PAETE The Carving Capital of the Philippines and The Arts Capital of Laguna

  • Home
  • Philippines
  • Paete
  • PAETE The Carving Capital of the Philippines and The Arts Capital of Laguna

PAETE The Carving Capital of the Philippines and The Arts Capital of Laguna The Carving Capital of the Philippines
The Arts Capital of Laguna Sangguniang Bayan of Paete, Laguna:

ITINERARY OF EDUCATIONAL TOUR:

1. VISIT TO ST. Fr. Joel R.

Through this page of our office, Facebook users who are in the field of tour/travel assistance will be able to communicate with us easily. This is also a great way of helping us in promoting our town without even going to their place or offering the actual products or demos because our documentation of tourists' arrivals in our town speaks for itself. If you are interested to go to Paet

e, Laguna (The Carving Capital of the Philippines and also known as Paete, Bayang Maka-sining), we offer our tourists the following itinerary and charges pursuant to Resolution No. 079 s. 2012 of the Hon. JAMES THE APOSTLE PARISH CHURCH-One of the national treasures in the Philippines.Paete was founded in 1580 by the Rev. Juan de Plasencia. Its stone church and convent was built in 1646, were ruined before 1717. The Rev. Francisco dela Fuente, O. F.M., constructed a stronger church in 1717 which was later destroyed by the earthquake of of 1880. The church which the Rev. Pedro Galiano, O.F.M. built in 1884 was destroyed by the earthquake of August 20, 1937.

2. CHOSEN DEMO (Pls. choose from Ice Carving, Fruit and Veg. Carving, Wood carving and Papier mache Demo which will be done by our carvers and papier mache maker).

3. WALK TOUR to Tourists' Lane-This is the place where tourists can buy souvenir items for pasalubong to their loved ones at very affordable prices with good quality. CHARGES COLLECTED:

Parking Fee
a. Bus Php 100.00
b. Coaster Php 75.00
c. Vans/Cars Php 75.00

Artisan Fee P 20.00 per visitor (students
only). This already include
church donation. Tour Guides P 150.00 per tour guide
(2 guides per bus for security
purposes)

ICE CARVING DEMO-
Actual carving of 2 ice blocks which is already inclusive of transportation and carvers’ talent fees. The charge for this demo is only minimal in the amount of Php 2,200.00. FRUITS AND VEGETABLE DEMO-
Actual carving of fruits and vegetables with finished products on display. There will also be a hands on demo for students plus carved fruits will be given to students who will answer
correctly in the Q & A portion. The amount of the demo costs only
Php 1,400.00. PAPIER MACHE DEMO-
Actual papier mache making with hands on experience for students who are willing to try this demo. The charge is only Php 400.00. WOOD CARVING DEMO-
Actual wood carving with a hands on experience for students who want to try wood carving. The costs of this demo is only Php 400.00. We suggest that the maximum number of students per demo is only 150 pax so that they will be able to witness and appreciate the obra maestra of our carvers. We are very much willing to serve you, you can reach us thru our landline (049)-501-7730 or contact Mrs. Ana Victoria Agbada-Ramos, Tourism Officer-OIC with CP No. 09175669843 or Mr. Barretto, Tourism Coordinator with CP no. 09324146898 or 09075188186.

Buong puso at buong pagmamalaki naming ipinakikilala ang dalawang kabataan mula sa Bayang MaSining Paete, Laguna — ang  ...
29/05/2026

Buong puso at buong pagmamalaki naming ipinakikilala ang dalawang kabataan mula sa Bayang MaSining Paete, Laguna — ang kinatawan sa Mister & Miss Eco Tourism Laguna 2026!

Sila ay hindi lamang kagandahan ang dala, kundi pati na rin ang diwa ng isang tunay na Paeteño: malikhain, masipag, at may malasakit sa kalikasan at kultura.

Sa bawat hakbang nila sa entablado, bitbit nila ang pangalan ng bayan na kilala sa pag-uukit,pagta-taka sa masining na kamay, at sa pagmamahal sa ating lawa at kalikasan. Sila ang patunay na ang Eco Tourism ay hindi lang tungkol sa magagandang tanawin, kundi sa mga taong nagpapahalaga, nag-aalaga, at nagsusulong nito.

Kaya naman, mga kababayan, kaibigan, at mga taga-Paete, hinihingi namin ang inyong buong suporta at malakas na sigaw para sa ating mga kandidata!

