17/12/2025
ISANG PAANYAYA
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang publiko, Garciano man o hindi, na makiisa sa gaganaping Mass Blood Donation bukas, ika-18 ng Disyembre, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Target ng bloodletting activity na makaipon ng isang daan at limampu't limang (155) bags ng dugo at ang bawat lalahok ay makatatanggap ng libreng meryenda at 5 kilong bigas.