ORMOC City Epidemiology and Surveillance Unit

ORMOC City Epidemiology and Surveillance Unit A unit under the City Health Office of Ormoc City.

Responsible for data collection, registration, reporting, investigation, analyzing & disseminating of reliable and timely information on health status, disease outbreak & other public health concern.

22/07/2025

๐ŸšจDOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN๐Ÿšจ

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ngโ€ญ NCR,โ€ฌโ€ญ I,โ€ฌโ€ญ II,โ€ฌโ€ญ III,โ€ฌโ€ญ CALABARZON,โ€ฌโ€ญ MIMAROPA,โ€ฌโ€ญ V,โ€ฌโ€ญ VI,โ€ฌโ€ญ VII,โ€ฌโ€ญ VIII,โ€ฌ IX,โ€ฌโ€ญ X,โ€ฌโ€ญ XI,โ€ฌโ€ญ XII,โ€ฌโ€ญ Caragaโ€ฌโ€ญ atโ€ฌโ€ญ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



22/07/2025

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐๐€๐€๐‹๐€๐‹๐€ ๐Š๐Ž๐๐“๐‘๐€
๐‡๐€๐๐ƒ, ๐…๐Ž๐Ž๐“,๐€๐๐ƒ ๐Œ๐Ž๐”๐“๐‡ ๐ƒ๐ˆ๐’๐„๐€๐’๐„ (๐‡๐…๐Œ๐ƒ)

Public Advisory No. 2025-026 | July 21, 2025

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa rehiyon, muling pinapaalalahanan ng Department of Health Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maggnatiling alerto, maalam, at responsable upang maprotektahan ang sarili, pamilya, at komunidad labanl sa sakit na ito.

๐—”๐—ป๐—ด ๐—›๐—™๐— ๐—— ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป. Bagamaโ€™t kadalasang mild, self-limiting, at hindi nakakamatay, ito ay maaari pa ring magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis kung sakasakaling hindi maagapan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜„๐—ฎ:
Ang HFMD ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa mga likido mula sa ilong, bibig, at laway o mga respiratory droplets o di kaya likido mula sa mga paltos o sugat ng taong may impeksyon. Maari rin itong makuha sa paggamit ng mga kontaminadong bagay tulad ng kubyertos, baso, laruan.

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€:
Lagnat, masakit na lalamunan, panghihina ng katawan o pagkabalisa, mapupulang butlig o singaw sa dila, ngalangala, o loob ng bibig, rashes sa palad, kamay, talampakan, at iba pang bahagi ng katawan, pagiging iritable ng mga sanggol at bata, at kawalan ng gana sa pagkain.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ถ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป:
1. Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o alcohol-based sanitizer.
2. Iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na bagay gaya ng kutsara, baso, twalya, at iba pang kagamitan.
3. Linisin at i-disinfect ang mga kwarto, silid-aralan, mga kagamitan, at surfaces gamit ang karaniwang household disinfectants.
4. Kumonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung nakararamdam ng mga sintomas.
5. Agad na i-isolate ang may sakit upang maiwasan ang pagkahawa sa iba.
6. Siguraduhing mananatili sa bahay ang mga batang may sintomas hanggang sa sila ay ganap nang gumaling. Iwasang makihalubilo sa nakararami.

Sa karagdagang impormasyon at gabay, basahin ang DOH Department Memorandum No. 2022-0572 sa link na ito:https://tinyurl.com/mumjz557

Maging mapanuri at responsable sa pagprotekta sa ating kalusugan. Sumubaybay sa mga opisyal na anunsyo mula sa DOH at sa lokal na pamahalaan. Sa sama-samang pag-iingat at pagkilos, mapipigilan natin ang pagkalat ng HFMD at mapapanatili natin ang kaligtasan ng ating mga komunidad.

19/06/2025
19/06/2025

๐๐€๐ˆ๐ˆ๐–๐€๐’๐€๐ ๐€๐๐† ๐Œ๐๐Ž๐— ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐๐€๐Š๐ˆ๐Š๐ˆ๐“๐€ ๐ˆ๐“๐Ž

Public Advisory No. 2025-023 | June 18, 2025

Hinihikayat ng Department of Health - Eastern Visayas Center for Health Development (DOH-EVCHD) ang publiko na maging maalam at alerto tungkol sa Mpox. Gamitin natin ang tamang impormasyon para makaiwas sa Mpox na ating kayang tukuyin.

Ang Mpox ay sakit na dulot ng virus. Malapit, pisikal, at balat-sa-balat na dikitan kasama na ang pakikipagtalik ang dahilan ng hawa nito. Hindi ito naililipat sa ihip ng hangin.

Nakikita ang Mpox: mga butlig sa balat na kadalasan ay may kasabay na lagnat at pamamaga ng mga kulani. Maaaring mapagkamalang Mpox ang ibang sakit tulad ng bulutong o ng tigdas, kaya't mainam na ikonsulta agad para malaman.

Tanging Clade II pa lamang ang nakikita sa buong Pilipinas, at hindi ang Clade Ib na ikinababahala sa ibang panig ng mundo.

โœ… Pag-usapan ng walang kaba ang Mpox, at kumuha ng impormasyon mula sa DOH o sa doktor ng lokal na pamahalaan. Wag basta basta maniwala sa fake news na kumakalat.
โœ… Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay gamit ang tubig at sabon, o hand sanitizer/alcohol.
โœ… Iwasang magbahagi o magpahiram ng mga personal na gamit ng maysakit, gaya ng tuwalya at iba pa.
โœ… Palaging mag-sanitize ng mga gamit partikular sa mga bagay na palaging ginagamit o nahahawakan ng may sakit.
โœ… Iwasan muna ang mga aktibidad na maaaring magkaroon ng close contact (balat-sa-balat), lalo na sa mga may sintomas ng sakit o sa mga hindi kakilala.
โ€ผ๏ธAng mga aktibidad na gaya nito ay nakakapagpataas ng pagkakataong makakuha ng Mpox: pakikipagtalik, halikan, yakapan, masahe, o dikitan ng balat.
โœ… Nakakatulong magsuot ng long sleeves at pantalon dahil natatakpan ang balat.
โœ… Kung ikaw ay may nakikitang mga butlig o rash, may lagnat, o kaya ay may namamagang kulani, at may naaalalang pagdikit ng matagalan sa taong may sintomas, o di kilala, agad na kumonsulta o tumawag sa pinakamalapit na Health Center.

Mabisang proteksyon ang tamang kaalaman at maagap na aksyon. Palaging umantabay at sundin ang mga abiso mula sa DOH at sa mga lokal na pamahalaan. Nakikita at naiiwasan ang Mpox.

05/06/2025
30/05/2025

๐Ÿ“ข OFFICIAL ADVISORY
Gatchalian Medical Center strongly denies the false information circulating online regarding an alleged case of monkeypox within our facility. As of today, there are NO CONFIRMED or SUSPECTED CASES of monkeypox at GMC.

We urge the public to refrain from spreading misinformation and to rely only on verified sources such as the Department of Health, City Health Office, and GMCโ€™s official channels.

For inquiries, contact our Public Information Office at 0999-171-4042.

Thank you for your trust and continued support.

30/05/2025

Address

Ormoc City Health Office, CHO Main Offices And Clinics, Aunubing Street, Ormoc, Leyte
Ormoc City
6541

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ORMOC City Epidemiology and Surveillance Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share