31/05/2026
โ"๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐"
โ
๐๐๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐
โ
โAng Santรญssima Trinidad ay ang misteryo ng iisang Diyos sa tatlong persona: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Ito ay isang sentral na pananampalataya na inihahayag sa binyag at sa pag-aantanda ng krus, at hindi lubos na mauunawaan kung hindi ipinahayag ni Hesus.
โ
โIsang kuwento tungkol kay San Agustin ang naglalarawan ng misteryong ito. Habang pinag-iisipan niya ang Santรญssima Trinidad sa tabing-dagat, nakita niya ang isang bata na sumasalok ng tubig mula sa dagat at isinasalin sa maliit na hukay. Nang tanungin ni San Agustin ang bata kung ano ang ginagawa nito, sumagot ang bata na inililipat niya ang laman ng dagat sa hukay. Natawa si San Agustin, na sinasabing hindi ito posible. Ngunit biglang nagbagong-anyo ang bata at naging si Hesus, na nagsabing: "Hindi mo rin maaaring unawain ang malawak na misteryo ng Santissima Trinidad sa pamamagitan ng iyong maliit na kaisipan." Pagkatapos nito ay naglaho si Hesus.
โ
โ๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐ ๐ ๐ก๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐๐ฆ๐๐ ๐ ๐ง๐ฅ๐๐ก๐๐๐๐
โ1. Ginagamit ng Simbahan ang katagang โ๐ด๐ถ๐ฃ๐ด๐ต๐ข๐ฏ๐ค๐ช๐ขโ upang tukuyin ang Maykapal sa kanyang kaisahan; โ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ขโ o โ๐ฉ๐ช๐ฑ๐ฐ๐ด๐ต๐ข๐ด๐ช๐ดโ upang tukuyin ang Ama, Anak at Espiritu Santo; ang katagang โ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏโ upang tukuyin ang pagkakaiba nila ayon sa kaugnayan nila sa isaโt isa.
โSa paglikha ng mga katagang ito, hindi niya ipinailalim ang pananampalataya sa karunungan ng tao kundi nagbigay lamang ng panibagong pakahulugan upang ipaliwanag ang misteryong di maisip na higit pa sa natatarok ng isip ng tao.
โ2. "๐๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ช๐ด๐ช๐ฎ๐ข ๐๐ณ๐ช๐ฏ๐ช๐ฅ๐ข๐ฅ ๐ข๐บ ๐ช๐ช๐ด๐ข."
โHindi natin sinasampalatayanan ang tatlo kundi ang iisang Diyos. Sa tatlong persona, hindi nahahati ang pagka Diyos, kundi bawat isa ay Diyos. Kung ano ang Ama, siya rin ang Anak; kung ano ang Anak siya rin ang Ama; kung ano ang Ama at Anak , siya rin ang Espiritu Santo - ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay iisang Diyos lamang. (consubstancial)
โ3. "๐๐ฏ๐จ ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ข ๐ข๐บ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ช๐ฃ๐ข."
โAng Diyos ay iisa ngunit hindi nag-iisa. Ang mga salitang Ama, Anak at Espiritu Santo ay hindi mga katawagan lamang na waring nagpapahiwatig ng mga anyo ng Diyos. Ang tatlong persona ay tunay at talagang magkaiba โ ang Anak ay hindi Ama; ang Ama ay hindi Anak; ang Espiritu Santo ay hindi Ama o Anak kaya.
โMaaaring gamitin ang apoy upang ilarawan ang Santissima Trinidad. Ang apoy ay isa subalit may init, liwanag at kulay. Hindi maaaring ihiwalay ang 3 elementong ito gayong sila ay magkakaiba.
โ4. "๐๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฐ๐ด ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ถ๐จ๐ฏ๐ข๐บ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ขโ๐ต ๐ช๐ด๐ข."
โAng pagkakaiba ng persona ay hindi humahati sa kanilang pagka Diyos kundi nasa pagkakaugnay-ugnay ng isaโt isa: Ang Ama ay Ama dahil sa Anak , ang Anak ay dahil sa kaugnayan sa Ama, ang Espiritu Santo ay ayon sa kaugnayan niya sa Ama at Anak.
โMaaari itong ihalintulad sa isang pamilya: Ang magulang ay nagiging magulang dahil sa anak; ang anak ay anak dahil sa magulang; at ang esposo o esposa dahil sa kanilang kabiyak.
โ
โDIYOS AMA at ANAK
โ1. Sa pagtukoy sa Diyos bilang Ama, ang wikang ginagamit ng pananampalataya ay may 2 kahulugan:
โUna, ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat at kapangyarihang walang katulad.
โPangalawa, ang Diyos ay kabutihan at pagmamahal sa lahat niyang mga anak.
โ2. Ipinahayag ni Hesus na ang Diyos ay โAmaโ sa isang pakahulugang bago :
โHindi lamang siya Ama bilang Maylikha kundi siya ay Amang walang hanggan sa kaugnayan niya sa kanyang Anak na kaisa-isa; at ito namang Anak ay anak na walang hanggan sa kanyang kaugnayan sa Ama. (Basahin: Mt. 11:27)
โKayaโt ipinangaral ng mga Apostol na sa mulaโt mula pa, si Hesus ay Diyos. (Basahin: Jn.1:1, Col.1:15, Hb.1:3)
โDIYOS ESPIRITU SANTO
โBago muling nabuhay si Hesus, ipinahayag ni Hesus ang pagpanaog ng Paraklito (Tagapagtanggol) ang Espiritu Santo sa mga alagad upang turuan sila (Jn. 14:16) at akayin sa buong katotohanan (Jn. 16:13).
โAng Espiritu Santo ay ipinahayag na isa pang persona ng Diyos na kaugnay ni Hesus at ng Ama. Ang Espiritu Santo ay isinugo sa mga apostol at sa Iglesia ng Ama sa ngalan ng Anak at ng mismong Anak sa kanyang pagbabalik sa Ama. (Basahin: Jn. 14:26, Jn. 15:26)
โ
โ๐ ๐๐๐จ๐ง๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐
โJuan 16, 12-15
โ
โAng Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
โ
โNoong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โMarami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.โ
โ
โAng Mabuting Balita ng Panginoon.
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