suporta sa edukasyon, tumanggap ang mga ustadzes at mga kinikilalang madrasah at Arabic institutions ng karagdagang mga upuan o armchairs na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Patuloy namang isusulong ng lokal na pamahalaan ng Paglat, sa ilalim ng administrasyong may CARE, ang mga pantay-pantay at inklusibong programa para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng bayan.













๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐๐€๐“ ๐‚๐€๐๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐„๐๐‡๐€๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐†; ๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Š๐€๐“๐”๐–๐€๐๐† ๐€๐๐† ๐๐๐-๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐๐…๐, ๐‘๐‡๐”, ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ...
29/04/2026

๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ—, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐๐๐€๐“ ๐‚๐€๐๐€๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐“๐˜ ๐„๐๐‡๐€๐๐‚๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐†; ๐‹๐†๐” ๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐Š๐€๐“๐”๐–๐€๐๐† ๐€๐๐† ๐๐๐-๐๐€๐†๐‹๐€๐“, ๐๐…๐, ๐‘๐‡๐”, ๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐๐† ๐’๐„๐Œ๐ˆ๐๐€๐‘

Matagumpay na ginanap ang Capability Enhancement Training ng mga Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Bayan ng Paglat sa pangunguna ng Local Government Unit of Paglat sa liderato ni Mayor Raisa Pendatun Langkuno, katuwang na nag-inisyatiba ang Municipal Police Station ng Paglat-PNP sa pamumuno ni PLT Lou Christian E. Villones, OIC ng Paglat MPS.

Naging bahagi ng nasabing seminar ang aktibong pakikiisa ng ibaโ€™t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan tulad ng BFP-Paglat, RHU-Paglat, MDRRMO Office, at MILG Officeโ€”patunay ng isang nagkakaisang sistema ng pamahalaan para sa mas epektibong serbisyong pangkaligtasan at pangkapayapaan.

Bilang suporta, dumalo rin sina Vice Mayor Sagandingan Gumonsang, LnB President Kamarudin M. Gumonsang, Poblacion Barangay Chairman Raheb M. Gumonsang, at iba pang mga Punong Barangay mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng Paglat.

Layunin ng training seminar na higit pang palakasin ang kaalaman, kakayahan, at kahandaan ng mga BPAT sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan. Kabilang dito ang pagpapaigting ng kanilang papel sa community security, maagap na pagtugon sa mga insidente, at pagbibigay ng paunang tulong sa oras ng pangangailangan. Sa pamamagitan nito, mas napagtitibay ang kanilang mahalagang tungkulin bilang frontliners sa barangayโ€”tagapangalaga ng seguridad, katuwang sa disaster response, at kaagapay ng kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Ang lokal na pamahalaan ng Paglat ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at dumalo sa nasabing aktibidad. Patuloy nitong isusulong ang mga programang nagtataguyod ng disiplina, kaayusan, at kapayapaan para sa kapakanan ng bawat mamamayan ng Paglat.














๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐ ๐๐‘๐„๐€๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐๐€๐’๐“๐‘๐˜ & ๐๐„๐’๐“ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐’๐„ ๐’๐”๐‚๐‚๐„๐’๐’๐…๐”๐‹๐‹๐˜ ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐„๐ƒMatagumpay na ginanap an...
28/04/2026

๐€๐๐‘๐ˆ๐‹ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Ž๐ ๐๐‘๐„๐€๐ƒ ๐€๐๐ƒ ๐๐€๐’๐“๐‘๐˜ & ๐๐„๐’๐“ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐”๐‘๐’๐„ ๐’๐”๐‚๐‚๐„๐’๐’๐…๐”๐‹๐‹๐˜ ๐‚๐Ž๐๐ƒ๐”๐‚๐“๐„๐ƒ

Matagumpay na ginanap ang orientation para sa Bread and Pastry at Pest Management Course na dinaluhan ng limampung (50) kalahok, na magsisimula sa mga susunod na araw ng buwan na ito.

Pinangunahan ni Mayor Raisa P. Langkuno ang nasabing programa kasama sina Vice Mayor Sagandingan Gumonsang at Councilor Jayhan Langkuno, miyembro ng Sangguniang Bayan at Chairwoman ng Committee on Education.

Ang programang ito ay isang espesyal na kahilingan ng LGU Paglat sa TESDA, sa pakikipagtulungan ng MBHTE-TESDA Maguindanao Province sa pangunguna nina AbdulKadir Thong G. Nalg, Chief TESD Specialist, at Mohamad Ali B. Diang, Planning Officer. Nagbigay rin ng orientation tungkol sa BSPTVET si Mr. Ali B. Buayan, CTEC Focal, kung saan ang BSPTVET ay tumutukoy sa Bangsamoro Scholarship Program for TVETโ€”isang scholarship program mula sa BARMM.

Ang mga benepisyaryo ng programa ay binubuo ng mga magsasaka at mga kinatawan mula sa ibaโ€™t ibang sektor ng komunidad.

Patuloy ang pagsusumikap ng Local Government Unit of Paglat para sa kapakanan ng mamamayan sa ilalim ng RAISACARE at PAGLATCARES Program.

