09/08/2024
9/8/24
Ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Pagalungan Ipagdiriwang sa Agosto 18, 2024
Ang bayan ng Pagalungan ay naghahanda para sa pagdiriwang ng ating ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag sa darating na Agosto 18, 2024. Ang okasyon na ito ay magsisilbing simbolo ng pagkakaisa at pag-unlad ng mga mamamayan ng Pagalungan sa loob ng higit pitong dekada.
Mga gawain sa pagdiriwang ng anibersaryo ay magsisimula sa isang makulay na parada na lalahukan ng iba't ibang sektor, kabilang ang mga paaralan, barangay, at iba't ibang organisasyon sa bayan. Susundan ito ng isang programa sa munisipyo kung saan ipapakita ang mga natatanging kontribusyon ng bayan at mga lider nito sa pag-unlad ng komunidad.
Isa sa patok na programa ay ang ika-8 na Aluan Festival na mag-aalok ng mga kapana-panabik na aktibidad, kabilang ang patimpalak sa pagluluto ng Aluan na tututok sa iba't ibang mga paraan ng paghahanda ng Aluan mula sa tradisyonal hanggang sa mga modernong putahe. Magkakaroon din ng isang paligsahan sa palakihan ng Aluan kung saan bibigyan ng pagkakataon ang mga partisipante na ipakita ang kanilang husay sa pagkuha ng Aluan.
Inaanyayahan ang lahat ng mga mamamayan, mga kalapit bayan, at mga bisita na makiisa at makisaya sa pagdiriwang ng ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Pagalungan.
Ito ay isang pagkakataon upang magtipon-tipon at ipagdiwang ang ating pagkakaisa, kultura, at mga natamong tagumpay bilang isang komunidad.
Tara na sa Pagalungan, Maguindanao del Sur sa darating na Agosto 18, 2024, at ipagdiwang ang ating kasaysayan at kultura!
Sila ang tunay na mga lider, prayuridad ang paghatid ng tamang serbisyo para sa bayan