❤️Bb. Jhuanne Macalalag at
❤️Bb. Princess Khyllie Madridejos

Ipakita natin ang galing at pagkakaisa ng Paete!
Ipakita natin na sa larangan ng Eco Tourism, ang Laguna ay may ipinagmamalaki — at ‘yan ay ang mga anak ng Paete!

Go, Paete! Go, Mister & Miss Eco Tourism Laguna 2026!
Sulong Paete! Sulong Eco Tourism!

Mabuhay ang Paete!



📷Mister&Miss Eco Tourism Laguna

Mabuhay, Bayang Masining!Buong pusong binabati ng Bayan ng Paete si 𝑫𝒆𝒓𝒓𝒆𝒄𝒌 𝑵𝒚𝒍 𝑻𝒐𝒍𝒐𝒔𝒂, isang Grade 3 pupil, sa kanyang ...
28/05/2026

Mabuhay, Bayang Masining!

Buong pusong binabati ng Bayan ng Paete si 𝑫𝒆𝒓𝒓𝒆𝒄𝒌 𝑵𝒚𝒍 𝑻𝒐𝒍𝒐𝒔𝒂, isang Grade 3 pupil, sa kanyang kahanga-hangang tagumpay bilang 𝑱𝒖𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑴𝒓. 𝑮𝒍𝒂𝒎 𝑰𝒏𝒕𝒆𝒓𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 2026!

Siya ay anak nina Gng. Norelyn Funtanilla at G. Ador Tolosa. Ang kanyang tagumpay ay hindi lamang karangalan para sa kanyang pamilya kundi inspirasyon at pagmamalaki rin ng buong sambayanang Paeteño. Sa murang edad ay ipinakita niya ang tiwala sa sarili, husay, at galing na tunay na kahanga-hanga.

- Best in National Costume
- Junior Crown International 2026 Grand Winner

Patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang Paeteño. Nawa’y mas marami ka pang maabot na tagumpay habang dala-dala mo ang galing at puso ng Bayang Masining.

Special thanks kay Designer Abby Baet para sa napakagandang likha at kay Lito Caleon para sa mga kuhang larawan na tunay na nagbibigay-buhay sa tagumpay na ito.

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang National Flag Day—isang paalala ng ating pagmamahal, paggalang, at pagmamalaki sa...
28/05/2026

Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang National Flag Day—isang paalala ng ating pagmamahal, paggalang, at pagmamalaki sa bandila ng Pilipinas.

Ang ating watawat ay hindi lang tela na may tatlong kulay at araw. Sa bawat hibla nito, nakaukit ang sakripisyo ng ating mga bayani, ang tapang ng mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan, at ang pag-asa ng bawat henerasyon para sa isang mas magandang kinabukasan.

Ang asul ay sumasagisag sa kapayapaan at katarungan.
Ang p**a ay sumasagisag sa pagmamahal sa bayan at kabayanihan.
Ang puti ay sumasagisag sa kadalisayan at pagkakaisa.
At ang araw at mga bituin ay sumasagisag sa kalayaan at sa ating mga isla.

Kaya ngayong Flag Day, itaas natin ang ating mga watawat hindi lang sa ating mga tahanan at paaralan, kundi pati sa ating mga puso. Maging tapat tayo sa bayan, magtrabaho nang may dangal, at ipakita ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino sa araw-araw.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang bandila ng Pilipinas!

Maraming salamat po, at maligayang National Flag Day sa ating lahat!

Photo I Pagdiriwang ng Salibanda sa QueMarLaBaRo Southern Tagalog Regional Youth MinistryNagkaisa at nakiisa ang ating b...
22/05/2026

Photo I Pagdiriwang ng Salibanda sa QueMarLaBaRo Southern Tagalog Regional Youth Ministry

Nagkaisa at nakiisa ang ating bayan sa masayang pagdiriwang ng Salibanda ngayong buwan ng Mayo 22, 2026 bilang bahagi ng pagtanggap sa mga kabataang nagmumula pa sa iba’t ibang Diyosesis at Probinsya na bumibisita sa ating bayan sa ginaganap nilang Regional Youth Camp 2026 ng San Pablo Youth Commission at QueMarLaBaRo Southern Tagalog Regional Youth Ministry.

