Barangay San Felipe

Barangay San Felipe Extraordinaryong-Barangay,Organisadong Layunin

14/05/2026

Magandang araw po sa lahat.
May natanggap po tayong mensahe mula sa BATELEC na magkakaroon po ng POWER INTERRUPTION ngayong araw.

Sa kasalukuyan, ito pa lamang po ay TENTATIVE o pansamantalang abiso.
Mahalaga po na maipaalam namin ito sa lahat upang kayo ay makapaghanda. Maraming salamat po.

07/05/2026
Medical Distribution @ Masaya Covered Court πŸ’ŠπŸ₯Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit! ❀️πŸ₯° Bokal Marcus M...
28/04/2026

Medical Distribution @ Masaya Covered Court πŸ’ŠπŸ₯
Maraming salamat po sa patuloy na suporta at malasakit! ❀️πŸ₯°
Bokal Marcus Mendoza



23/04/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng solo parent sa ating barangay na dumalo sa gaganaping pagpupulong patungkol sa upcoming:

πŸ“… Solo Parent Day Celebration sa ating bayan
πŸ—“ Abril 30
⏰ 8:30 AM
πŸ“ Barangay Hall, San Felipe

Magkakaroon din po ng maikling orientation tungkol sa Expanded Solo Parent Act (RA 11861)

πŸ“Œ Higit na hinihikayat ang pagdalo ng mga solo parent na may mga anak na kasalukuyang nag-aaral.
πŸ“Œ Mahalaga pong mapakinggan ang mga impormasyong ibabahagi ni Ma'am Janeth mula sa MSWDO garcia, salamat po

21/04/2026

ANUNSYO PARA SA MGA PWD AT MAY MGA ANAK/KAMAG-ANAK NA PWD

Magkakaroon po ng meeting patungkol sa pag-update ng bagong PWD ID at iba pang agenda

πŸ—“ Petsa: Abril 27
⏰ Oras: 2:30 PM – 4:00 PM
πŸ“ Lugar: Barangay Hall ng San Felipe

Inaanyayahan po ang lahat ng PWD at kanilang mga magulang o kamag-anak na dumalo.

Lalo na po ang mga may expired na PWD ID, mahalaga po na kayo ay makadalo o may maipadalang kinatawan (representative).

Maraming salamat po.

17/04/2026

ANUNSYO

Inaanyayahan po ang lahat ng mga nag-aalaga ng baboy sa ating barangay na dumalo sa isang seminar na gaganapin sa ika-21 ng Abril 2026 (Martes), ala-una ng hapon, sa Barangay Hall.

Ang CLARC Feedmill Inc., isang kilalang feedmill sa South Luzon na matatagpuan sa Brgy. Pinagkawitan, Lipa City, ay magsasagawa ng seminar upang magbahagi ng kaalaman at tumulong sa pagpapalago ng inyong pag-aalaga ng baboy at manok.

Layunin ng seminar na ito na maturuan at masuportahan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanilang mga programa tulad ng:

Libreng gamot
Technical assistance
Libreng accident insurance

Huwag po nating palampasin ang pagkakataong ito upang madagdagan ang ating kaalaman at mapabuti ang ating kabuhayan.

09/04/2026

πŸ“’ Paalala sa Lahat:
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang curfew hours para sa mga menor de edad, lalo na sa mga 17 taong gulang pababa.
Pinapaalalahanan ang mga magulang at kabataan na sumunod sa itinakdang oras upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating komunidad.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa at kooperasyon. πŸ™

06/04/2026

Address

San Felipe
Padre Garcia
4224

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Felipe posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share