17/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐
๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐
๐
๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐
Mas pinalalakas ang boses at representasyon ng ating mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng Provincial Farmers Action Council (PFAC), kasunod ng matagumpay na halalan ng mga bagong opisyal para sa taong 2026โ2028 sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
Isinagawa ang PFAC Election of Officers noong Agosto 12, 2026 sa NFA Pagadian City, Zamboanga del Sur, at Agosto 13, 2026 sa NFA Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Ang PFAC ay mahalagang katuwang ng NFA sa pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka. Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang pagbabahagi ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng NFA, kabilang ang pamimili ng palay, habang nabibigyan din ang mga magsasaka ng pagkakataong maipaabot ang kanilang mga saloobin, pangangailangan, at mungkahi sa Ahensya.
Layunin ng pagtutulungang ito na mas mapalakas ang ugnayan ng NFA at ng farming community at patuloy na maisulong ang mga programang makatutulong sa kapakanan ng ating mga magsasaka.
"๐ป๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐, ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐"