30/08/2026
|| ๐๐จ๐๐ ๐๐ก๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐ ๐๐จ๐ช๐๐ก ๐ก๐ ๐ช๐๐๐: ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐โจ ||
๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฏ๐ญ๐ฒ-๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ang Piitan ng Lungsod ng Pagadian-Dormitoryo ng Kababaihan,sa ilalim ng pangangasiwa ni ๐๐๐ฆ๐จ๐ฃ๐ง ๐๐ ๐๐๐ข ๐ ๐๐ข๐ก๐๐๐ฃ๐๐๐ข๐ก ๐๐ฅ, ๐๐๐ฆ๐, Panrehiyong Direktor ng Jail Bureau, at sa pamumuno ni ๐ฆ๐๐ข๐ฐ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฒ๐ป ๐ฅ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฎ, Pansamatalang Tagapangasiwa ng Piitan, ay buong-pusong nakikiisa sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Binibining Lakambini 2026. Sa temang โ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐: ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐ธ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฌ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป,โ ating binibigyang-diin ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa makabagong panahon bilang tulay sa kaalaman, teknolohiya, kultura, at pagkakaisa.
Tampok sa pagdiriwang ang tatlong kalahok sa Binibining Lakambini 2026, na buong-kumpiyansang kumatawan sa kani-kanilang ibaโt ibang selda. Sa pamamagitan ng kanilang paglahok, naipamalas nila ang kani-kanilang talento, talas ng isip, kagandahang-asal, kumpiyansa, at pagmamalaki sa kulturang Pilipino. Bida rin ang kanilang natatangi at malikhaing recycled gown, na nilikha mula sa mga materyales na maaari pang mapakinabangan. Hindi lamang ito naging bahagi ng kanilang pagrampa, kundi nagsilbing patunay ng kanilang pagkamalikhain, kasipagan, at malasakit sa kalikasan. Sa bawat disenyo at detalye, ipinakita na ang mga bagay na tila wala nang halaga ay maaaring gawing makabuluhan at kaakit-akit sa pamamagitan ng imahinasyon at talento.
Kabilang sa mga naging hurado ng patimpalak sina ๐ฆ๐๐ข๐ฐ ๐๐บ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ผ ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฟ. at ๐๐ข๐ญ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฐ๐ฒ๐๐ ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ถ๐ฝ๐๐ฑ๐ถ๐ป, na naging bahagi ng patas at makabuluhang pagpili sa natatanging Lakambini ng taong ito. At ang nagkamit ng titulong ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ay walang iba kundi ang ๐๐๐ก๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐๐. ๐ฎ!
Sa bawat hakbang ng ating mga Lakambini, dala nila ang mensahe ng pag-asa, dignidad, pagkakaisa, at panibagong pagkakataon. Sapagkat ang tunay na kagandahan ay hindi lamang nakikita sa panlabas na anyo, kundi higit sa lahat sa talento, talino, mabuting puso, at kakayahang makagawa ng positibong pagbabago.
๐ข ๐ฃ๐๐จ๐ก๐๐ช๐: Ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na makikita sa post na ito ay kusang-loob na nagbigay ng pahintulot at lumagda sa kaukulang waiver na nagpapahintulot sa pagkuha, paggamit, at pagpapakita ng kanilang mga larawan at mukha alinsunod sa umiiral na mga patakaran at alituntunin.
๐ Manatiling updated at ma-inspire! Huwag kalimutang i-LIKE at FOLLOW ang aming opisyal na FB Page para sa higit pang mga kuwento ng pag-asa, pagbabago, at makabuluhang paglilingkod. https://www.facebook.com/people/Pagadian-City-Jail-Female-Dormitory-BJMPR9/61552176921704/