25/03/2025
FYI guys para sa mabilisang Primary Valid ID!
ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Maghahandog ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia ng Postal ID 1-Day Capturing sa darating na Huwebes, ika-27 ng Marso, na gaganapin sa Municipal Post Office sa ikalawang palapag ng Main Building mula 8:00 ng umaga at magpapatuloy hanggang makumpleto ang target na limampung (50) mga kliyente.
Para sa mga interesadong Garciano, mangyaring maghanda ng halagang limang daan at limampung piso (Php 550.00) at magdala ng original at photocopy ng valid ID na may nakasaad na address (maghanda ng barangay clearance kung sakaling wala) at marriage contract para sa mga babaeng mayroon nang asawa.