Sa pamamagitan nito, muli nating naipamalas ang buhay na pananampalataya, mayamang kultura, at taos-pusong debosyon ng mga Paeteño sa mahal na Señor Sto. Niño de Tribunal - El Gobernadorcillo de Paete, isang tradisyong ating ipinagdiriwang tuwing kapistahan ng Batang Hesus sa buwan ng Enero.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbigay suporta lalo na sa mga dinaanan ng Salibanda. Tunay na naipakita natin sa mga panauhin mula sa iba’t ibang lalawigan ang init ng pagtanggap, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya ng bayan ng Paete.

¡Señor Viva! ¡Viva Señor!

22/05/2026

Video Highlights I PAGDIRIWANG NG SALIBANDA

Nagkaisa at nakiisa ang ating bayan sa masayang pagdiriwang ng Salibanda ngayong buwan ng Mayo 22, 2026 bilang bahagi ng pagtanggap sa mga kabataang nagmumula pa sa iba’t ibang Diyosesis at Probinsya na bumibisita sa ating bayan sa ginaganap nilang Regional Youth Camp 2026 ng San Pablo Youth Commission at QueMarLaBaRo Southern Tagalog Regional Youth Ministry.

Sa pamamagitan nito, muli nating naipamalas ang buhay na pananampalataya, mayamang kultura, at taos-pusong debosyon ng mga Paeteño sa mahal na Señor Sto. Niño de Tribunal - El Gobernadorcillo de Paete, isang tradisyong ating ipinagdiriwang tuwing kapistahan ng Batang Hesus sa buwan ng Enero.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, tumulong, at nagbigay suporta lalo na sa mga dinaanan ng Salibanda. Tunay na naipakita natin sa mga panauhin mula sa iba’t ibang lalawigan ang init ng pagtanggap, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya ng bayan ng Paete.

¡Señor Viva! ¡Viva Señor!

☕️Kape ba hanap nyo?☕️ EL Coffee Co!☕️ Anu Tara? tikman ang kanilang mga specialty drinks at freshly brewed coffee dito ...
19/05/2026

☕️Kape ba hanap nyo?☕️ EL Coffee Co!☕️ Anu Tara?
tikman ang kanilang mga specialty drinks at freshly brewed coffee dito sa EL Coffee Co!☕️

Dito, hindi lang basta kape ang inihahain — bawat tasa ay may kasamang pag-aalaga, masarap na lasa, at mainit na pagtanggap. Mula sa classic na kape, milktea, frappe, hanggang sa kanilang best-selling pizza’s, siguradong may swak sa panlasa mo.😋🥤🧋🍕

Kaya ano pang hinihintay mo?
Magpahinga sandali, magkwentuhan kasama ang barkada, pamilya, o kahit mag-isa lang.
Dito sa EL Coffee Co, — kape lang at kwentuhan.👩‍❤️‍👨👫
Tara na sa EL Coffee Co!☕️☕️☕️
Dito masarap ang kape, masaya ang kwentuhan
Tara na at at siguradong hindi ka na maghahanap pa ng iba!🫰👍

⏰3PM – 12 MIDNIGHT
🛵Available for delivery
🚗Pwede rin pick-up!
📍F. Sario Street, Brgy. 2 Maytoong, Paeter
📱09494517592

Narito ang link: https://www.facebook.com/share/1C8q8fFJE6/?mibextid=wwXIfr
______________________________________________________

😊Para po sa libreng Business Promotion, maaari po kayo magtungo sa tanggapan ng Pambayang Turismo o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page.

😊Ang Pamahalaang Bayan ng Paete at ang tanggapan ng Pambayang Turismo ay sumusuporta sa mga lokal na negosyo sa bayan ng Paete, maging ito ay maliit man o malaki na negosyo.

😊Hangad ng ating Pamahalaang Bayan at ng aming Departamento na mas makilala at tangkilikin ng ating mga kababayan at mga turista ang ating mga produkto at negosyong lokal.🤩



📸mula sa Paete.TV

14/05/2026

Video Highlights I Masayang ipinagdiwang ang Santacruzan at Pakubol 2026 na hatid ng ating Punongbayan na si Mayor Ronald "Bokwet" B. Cosico sa Paete Town Plaza ngayong Huwebes, Mayo 14, 2026. Isang makulay at makahulugang tradisyon ng bayan ng Paete na patuloy na nagbibigay-pugay sa ating pananampalataya at kultura.

