04/08/2026
"BAKA HUMAN TRAFFICKING NA YAN?!" Series # 3:
Abroad nga ang pupuntahan pero palipat-lipat ng sasakyan?
Kadalasan sa mga illegal na trabaho abroad, ang mga trafficker ay hindi nagbibigay ng tiyak na destinasyon.
Aabisuhan kayong pumunta muna sa isang bansa bago kayo makarating sa inyong destinasyon. Sasabihan din kayong makipagtagpo sa kanilang mga βcontactβ na maghahatid sa inyong destinasyon. Kadalasan din, gumagamit sila ng mga mas maliit na transportasyon upang madala kayo sa ibang lugar.
Kung ang alok na trabaho sa abroad ay nagbibigay sa inyo ng hindi tiyak o tamang impormasyon ng inyong biyahe at pupuntahan, iyan ay maaaring ilegal at baka maging biktima ka ng human trafficking!
Siguraduhing kumpleto at hawak ninyo ang inyong mga travel documents (pasaporte, visa, airline ticket, atbp.) para sa mas ligtas na biyahe.
Tandaan, ang legal na trabaho abroad ay maaaring maberipika sa opisyal na website ng Department of Migrant Workers (DMW), www.dmw.gov.ph.
Makialam! I-timbre mo! Tumawag sa 1343 Actionline against Human Trafficking!
I-dial ang 1343 kung kayo ay nasa Metro Manila, o (02) 1343 kung nasa labas ng Metro Manila.
Maaari ring mag-report sa 1343 Actionline against Human Trafficking page at 1343 Actionline website (https://report.1343actionline.ph).
Iisang Nasyon, Iisang Aksyon: Tapusin ang Human Trafficking Ngayon!