Lubos din ang pasasalamat ng LGU Paglat sa dalawang Technical Vocational Institutions na nagsilbing host sa mga kursong ito ang RAZ Institute sa pamumuno ni Dr. Badria Talembo, Ph.D., at ang EKII Coordinator Team na pinangungunahan ni Sir Michael Ubpon.

Maraming salamat at patuloy tayong susulong para sa Paglat!













๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” |๐…๐ซ๐ž๐ž ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐€๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐‚๐€) ๐ข๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‹๐†๐” ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ญ๐Ÿ“Naga...
27/04/2026

๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” |๐…๐ซ๐ž๐ž ๐Œ๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ฅ ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž ๐‚๐จ๐œ๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐€๐ฎ๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ (๐๐‚๐€) ๐ข๐ง ๐ฉ๐š๐ซ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐‹๐†๐” ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐ญ

๐Ÿ“Naganap kanina ang isang makabuluhang Medical Mission sa MSU/PMC Gymnasium kung saan daan-daang mamamayan, lalo na ang ating mga magsasaka at coconut farmers, ang nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng medical consultation, dentistry, blood donation, eye check-up, libreng gamot, blood testing, at marami pang iba.

Ang programang ito ay isinagawa ng Philippine Coconut Authority, isang ahensya ng Department of Agriculture, sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Paglat sa pangunguna nina Hon. Mayor Raisa Pendatun Langkuno JD at Hon. Vice Mayor Sagandingan Gumonsang.

Layunin ng gawaing ito na mailapit ang serbisyong medikal sa ating mga mamamayan, lalo na sa mga coconut farmers na patuloy na nagsisikap para sa kabuhayan ng kanilang pamilya at sa pag-unlad ng ating bayan.

Isang malaking karangalan para sa ating bayan na ang Paglat ang napili ng PCA bilang lugar para sa makabuluhang programang ito. Ipinapakita lamang nito ang kanilang malasakit at pagpapahalaga sa ating komunidad, lalo na sa sektor ng agrikultura na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mamamayan.

Maraming salamat, PCA, sa pagpili sa Paglat bilang bahagi ng inyong adbokasiya sa serbisyo publiko at pagbibigay-pugay sa ating mga magsasaka. Tunay na ang serbisyong may malasakit ay serbisyong may puso. ๐Ÿ’š

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐|Tuloy-tuloy ang pamimigay ng rice assistance sa ibaโ€™t ibang barangay ng LGU Paglat, katuwang ang SAR Team sa ilal...
23/04/2026

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐|Tuloy-tuloy ang pamimigay ng rice assistance sa ibaโ€™t ibang barangay ng LGU Paglat, katuwang ang SAR Team sa ilalim ng tanggapan ng MDRRMO. Sa pamamagitan ng house-to-house distribution, natitiyak na ang tulong ay direktang nakararating sa mga liblib at higit na nangangailangang pamahayanan sa bawat barangay.

Patunay ito ng patuloy at mas pinaigting na serbisyo ng LGU Paglat sa pangunguna nina Mayor Raisa Pendatun Langkuno at Vice-Mayor Sagandingan Gumonsang, na walang sawang nagsusulong ng programang nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Asahan po ninyo ang tuloy-tuloy na pagkilos at malasakit ng inyong pamahalaang lokal. Maraming salamat po.




๐“๐ˆ๐†๐๐€๐| ๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐Ž๐… ๐“๐‘๐˜๐‚๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐„๐๐„๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‘๐˜Ipinapaalam sa lahat na ang 'release ng Tricycle Driver Assistance' para sa m...
16/04/2026

๐“๐ˆ๐†๐๐€๐| ๐‹๐ˆ๐’๐“ ๐Ž๐… ๐“๐‘๐˜๐‚๐ˆ๐‚๐‹๐„ ๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐„๐๐„๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‘๐˜

Ipinapaalam sa lahat na ang 'release ng Tricycle Driver Assistance' para sa mga benepisyaryo ay gaganapin bukas, ๐€๐ฉ๐ซ๐ข๐ฅ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ฌ๐š ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐†๐ฒ๐ฆ๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ข๐ฆ, ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง, ๐๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐š๐ง, ๐Œ๐š๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐š๐ง๐š๐จ ๐๐ž๐ฅ ๐’๐ฎ๐ซ.

๐Ÿ“Œ Para sa mga kabilang sa listahan, mangyaring magdala ng mga sumusunod:
โ€ข Dalawang (2) photocopy (xerox) ng inyong Driverโ€™s License
โ€ข Bawat kopya ay dapat may tatlong (3) specimen signature
โ€ข Dalhin din ang inyong original PVC Driverโ€™s License para sa verification

๐Ÿ“ Paalala: Siguraduhing kumpleto ang requirements upang maiwasan ang delay sa release ng assistance.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon!

Address

Poblacion, Maguindanao, Del Sur
Paglat

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639263747185

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU-Paglat Maguindanao Del Sur posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LGU-Paglat Maguindanao Del Sur:

Share