Lalo pang naging masaya ang pagdiriwang dahil nagkaroon din ng libreng ice cream para sa mga bata na tunay namang naghatid ng ngiti at saya sa ating munting mga kababayan.

CRAVING’S To Go & PASTIL Dynabomb ni GCravings mo, solved NA! 😋  Tanghalian man, Meryenda o Hapunan — hindi ka bibiguin ...
12/05/2026

CRAVING’S To Go & PASTIL Dynabomb ni G
Cravings mo, solved NA! 😋
Tanghalian man, Meryenda o Hapunan — hindi ka bibiguin sa sarap at busog na handa!
🥨🥤🥡
Tara na dito sa CRAVING’S To Go & PASTIL Dynabomb ni G— solid ang lasa at sulit pa sa presyo!

🍟🧁
PASTIL na pang-umaga hanggang gabi
FLAVORED FRIES na swak sa comfort
FROZEN YOGURT na naglalaway ka pa lang
CHURROS na perfect pang-snack
ICE CREAM na Refreshing
⏱️11AM – 10 MIDNIGHT
🛵Available for delivery
🚗Pwede rin pick-up!
📍J.P. Rizal Street, Brgy. 5 Ilaya del Sur, Paeter
0938-686-4243/ 0917-994-5240

Tara na at at siguradong hindi ka na maghahanap pa ng iba

Narito ang link: https://www.facebook.com/share/1CuMeagDZc/?mibextid=wwXIfr

_______________________________________________________________________

😊Para po sa libreng Business Promotion, maaari po kayo magtungo sa tanggapan ng Pambayang Turismo o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page.

😊Ang Pamahalaang Bayan ng Paete at ang tanggapan ng Pambayang Turismo ay sumusuporta sa mga lokal na negosyo sa bayan ng Paete, maging ito ay maliit man o malaki na negosyo.

😊Hangad ng ating Pamahalaang Bayan at ng aming Departamento na mas makilala at tangkilikin ng ating mga kababayan at mga turista ang ating mga produkto at negosyong lokal.🤩



📸mula sa Paete.TV

𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐁𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐈𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐏𝐎𝐒𝐓𝐎𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇, 𝐏𝐀𝐄𝐓𝐄, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀-...
08/05/2026

𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐄𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐍 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎𝐁𝐀𝐋 𝐏𝐀𝐈𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐈𝐀𝐆𝐎 𝐀𝐏𝐎𝐒𝐓𝐎𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐈𝐒𝐇, 𝐏𝐀𝐄𝐓𝐄, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀

-Si San Cristobal ang gabay ng mga manlalakbay. Nawa, sa pagpapanumbalik ng kanyang larawan, muli tayong magabayan tungo sa landas ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa sariling atin.

-Hindi lamang pintura ang ating isinasalba. Isinasalba natin ang kwento, ang pamana, at ang kaluluwa ng ating lahi.🎨

Ito ang patok na linya—uulit-ulitin mo na! Kapag usapang sarap at laki ng Chicken, wala nang iba—FIVE STAR na ‘yan! kaya...
04/05/2026

Ito ang patok na linya—uulit-ulitin mo na!
Kapag usapang sarap at laki ng Chicken, wala nang iba—FIVE STAR na ‘yan! kaya hindi nakakapagtaka kung bakit mas pinipili ang Five Star.

The Best Chicken for Everyone!

Crispy sa labas, juicy sa loob… bawat kagat, panalo!
Order na at sumabay sa trending na sarap!🍗🍛
______________________________________________________

😊Para po sa libreng Business Promotion, maaari po kayo magtungo sa tanggapan ng Pambayang Turismo o mag-iwan ng mensahe sa aming FB page.

😊Ang Pamahalaang Bayan ng Paete at ang tanggapan ng Pambayang Turismo ay sumusuporta sa mga lokal na negosyo sa bayan ng Paete, maging ito ay maliit man o malaki na negosyo.

😊Hangad ng ating Pamahalaang Bayan at ng aming Departamento na mas makilala at tangkilikin ng ating mga kababayan at mga turista ang ating mga produkto at negosyong lokal.🤩



📸mula sa Paete.TV

Address

J. V. Quesada Street
Paete
4016

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAETE The Carving Capital of the Philippines and The Arts Capital of Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share